Building His Haven

7.9K 144 15
                                    


Dollar's POV

Sumilip ako sa punong sinasandalan ko. And oh my!

Worth it naman pala ang pala ang pagsunod ko kay Rion kahit hindi ko alam kung nasaang parte na kami ng gubat.

It's not every day that I see a gorgeous backside of a man. Nahubad na niya nang tuluyan ang T-shirt at pinapatas niya ang ilang tabla ng kahoy. Hindi ko alam kung anong ginagawa niya pero alam ko kung anong ginagawa ko. Simpleng pang-i-stalk lang ngayong mainit na hapon. Heehehe! I just want to spend my afternoon with him. 

Umikot ako sa kabilang bahagi ng puno nang makita ko siyang papalapit sa direksyon ko. Teka bakit nga baka ko nagtatago? Anong bago sa pagsunod-sunod ko? Tumigil ako sa paggapang nang mabangga ako sa dalawang binti. Tiningala ko si Rion and saw that familiar knot on his forehead.

"Hello Unsmiling Prince! I'm so happy to see you here!"

Mabilis akong tumayo.

"It's so obvious. Why are you here?"

"Gusto ko lang malaman kung..." Bakit ka lageng half-naked? "...Kung anong ginagawa mo din dito?"

"Ikaw?" balik-tanong niya.

"Sinusundan ka. This is my favorite hobby, you know!" I grinned at him.

"Paano ka nakapunta dito? Malayo 'to sa bahay."

"Kasama ko si Moony, ang kalabaw ni Lolo, iniwan ko siya sa paanan ng bundok. Hehehe!"

Sumunod ako sa kanya malapit sa mga nakapatas na kahoy.

"I'm building a house." sagot niya mayamaya.

"Talaga? Saan?" 

(?_<) (>_?)

"Look up."

"Wow! Mukha ngang bahay!"

"Silly. That's not yet a house. Sahig pa lang yan."

Aah, kaya pala puro tablang pinagdikit-dikit pa lang ang nakikita ko sa taas ng malaking punong mangga.

"Baket? Are you starting a family, Rion? Bakit ka gumagawa ng bahay? At sa taas ng puno?"

He gave me his famous bored look. "Have you heard about tree house? Iyon ang ginagawa ko."

Aaah...

"Why? Maganda naman sa bahay ninyo di ba?"

"Sometimes you'll wake up one day feeling tired of all the things you used to have, at maghahanap ka ng bagong lugar," he said and looked away. He tossed his hammer in the air and catch it.

Sinabi nya iyon na parang may malalim na kahulugan. Is Rion not happy living his life in the villa?

"At sa gubat ang napili mo?"

"Yeah. I always love the calmness of the forest."

He just gained another point from me. Sinong lalake ngayon ang aakyat sa bundok at magpapalipas ng maghapon niya dito? Silently building his sanctuary.

"You really like being alone, don't you?" Parang dapat yata akong mahiya na palage ko siyang inaabala.

"My solitude is what I treasure most. And I want silence once in a while."

"Pinaparinggan mo ba 'ko? Hindi naman ako maingay di ba?"

He just shrugged as if indulging me.

"Okay lang ba na panoorin kita?"

RION (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon