Kinabukasan ay nagising si JC dahil naramdaman niyang may nakatitig sa kanya. Pagmulat nang kanyang mata ay agad niyang nakita si Jade na may dalang tasa at supas.(may sakit lang ang.peg haha!)
"Good morning.-Nakangiting bati Ni Jade kay JC.
"Good morning.-Sabi ni JC na pilit ngumiti. Kasi sobrang sakit nang ulo niya. Dahil kagabi.
"Paano ako naka-uwi?-Sabi ni JC kay.
"Inuwi na lang kita dahil sa sobrang lasing mo.-Nakangiting sabi ni Jade sabay lapag nang dinadala sa side table ni JC.
"Sinong nagpalit sa akin nang damit?-Nakangiting sabi ni JC kay Jade.
"Hahh! A..... Ako,-Nauutal na sabi ni Jade.
"Ikaw ha!-Nakangiting sabi ni JC kay Jade at tila iniinis si Jade.
"Hoy' ikaw na nga ang tinulungan. Ako pa yong sinukahan mo tapos pinagtitripan mo ako ngayon. Bahala ka nga!-Naiinis na sabi ni Jade kay JC sabay alis.
Si JC naman ay bumangon at sinundan niya si Jade sa kwarto nito. Pagpasok niya ay nakita niya si Jade na nakahiga sa kama.
"Hoy sorry na!-Panunuyo ni JC kay Jade sabay lapit dito. Pero hindi sumasagot si Jade.
Tumagilid lang si Jade si JC naman ay umalis na lang at bumalik sa kwarto niya. Naligo muna si JC bago lumabas nang kwarto niya pero pansin niya na sobrang tahimik nang bahay. Bumaba siya at pumunta sa sala upang manood nang tv. Makalipas ang ilang oras ay hindi niya parin nakita si Jade kaya naisipan niyang puntahan ito sa kwarto niya. Pagdating niya sa kwarto ni Jade ay natutulog ito. Nilapitan niya ito at umupo sa tabi ni Jade.
"I love you Jade.-Bulong niya kay Jade sabay alis. Nagising naman si Jade kasi ang totoo ay hindi talaga siya tulog. Nagulat na naman siya sa narinig kaya bumangon siya.
"So totoo pa la yong sinabi niya kagabi?-Sabi ni Jade sa sarili.
Pero hindi siya nagpadala sa kanyang damdamin at binalewala na lang ang narinig at pumunta sa banyo at naligo. Pagkatapos niyang maligo ay hindi siya lumabas. Lumipas ang ilang oras na hindi siya lumabas sa kwarto niya. Pero si JC ay gumawa parin nang paraan para lumabas siya. Nagpa music si JC habang nakikinig siya sa music ay sumabay siya sa pagkanta.(Maong ikaw akong gibiyaan nanghinaot na makalimtan ang talagsaong kalipay nga kanimo ra matagamtaman.) habang kumakanta si JC ay lumabas si Jade at nilapitan niya si JC. Nakita siya agad ni JC kaya tumayo ito at nilapitan siya.
"Jade sorry na! Kahapon lang tayo nagkabati mag-aaway na naman tayo.-Seryosong sabi ni JC.pero si Jade ay yumakap na lang kay JC nagulat naman si JC kaya napayakap narin siya dito.
Habang magkayap sila ay nagsalita si Jade.
"JC anong ibig sabihin nong kinanta mo?-Nakangiting sabi ni Jade kay JC. Umupo muna sila bago sinagot ni JC ang tanong ni Jade.
"Ahh! Yon? Ang ibig sabihin non ay iniwan niya ang kanyang minamahal para makalimutan niya ito hindi dahil sa hindi niya na ito mahal pero may mga bagay talaga na dapat i-sacrifice kahit masakit man ito ay dapat tanggapin mo,-Seryosong sabi ni JC kay Jade.
Hindi sumagot si Jade at niyakap na lang niya si JC. Umupo sila sa sofa.Matagal sila sa ganong posisyon. Hanggang sa hindi namalayan ni JC na nakatulog pala si Jade kaya binuhat niya ito at dinala sa kwarto nito at dahan dahang inihiga. Kinumutan niya muna ito bago lumabas sa kwarto.
BINABASA MO ANG
FIRST TIME
Acak[ The Unusual Love Story Of Juan Carlos De Guzman and Jade Dela Fuente ] Sa buhay natin kailangan natin ng taong magmamahal sa atin at tatanggap sa atin ng buong-buo. Paano kung ang lahat ng yon ay pinaramdam sayo ng isang tao? Sinasabihan ka na mah...
