Vaughn's Lunacy

8K 145 13
                                    

Dollar's POV


Natapos ang huling klase namin at bago pa makalabas ang mga kaklase ko, tumuntong na agad ako sa desk sa unahan para makuha ang atensyon nila.

"Hey, blockmates!"

Dalawa ang nag-angat ng tingin, dalawa ang nag-angat ng kilay at ang natitirang labindalawa, walang reaksyon.

"Malapit na ang Christmas," panimula 'ko.

And nothing's changed.

"Gusto nyo bang magka-Christmas party ang section natin?"

Please say no!

"I'm starting to review for the Chemistry Quiz Bee in January." Si Joy habang nagliligpit ng gamit.

"It 'll be my dog's birthday next week!"

"You're celebrating Christmas? Grow up!"

"We're not Catholic!"

Nag-de-quatro 'ko sa mesa at napapangiti sa mga dahilan nila. Ayos! Killjoy talaga 'tong section na 'to kung hindi man talagang tamad lang ang nakakarami sa 'min. At idagdag pa na dahil wala akong kwentang chairwoman, pinagdasal ko na kanina pa na huwag silang pumayag. Para wala 'kong poproblemahin sa pag-oorganize ng ganyang party. Wala din sana 'kong balak itanong sa kanila 'to pero nakasalubong ko si Euna at binalitaan lang ako.

Pero kahit naman gustuhin nila, eh ano? Bahala sila, basta ako, makiki-party na lang sa i-o-organize na Christmas party ng SSC para sa buong school.

Napangiti ulit ako at tumalon na pababa nang matapos ang sari-saring dahilan nila na ang suma-total lang naman ay hindi sila interesadong magkaroon kami ng Christmas party.

"Tama ang desisyon ninyo mga mahal kong kaklase, sige pakasaya kayo sa bakasyon nyo, ciao!"

Inunahan ko silang lumabas at kung dati diretso 'ko sa comfort room para mag-'retats', ngayon pass muna 'ko. Wala naman kasi si Rion, may out of town activity ang batch nila.

Pero okay lang, may party pa naman next week at mahaba pa ang Christmas vacation na pwede kong 'gugulin' sa bahay nila. He-he-he!

Naglalakad ako sa quadrangle nang makakita ako ng lumilipad na... elepante? Wehehe, joke lang. Syempre wala niyon sa University na 'to.

May lumilipad na shuttlecock, may naglalaro kasi sa isang parte ng quadrangle kahit walang net. Hmm... ang saya ng aura ng mga estudyante, wala na kasing klase simula bukas, bakasyon na! Yeahba! Pero babalik na lang sa isang araw para sa party.

Hmn... Ano bang meron don? Sayawan? Kainan? Tawanan? 

A-attend nga ba talaga 'ko? Ano namang mapapala 'ko? Eh kaya ko namang sumayaw kahit sa bahay lang, mas lalong kayang-kaya kong kumain, tumawa? Pwede naman akong tumawa kahit mag-isa a. And I can do all those three things at the same time!

Pero ano nga kaya?

Wala pa naman akong party na napupuntahan at kahit prom noong high school ay  hindi ako um-attend. Ang totoo, mas marami pang party na napuntahan si Cheiaki kesa sa'kin.

Napahinto ako nang may naisip ako.

Tama! Si Rion ang president ng SSC kaya malamang na um-attend siya!? At hindi ako baliw para palagpasin iyon! Tama, tama. Ngayon pa lang ite-text ko na siya para maging escort ko, o mas maganda kung tawagan ko na siya. No, maaabala siya masyado. Hihintayin ko na lang ang pag-uwi niya mamaya!

Si Euna na lang ang ite-text ko para makasama sa pagbili ng damit! Kinapa ko ang cellphone ko sa bag ko habang tinitingnan pa din ang shuttlecock na pauli-uli sa ere.

RION (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon