Pagkatapos nang nangyari kanina ay nasa kwarto ako. Walang pasok kasi ngayon. Si JC pumunta sa mga kaibigan niya. Isasama niya sana ako pero pagod ako kaya naiwan ako ngayon sa bahay mag-isa. Maya maya pa ay may nag-text sa akin. Unknown number kaya binasa ko.
"Hi Jade,Si Candyse to. Musta na?.-Sabi niya.
Ayy si Candyse lang pala. Kaya agad akong nagreply.
"Hello Candyse, okey lang ako. Ikaw?-Reply ko.
"okey lang din ako. Kumusta na kayo ni JC.-Sabi niya.
"Okey lang naman,mag-aaway pero hindi na namin pinapalaki.-Sabi ko.
"Ang sweet niyo talaga. Forever na ba yan?-Sabi niya.
"Haha! Ewan ko lang. Basta para sa akin Oo.-Sabi ko.
"May tanong lang ako. Gaano mo ba kamahal si JC.-Sabi niya.
"Kung ako tatanungin, mahal na mahal ko siya higit pa sa buhay ko. Kaya kung mawawala siya sa piling ko ewan ko lang kong makakaya ko.-Sabi ko
Love mo talaga siya no?-Sabi niya.
"Syempre naman, siya ang unang nagmahal sa akin at tumanggap sa akin. What I mean is siya yong taong hindi takot magmahal. Kasi minahal niya ang tulad ko.-Sabi ko.
Matagal bago nagreply si Candyse.
"Kaya nga friend. Mag-iingat ka ha. Magtira ka nang pagmamahal sa sarili mo kasi alam mo na incase of emergency.-Sabi niya.
Naalala ko tuloy yong sinabi ni mama sa akin. Pareho sila nang sinabi.
"I know friend.-Sabi ko.
Hindi na nagreply si Candyse. May nag text ulit sa akin. Si JC ito.
"Jade punta ka dito sa bahay ni Steve. Birthday niya.-Sabi ni JC.
Hindi muna ako nagreply at may biglang tumawag si JC ulit.
"Hello-Sabi ko
"Jade punta ka dito sa bahay ni Steve.-Sabi niya.
"Masakit ang ulo ko. May migraine ako-Sabi ko kay JC.
"Bahala ka! Basta pumunta ka dito hihintayin kita.-Sabi ni JC sabay baba nang phone.
Ako naman kahit masakit ang ulo ko ay nagbihis ako at pumunta sa bahay nina Steve. Pagkarating ko ay sinalubong agad ako ni JC.
"Akala ko hindi ka darating.-Sabi ni JC sabay kiss sa pisngi ko.
Oo naging gawain niya na yon ang humalik sa aking pisngi.
"Mahal kasi kita kaya nandito ako.-Sabi ko sa kanya.
"Mahal din kita.-Sabi niya at pumasok na sa loob.
Pagdating ko nakita ko ang mga kaibigan namin sina Michael,Alejandro,Candyse,Rhona,Jenny at ang birthday boy na si Steve.
"Happy birthday Steve,-Bati ko kay Steve.
"Thank you.-Nakangiti niyang sabi sa akin.
Sabay kaming kumain lahat. Pagkatapos kumain ay pumunta kami sa sala nila Steve at nag-videoke. Kumakanta sila Candyse habang sila JC naman ay nag-iinuman.
"Alam mo ba Jade. Sobrang mahal ka nitong kaibigan namin.-Sabi ni Michael sa akin.
"Bakit mo naman nasabi?-Sabi ko.
"Kasi bago kapa dumating pinag-usapan ka namin. At inamin niya na sobrang mahal ka niya talaga.-Sabi ulit ni Michael.
Ako naman ay lumingon kay JC at niyakap ito.
"Mahal na mahal ko naman tong kaibigan niyo eh! I love him more than anything else. At hinding hindi ko siya ipagpapalit.-Seryoso kung sabi sa kanila habang nakatingin sa mata ni JC.
Si JC naman ay hinalikan na naman niya ako. Kaya ang mga kaibigan namin ay todo hiyaw.
Nagkatahan at nag-inoman lang sila hanggang sa nagyaya na akong umuwi kasi medyo lasing na naman si JC kaya nagpaalam na ako sa kanila.
Lumabas na kami at nag-abang nang taxi. Inalalayan ko si JC kasi lasing na ito at hindi na makalakad nang diretso."Yan kasi! Lakas uminom pero hindi naman kaya.-Sabi ko kay JC pero hindi ito sumagot.
Sumakay na kami nang taxi. Habang nasa loob kami ay nakasandal lang siya sa upuan nang taxi at pinagmamasdan ko ang gwapo niyang mukha.
"Hindi ko akalin na may Boyfriend akong ganito. Gwapo na,ang laki nang katawan,sobrang hot,matalino para sa akin perfect na siya. Siya yong tipong lalaki na kahit titigan mo lang araw-araw ay hindi ka magsasawa.-Sabi ko sa aking sarili.
After an our ay nakarating na kami sa bahay. Dahan-dahan ko siyang inakyat sa kwarto niya.
"Hay naku! Kung hindi ko lang ito mahal,iniwan ko na ito sa labas. Sobrang bigat niya kaya. Pero mahal ko siya, kakayanin ko.-Sabi ko sa aking sarili.
nababaliw na kasi ako. Kaya palagi kong kinakausap ang sarili ko. Mula nong naging kami ni JC naging baliw na ako. Hahaha!!!!
Nang marating ko na ang kwarto niya ay inihiga ko siya sa kama. Hinubad ko ang suot niya. Maliban sa kanyang underwear. Ngayon ay hindi na ako nahiya pero iniiwas ko parin ang tingin ko sa ano niya. Alam niyo na yon. Para kasing malaki yon.(Ano ba itong pinagsasabi ko). Agad ko siyang binihisan. Aalis na sana ako pero nahawakan niya ako at nahiga sa tabi niya. Pilit akong tumayo pero nakayakp siya sa akin. Kaya hindi na lang ako umalis at doon na lang natulog. Gusto ko naman eh. Ang sarap niyang yumakap.

BINABASA MO ANG
FIRST TIME
Random[ The Unusual Love Story Of Juan Carlos De Guzman and Jade Dela Fuente ] Sa buhay natin kailangan natin ng taong magmamahal sa atin at tatanggap sa atin ng buong-buo. Paano kung ang lahat ng yon ay pinaramdam sayo ng isang tao? Sinasabihan ka na mah...