Naka uwi na kami nang bahay. Pumunta muna ako sa kwarto ko at nagbihis. Si JC naman ay nagbihis rin. Hindi muna ako lumabas. nahiga muna ako at Nagbabasa nang biglang pumasok si JC na nakangiti.
"Bakit ka nakangiti?-Tanong ko sa kanya.
"Wala lang, bawal ba?-Sabi niya sa akin habang lumalapit.
Nang makalapit na siya ay humiga siya sa tabi ko at niyakap ako.
"Hoy ano ba!-Sabi ko sa kanya.
ngumiti muna siya sa akin bago nagsalita. Ramdam ko may gusto tong mokong na to.
"Jade,total tayo na pwede bang mag ano tayo. Yong alam muna
-Sabi niya sa akin na tumatawa.Nagulat ako sa sinabi niya. Alam ko kong ano ang gusto niya at alam ko rin na alam niyo na yon.
"Anak nang! Hoy JC wag ka ngang magloko nang ganyan. Hindi ka nakakatuwa.-Sabi ko sa kanya sabay tayo.
Aalis na sana ako,pero nahawakan niya ang kamay Ko kaya napahiga na lang ako ulit at niyakap niya ako.
"Joke lang naman. Ang seyoso mo talaga.-Sabi niya sa akin at hinalikan ang pisngi ko.
"Hoy JC kung magbibiro ka wag yon. Wala pa nga tayong isang linggo yan na ang iniisip mo.-Naiinis kong sabi sa kanya.
"Okey sige! Naglalambing lang naman ako sayo eh.-Sabi niya sa akin.
Hindi ko siya sinagot at pilit na tinanggal ang pagkakayakap niya. Pero hindi ko kaya sobrang higpit nang pagkakayap niya.
"Hoy sorry na!-Sabi niya ulit.
Pero hindi na naman ako sumagot.
"Ahh ganon ah!hindi mo ako papansinin. Itong sayo.-Sabi niya sa akin.
Hinawakan niya ang beywang ko at kiniliti ito. Kiniliti lang niya ako. Ako naman ay nakikiliti na,tumatawa at nahihirapan nang huminga.
"J..........JC ta.........tama naaaaa-Sabi ko sa kanya.
Pero hindi parin siya tumigil sa pagkiliti. Dahil sa sobrang likot ko ay bigla na lang kaming nahulog. Puma-imbabaw siya sa akin. Tumingin lang siya sa akin habang ako naman ay humihingal dahil sa ginawa niya. Hinalikan niya ako sa pisngi at yumakap.
"Ikaw kasi eh! Yan tuloy! Sorry na kasi.-Bulong niya sa akin.
"Adik ka talaga! Oo na! Wag mo na ulit sabihin yon ha. Alam kong gusto mo pero hindi pa kasi ako ready eh. Darating din tayo diyan.Sorry talaga hindi muna natin yon gagawin-Bulong ko sa kanya.
"Makahihintay naman ako eh.-Natatawang sabi niya sa akin.
Buti na lang naintindihan niya ako. Hindi pa kasi ako ready eh.
Bumangon na kami at umupo sa kama.
"Nga pala,ano ang pinag-usapan niyo ni Almyrn kanina.-Sabi niya sa akin.
"Wala. Tinanong lang niya, ano daw ang nagustuhan ko sayo.-Sabi ko.
"Ano ang sagot mo.-Sabi niya na halatang excited sa sasabihin ko.
"Palagi mo kasi akong pinapatawa.-Sabi ko sa kanya na nakangiti.
"Yon lang?-Sabi niya.
"Oo! Bakit meron pa ba?-Sabi ko.
"Hindi mo man lang ba sinabi na mahal mo ako.-Sabi niya na tila nagtatampo.
Humarap ako sa kanya at hinawakan ang kamay niya.
"Alam mo, hindi na importante na ipagsabi ko sa iba na mahal kita. Ang importante alam ko at alam mo na mahal natin ang isat-isa.-Seryoso kong sabi sa kanya.
Ngumiti lang siya sa akin bago nagsalita.
"I love you.-Sabi niya.
"Thank you.-Sabi ko.
"Bakit thank you? Diba dapat I love you too.-Nagtataka niyang sabi sa akin.
"Thank you kasi you love me and you accept me for what and who I am.-Sabi ko sa kanya.
"Alam ko! Pero dapat I love you too.-Pagpipilit niya.
"Sige na nga, ang kulit mo rin no! I LOVE YOU TOO. Oh ayan.-Sabi ko sa kanya.
"Ayy napipilitan ka lang eh.-Sabi niya.
"Bahala ka nga sa buhay mo-Sabi ko.
"Uyy nagtatampo na siya. Ang cute mo pag ganyan ka.-Nakangiti niyang sabi sa akin.
"Adik ka talaga.-Sabi ko.
Yumakap siya sa akin at bumulong.
"Pwede bang tabi na lang tayo matulog.-Sabi niya.
Lumingon ako sa kanya. Paglingon ko nakita ko siyang nakangiti. At ang ngiting yon ang nagpapalambot nang aking puso.
"Sige,pero dapat wag kang malikot ha.-Nakangiti kong sabi sa kanya.
"Yes sir!-Sabi niya.
yumakap siya sa akin atsaka tuluyon na kaming nakatulog.

BINABASA MO ANG
FIRST TIME
Random[ The Unusual Love Story Of Juan Carlos De Guzman and Jade Dela Fuente ] Sa buhay natin kailangan natin ng taong magmamahal sa atin at tatanggap sa atin ng buong-buo. Paano kung ang lahat ng yon ay pinaramdam sayo ng isang tao? Sinasabihan ka na mah...