Maagang nagising si Jade kasi may pasok pa sila. Naligo,nagtoothbrush,nagbihis at hinanda muna ang mga gamit sa school bago bumaba. Pagkababa niya ay nakita niya si JC sa may kusina at kumakain, pinuntahan niya ito at binati.
"Good Morning.-Nakangiting bati ni Jade kay JC.
"Good Morning din, halika na at kumain baka malate pa tayo.-Nakangiting sabi ni JC.
umupo na si Jade at kumain narin. Pagkatapos nilang kumain ay sabay na silang pumunta sa school nila. Naglakad lang sila papunta doon. Nang makarating na sila sa school ay nakita nila si Candyse kasama ang mga kaibigan nito. Binati nila ang mga ito at sabay na silang pumunta sa kani-kanilang mga room. Umupo na sila atsaka pumasok ang teacher nila. Napakamot na lang si Jade nang makita ang math teacher nila. Sobrang hate talaga niya ang subject na ito. Hindi siya nakikinig sa mga sinasabi nang teacher niya. Mabilis lumipas ang oras at nag....
Krrrriinngggg....................
Sabay nang lumabas ang tatlo at saka niyaya sila ni JC doon sa kanilang tree house pero hindi muna sumama si Candyse kasi may gagawin daw sila nang mga kaibigan. Kaya sila nalang ni Jade at JC ang pumunta sa tree house. Pagdating nila doon ay wala doon ang mga kaibigan ni JC siguro ay nagbasketball ang mga yon. Nagkwentuhan lang sila hanggang sa natapos ang break nila at bumalik sa klase. Pagbalik nila ay nakita sila ni Candyse at tinanong.
"Saan kayo galing?-Sabi ni Candyse na nagtataka.
"Sa tree house,diba niyaya ka namin pero ayaw mong sumama.-Sagot ni Jade at halatang nagtatampo.
"Ay oo nga pala,sorry ha! Tinulungan ko pa kasi sina rhona sa kanilang project.-Sabi ni Candyse na nakangiti.
"Okey lang.-Tipid na sagot ni Jade at umupo na.
Tahimik lang si Jade sa buong klase pero nabigla siya nang may tumabi sa kanya. Si JC ito at dinala ang upuan sa tabi ni Jade.
"Pwede dito na lang ako?-Nakangiting sabi ni JC.
"Huh!-Gulat na sabi ni Jade.
"What I mean is, pwede tabi na lang tayo. Gusto ko kasi palagi sa tabi mo.-Nakangiting sabi ni JC.
"What?-Tanong ulit ni Jade.
"Wala,Dito na lang ako ha!-Nakangiti paring sabi ni JC.
"Okey!-Maikling sagot ni Jade.
Madaling lumipas ang oras at uwian na. Nagmadaling umiwi si Jade at hindi na napaalam sa kanila kasi nagtatampo siya sa mga ito. Hindi niya kasabay umuwi si JC kasi may training ito sa basketball. Pagdating niya sa bahay ay nagbihis muna siya at humiga sa kama at bigla niyang naisip ang sinabi sa kanya ni JC.
(Gusto ko kasi lagi sa tabi mo)"Ano kaya ang ibig sabihin non?-Tanong niya sa kanyang sarili bago natulog.
BINABASA MO ANG
FIRST TIME
Random[ The Unusual Love Story Of Juan Carlos De Guzman and Jade Dela Fuente ] Sa buhay natin kailangan natin ng taong magmamahal sa atin at tatanggap sa atin ng buong-buo. Paano kung ang lahat ng yon ay pinaramdam sayo ng isang tao? Sinasabihan ka na mah...
