Dollar's POV
Hindi ako sanay. Sa katahimikan.
Kanina, pinakilala sa akin ni Lolo ang mga apo niya. Sina Rion at Shamari. Magkapatid nga sila. Pero bakit kaya hindi obvious? Nag-aalmusal kaming apat dito sa grandyosong dining hall na parang museum sa laki.
At ganito ba talaga... Napakatahimik. Pati tunog ng mga kubyertos parang praktisado at talagang may ritmo. Samantalang sa bahay, hindi kami nauubusan ni Cheiaki ng ikukwento kay Uncle. Madalas nagkukulitan kami. Basta maingay kami kahit sa hapunan. Kaya siguro tahimik masyado si Rion dahil tahimik din ang environment na kinalakihan niya. Hmn... A man of few words...
Tiningnan ko sila. If there's one thing they shared in common, it is the air of authority around them.
"Rion, make time na mapasyal mo si Dollar ngayong araw," sabi iyon ni Lolo.
Sabi ko na nga ba, may niluluto siya. But Rion just looked at me and didn't answer.
"L-Lo hindi na kailangan. Si Shamari po, sabi niya kagabi, sasamahan niya po 'ko sa pamamasyal."
"What?!" Si Shamari na nag-react at halatang walang ideya sa sinabi ko. Tss! Hindi nakuha sa tingin.
Nginitian ko siya. 'Hope she got the message. Pero tinaasan lang niya ako ng kilay.
"Good. Ikaw na munang bahala kay Dollar, Shamari," si Lolo na tuwang-tuwa.
Hindi na nagsalita si Shmamari pero halatang labag sa kalooban. Hmn.. kailangan ko yatang maghanda, lagot ako sa kanya mamaya. Sinulyapan ko nang mabilis na mabilis si Rion at saka nagpatuloy sa pagkain.
^^^^^^^^
Shamari's POV
"Dalian mong maglakad, Viscos, I'm not your tour guide!" nayayamot kong sigaw kay Dollar.
Aba't ang ewan na babaeng 'to, may pag-akyat pa sa mga puno!
"Teka lang, Shaw. Gusto kong makita nang mas mataas ang paligid. It's heaven, you know. Ang ganda talaga dito!"
Hindi ako nagsalita. Bukod sa nananakit ang paa ko sa kalalakad, masakit na din ang tenga ko dahil kanina pa siyang kumakanta.
" ♫♫♫ Let me tell you about the birds and the trees and the flower and the bees and the moon up above.... and the thing they called love... ♫♫♫"
Hinilot ko ulit ang sentido ko nang marinig ang pagkanta niya. Ewan ko, ang sakit talaga sa ulo ng kaingayan ng babaeng 'to. Ang balak ko sana ay magbakasyon nang tahimik. Pero dahil inimbita nga siya ni Lolo, migraine pa yata ang aabutin ko. Karma ko na yata ito dahil sa pagtataray ko sa kanya.
"Mawmawri, pagod na din akong maglakad. You know, it's impossible namang malibot natin 'to ng isang araw lang," umupo siya sa tabi ko dito sa nakatumbang puno.
"Magtiis ka. Wala pa tayo sa one-fourth nagrereklamo ka na."
Nandito kami ngayon sa isa sa matataas na bahagi ng hacienda. Tanaw dito ang gubat sa baba na tumutunton sa dalampasigan. Ilang kilometro din ang layo nito sa bahay.
"Shamaw, bakit hindi na lang tayo sumakay sa kabayo?"
"Do you know how?"
"Sasampa lang naman di ba? At hahawak nang mahigpit?"
Ugh! The silliness of this girl. Kala mo lage madali lahat ng bagay.
"Ayoko."
"Baket?"
BINABASA MO ANG
RION (Complete)
Romance[Filipino] Formerly BEWARE OF HIS SPELL Dollar Viscos, a pyromaniac college student, has a huge crush on Rion Flaviejo, the SSC President of their University. While she was doing everything to make her presence known to him, Rion was also doing ever...
