Dollar's POV
Isa sa mga normal na umaga na ginugugol ko sa paglalakad papuntang school.
Excited na 'kong dumating ang hapon. Pupunta kasi ako kina Lolo mamaya para personal na magpasalamat sa kanya pati na din kay Rion. He-he-he! Another chance to have a moment with my Unsmiling Prince.
Naglalakad ako sa gilid ng highway at iniisip ko na lang na namumulaklak ang mga damo na nadadaanan ko at yumuyuko ang mga puno para batiin ako.
Hmm.... I'm wondering kung ilang kabaliwan na ang naisip ko sa ilang taong paglalakad dito. Pero wala akong magagawa, chicken na chicken sa 'kin ang isa't kalahating kilometrong lakarin dahil masaya ako.
Natanaw ko ang pamilyar na sasakyan kaya napabilis ang paglalakad ko. Nang malapit na ako ay nakumpirma ko na kotse ni Zilv ang nakatigil sa tabi ng daan. That dashing guy in T-shirt and jeans was leaning against his car. And if Rion love rudeness, this man definitely live with that word and mastered being ruggedly handsome from head to toe.
"Zilv!"
Hindi niya na kailangang lumingon sa'kin dahil kanina pa niya 'kong tinitingnan, with that same expression whenever he sees me. He tenderly smiles at me.
"Anong ginagawa mo dito, tatay Zilv? Umaga pa lang ah, mamaya pa ang pasok mo di ba?"
Sa halip na sumagot ay inabot niya sa'kin ang isang brown paper bag. Hindi ko na kailangang makita ang loob niyon kailangan ko na lang kapain para malaman na dalawang sandwich at Dutchmill ang nasa loob ng supot.
That's Zilv. Sa tuwing makikita niya 'ko sa umaga pag papasok ako, lage siyang may pabaong pagkain sa 'kin. Ewan ko kung hindi siya aware na first year college na 'ko sa halip na grade three pupil.
"Pa'no yan, wala naman kaming break , five hours na diretso ang klase namin?"
"Eat them whenever you feel hungry, kahit nasa harapan mo pa ang professor mo."
"Okay."
That's him, again. Walang kinikilalang rules, walang kinatatakutan.
"Late ka na ba?" Tanong niya at saka namulsa.
"Hindi pa naman, why?"
"May gusto 'kong ipakiusap sa'yo. Binuksan niya ang pinto ng passenger seat. Only to reveal the last person I'll expect to be with him. Dressed in a plain Marks and Spencer oversized tees and Ferragamo flats. She looked regal as always and... pissed off?
"Shamaw?!"
Teka... Pinaglipat-lipat ko ang tingin ko kay Shamari na naka-cross arms at hindi maipinta ang mukha at kay Zilv na prenteng nakatingin lang sa 'min, as if not threatened by Shamari's obvious hostility.
"Nagtanan kayo!? Baket? Kelan pa? Paano?"
Magkakilala na pala sila, no need for introduction. Pero kelan sila nagka-in-love-an? Ang bilis talaga ni tatay Zilv!
"No! He abducted me!" Shamari said disgustedly.
"Yeah, mabuti ng masabihan na kinidnap ka kesa mapagkamalang tinanan ka, now, tell her about your lies then I'll bring you back to your kingdom, my queen, unscathed. And I'll also go back to sleeping and we'll be all happy. Watcha think?" Zilv ranted.
Base sa madilim na ekspresyon ni Zilv, halatang kanina pa sila nagbabangayan. This was the first time I saw him losing patience over a woman.
Hmm? What've I missed these past weeks?
"Ano ba iyon tatay Zilv?" kulbit ko sa kanya.
Ang aga naman yata nilang mag-away? Hindi niya 'ko sinagot, instead he eyed Shamari and gave her that commanding look.
BINABASA MO ANG
RION (Complete)
Romance[Filipino] Formerly BEWARE OF HIS SPELL Dollar Viscos, a pyromaniac college student, has a huge crush on Rion Flaviejo, the SSC President of their University. While she was doing everything to make her presence known to him, Rion was also doing ever...
