Hindi makapaniwala ang mga kaibigan ni Candyse na mag boyfriend kaming dalawa.
Nandito kami ngayon sa canteen namin kasi vaccant namin. Walang pumasok na teacher kaya napagpasyahan namin na kumain muna dito. Kasama namin ang mga friends ni Candyse na sina Rhona,Jenny at Mariel.
Candyse ang swerte mo talaga.-Sabi ni Jenny kay Candyse habang kumakain nang burger.
Bakit naman?-Tanong ni Candyse.
Ehh! Ang gwapo kaya nang boyfriend mo.-Sabi naman ni Jenny habang kinikilig pa.
Haha! Syempre ang ganda ko kaya, Na love at first sight nga si myloves ehh. Diba myloves.-Sabi niya sa akin sabay yakap.
Ang Landi talaga nang babaeng to ano? Sarap sapakin ehh! Hayyst, buti na lang at malapit nang matapos ang pagpapanggap namin.
Ahh! Syempre sa ganda mo myloves sino ba naman ang hindi mabighani.-Sabi ko habang pinisil ang ilong ni Candyse.
Tumawa ang mga kaibigan ni Candyse na halatang kinikilig.
Habang abala sa pagkain ang mga kaibigan ni Candyse ay bumulong ako sa kanya.
Candyse kailan natin sasabihin sa kanila ang totoo?-Tanong ko sa kanya.
Basta sa huling araw nang pagpapanggap natin doon natin sasabihin ang lahat lahat.-Sagot niya sa akin
Okey,pero pati yong sikreto ko?-Tanong ko ulit.
Syempre pati yon.-Sagot niya sa akin sabay ngiti
Ehh paano kung ipagkalat nila sa iba?-Tanong ko ulit sa kanya
na halatang kinakabahanAlam kong mapagkatiwalaan sila. Ang dami nga naming mga sikreto ehh!.-Sabi niya sa akin na nakangiti parin.
Okey!-Yan na lang ang naisagot ko at biglang nag...
Krriinngggggg..............
Oh paano guyz kita na lang tayo bukas ha.-Sabi ni Candyse sa mga friends niya.
okey! Bye-bye.-Sabi nang mga friends niya
pumunta muna kami sa mga locker namin at doon inilagay ang mga gamit namin. Naglakad na kami palabas nang school namin nang madaanan namin ang basketball court na may naglalaro. Nakita ko yong prince charming ko. Sobrang gwapo niya talaga promise.
Hoy! Myloves ang laway mo hoy.-Sabi ni Candyse sa akin habang nakangisi.
Myloves naman ehh! Panira ka talaga nang trip.-Sabi ko sa kanya na tila naiinis.
Halika na at baka gabihin ka sa pag-uwi mo.-Sabi ni Candyse sa akin atsaka hinila ako palabas nang gate.
Nagpaalam na ako kay Candyse.
Sumakay ako nang taxi. Pagdating ko sa amin ay sinalubong ako ni Mama.O nandito ka na pala anak,tamang tama at kakain na tayo nang dinner.-Sabi ni Mama sa akin.
Sumunod lang ako sa kanya hanggang marating na namin ang kusina. Nakita ko si Manang na naghahanda nang pagkain.Wow! Ang sarap naman nang ulam natin.-Sabi ko sabay ngiti.
Ano ang okasyon?at may maraming handa.-Dagdag ko pa sabay upo.
Bakit pag maraming handa may okasyon na agad?-Sabi sa akin ni Mama sabay tawa.
Ma' anong nakain niyo at ang ganda nang mood mo ngayon?-Tanong ko kay Mama sabay subo nong kinain ko.
Wala! Ginanahan lang akong magluto.-Sagot sa akin ni Mama na kumakain narin.
Habang abala kami sa pagkain. Bigla ko na naman naalala yong Prince Charming ko.
Nak?okey ka lang ba? Hindi mo ba nagustuhan ang niluto ko?-Tanong ni Mama sa akin.
Ahh.. Wala naman po. Ang sarap kaya nang niluto mo.-Sabi ko kay Mama sabay subo nang pagkain
Ba't bigla kang natulala diyan?-Tanong sa akin ni Mama.
Ahh! May naalala lang po ako.-Sabi ko kay Mama.
Ahh! Yong crush mo no?-Tanong sa akin ni Mama na ikinabigla ko.
Haha! Ba't kaya niya alam? Manghuhula na ba ngayon si Mama? Madam Auring ikaw ba yan? Haha! Charoot lang.
Ahh! Hindi po Ma tsaka wala po akong crush doon sa school namin. Wala kayang mga pogi doon. -Pagsisinungaling ko kay Mama sabay tawa nang malakas. Pero ang totoo may crush ako at ang dami kayang mga pogi doon. Haha! Landi no?
Ahh! Ganon ba? Okey lang naman sa akin na may Crush ka anak, basta ang pag-aaral wag mong pabayaan.-Sabi sa akin ni Mama na nakangiti.
Okey!lang pala. Aminin ko na lang kaya sa kanya ang totoo na nakita ko na ang prince charming ko. Haha! Wag na lang..
Ma' promise hindi ko po pababayaan ang pag-aaral ko.-Sabi ko sa kanya sabay ngiti
Tama yan nak,at dahil diyan sa sinabi mo. May sasabihin ako sayo.-Sabi sa akin ni Mama na nakangiti.
Ano po yon Ma?-Tanong ko kay Mama na bakas sa aking mukha ang excitement.
Pumapayag na akong magdorm ka. Ayaw kasi kitang makita na nahihirapan at baka magkaroon kapa nang eyebugs at masira ang beauty mo.Pagbibiro ni Mama sa akin ngunit bakas parin sa kanyang mukha ang lungkot.
Talaga Ma?-Sabi ko kay Mama sabay yakap sa kanya.
Oo, basta ipangako mo lang sa akin na mag-aaral ka nang mabuti.-Sabi ni Mama sa akin.
Yes ma'am!-Sabi ko kay Mama na may pasaludo-saludo pa.
Hayysst! Salamat at pumayag rin si Mama na magdorm ako. Ang hirap kasi bumyahe nang 4 na oras araw-araw.

BINABASA MO ANG
FIRST TIME
Random[ The Unusual Love Story Of Juan Carlos De Guzman and Jade Dela Fuente ] Sa buhay natin kailangan natin ng taong magmamahal sa atin at tatanggap sa atin ng buong-buo. Paano kung ang lahat ng yon ay pinaramdam sayo ng isang tao? Sinasabihan ka na mah...