CHAPTER 18 (Aminin sa mga Kaibigan)

3 0 0
                                    

Maagang nagising si Jade kasi naramdaman niyang may tumabi sa kanya. Pagmulat niya ay nakita niya si JC na may dalang breakfast kaya bumangon na siya.

"Anong meron bakit ang aga mo nanggising.-Inaantok na sabi ni Jade kay JC.

"Wala lang! Gusto lang kitang ipagluto.-Nakangiting sabi ni JC kay Jade sabay baba nang dinala niyang breakfast sa side table ni Jade.

"How sweet? Wait lang ha,I'll take a bath muna.-Nakangiting sabi ni Jade sabay tayo. Pagtayo niya ay hinawakan siya ni JC sa kamay at hinalikan sa pisngi. Nabigla naman si Jade sa nangyari pero alam niyang namumula na siya sa mga oras na iyon kay dali dali na siyang pumunta sa banyo. Pagkatapos niya ay lumabas na siya at paglabas niya ay andon parin si JC at nakangiti sa kanya.

"Bakit?-Sabi ni Jade sabay punta sa drawer niya. Si JC naman ay tumayo at niyakap siya mula sa likod kaya nagulat ulit si Jade. Bumulong sa kanya si JC.

"You know what,you're so cute when you get mad.-Nakangiting sabi ni JC kay Jade habang nakayakap ito sa kanya.

"Ahh! Ganon ha! Gusto mo magalit ako sayo? Sige kasi pag nagalit ako nawawala ang feelings ko sa isang tao. Nakaka turn-off kasi.-Pabirong sabi ni Jade,pero si JC naman ay kumalas sa pagkakayap at tumingin sa mata ni Jade nang diretso. Nakita ni Jade ang mata ni JC wala itong emosyon.wala siyang ibang nakita kundi takot at galit kaya agad niyang binawi ang kanyang sinabi.

"Joke lang! Ikaw pa mahal kaya kita-Nakangiting sabi ni Jade kay JC at yumakap ito. Nagulat naman si JC kaya napayakap narin kay Jade.

Pagkatapos kumain nila ay agad na silang pumasok sa school nila. Pagdating nila doon ay nakita agad sila ni Candyse at tinawag sila.

"Oy' bati na sila.-Pang-aasar ni Candyse sa dalawa pero hindi nila ito pinansin at lumakad lang.

"Hoy ano ba?-Sabi ni Candyse sabay hila kay Jade. Nagulat naman si Jade sa naging reaksyon ni Candyse dahil para itong nalulungkot kaya niyakap niya ito.

"Ikaw ha! Porket may JC kana hindi kana namamansin.-Nakangiting sabi ni Candyse kay Jade pero halata sa mukha na malungkot ito.

"Hay naku Candyse! Ano ba yang pinagsasabi mo?-Sabi ni Jade kay Candyse habang kumalas sa pagkakayakap.

"What I mean is, Sana magka kayo ni JC-nakangiting sabi ni Candyse. Nabigla naman si Jade sa narinig kaya hindi agad siya makasagot. Sasagot na sana siya ay biglang nagsalita si JC.

"Hay naku Candyse' wag kana magselos aalagaan ko naman si Jade and at hindi ko siya sasaktan.-Nakangiting sabi ni JC kay Candyse sabay akbay kay Jade. Si Jade naman ay natulala habang si Candyse ay nagulat sa narinig.

"Tara na at baka ma-late pa tayo-Sabi ni JC sa kanila sabay lakad papuntang room nila. Sumunod lang ang dalawa na halatang hindi pa naka move on sa narining. Pagdating nila sa room ay si JC ay nasa tabi na ni Jade nakaupo,bale si Jade ang gitna si Candyse sa kanan sa kaliwa naman ay si JC. matatanong sana si Candyse kay JC nang biglang pumadok ang teacher nila sa math. Napakunot noo naman si Jade nang makita ang teacher nila pero napansin ito ni JC at tinanong siya.

"What's happen?-Sabi ni JC na halatang nagtataka.

"Nothing! Hindi ko kasi gusto ang math.-Sabi ni Jade na tila naiinis.

"Ahh' it's okey I will teach you na lang.-Nakangiting sabi ni JC kay Jade sabay hawak sa kamay. Hindi na lang nagsalita si Jade. Totoo namang tinuruan siya ni JC sa math at naging masaya siya habang tinuturuan siya ni JC. Kaya unti-unti na rin siyang natututo sa math. Mabilis lang lumipas ang oras at nag..

Krrrriiiinnngggg.............

Nagyaya si JC at Jade kay Candyse na pumunta sa tree house at isama ang mga kaibigan nila kasi may sasabihin sila sa mga ito. Nauna nang lumabas si Candyse at Hinanap ang mga kaibigan nila nong makita niya ang mga ito ay agad niya itong isinama sa tree house. Sila JC at Jade naman ay nag-usap na, na sasabihin na nila sa mga kaibigan ang totoo nilang nararamdaman. Sabay na silang pumunta sa tree house at pagdating nila doon ay kumpleto na ang lahat. Kaya umakyat na sila at magkatabing umupo.

"So ano yong sasabihin niyo at pinapunta niyo kami rito?-Nagtatakang sabi ni Michael.

"Guyzz........ Nililigawan ko na si Jade.-Seryosong sabi ni JC sa kanila. Nagulat naman ang lahat at tila hindi makapaniwala sa narinig.

"Talaga?-Gulat na sabi ni Steve.

"Oo. Inamin ko na kasi kay Jade ang nararamdaman ko at umamin din siya na gusto niya rin ako,pero sabi niya hindi pa daw niya ako sasagutin kasi daw pahihirapan niya muna ako. Pero okey lang yon, I'm willing to wait kong kailan ready na siya.-Nakangiting sabi ni JC sa lahat Sabay akbay kay Jade. Kinilig naman sila lalo na si Jade.

"Jade sagutin mo na si JC.-Natatawang sabi ni Michael.

"Not now, I just want to know kung deserving ba siya sa sagot ko.-Nakangiting sabi ni Jade sabay titig kay JC. Kinilig na naman ang lahat.

"Oo naman kaya nga liligawan pa kita Ms.Tampo.-Nakangiting sabi ni JC kay Jade.

"Dapat lang Mr.Galit.-Natatawang sabi ni Jade kay JC.

Pagkapos nilang aminin sa mga kaibigan ang tunay nilang nararamdaman ay bumalik na sila sa kani kanilang room.

FIRST TIMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon