CHAPTER 39

3 0 0
                                    

Natapos ang araw ko na walang JC akong nakita. Wala kahit anino man lang niya. Tinanong ko na mga kaibigan niya pero hindi daw nila nakita si JC. Hinanap ko din siya sa buong campus pero hindi ko siya nahanap. Kaya umuwi na lang ako sa bahay na laglag ang balikat at nagbabasakali na nadon lang siya. Pagdating ko sa bahay ay agad akong pumasok at nagsisigaw sa loob.


"JC, Nasaan ka?-Tawag ko habang papasok sa bahay.
Pero walang sumagot.


Hinanap ko siya sa buong bahay pero ganon parin wala siya.
Nag-aalala na ako sa kanya. Hindi ko alam kong ano ang gagawin ko kung may mangyaring masama sa kanya.

Lumabas muna ako para bumili nang cup noodles. Pagbalik ko ay ganon parin. Kaya nanood ako nang TV. Balak kung hintayin siya. Ilang oras na akong nanood pero wala paring JC ang Umuwi kaya tinext ko na lahat nang kaibigan namin na kung makita nila si JC ay itext nila ako agad. Pero ni isa walang sumagot. Hindi ko namalayan na nakatulog na lang ako kahihintay kay JC.


Nagising ako nang may napanaginipan akong masama. Pinagpapawisan ako sa aking panaginip kaya pumunta ako sa kusina para kumuha nang tubig.

Bigla kong naalala si JC. Agad akong pumunta sa Kwarto niya at nagbabasakali na umuwi na siya. Pagdating ko doon ay bigo ako. Wala siya doon kaya bumaba ulit ako at pinatay ang TV bago umakyat ulit papunta sa kwarto ko. Pasado alas dose narin at pagod na pagod na ako kahihintay ni JC. Pagpasok ko nang aking kwarto ay humiga na ako pero hindi parin ako nakatulog kasi iniisip ko kung ano ang nangyari ni JC. Kung nasaan na siya.
Ang dami kong katanungan na namumuo sa utak ko na tanging si JC lang ang makakasagot.
Umiiyak na naman ako habang iniisip ko kung nasaan na si JC. Bakit hindi pa siya umuuwi.
Dahil sa kaiiyak ko ay hindi ko na lang namalayan na nakatulog na pala ako.

Alam niyo ba guyss kung nasaan si JC? Kung may alam kayo guyss sabihin niyo naman sa akin oh. Haha! XD!

Sorry kung maiksi lang ang UD ngayon I'll make bawi na lang sa susunod if you will

Vote and Comment Haha! Demanding ko no. ^_^

FIRST TIMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon