Buong Sem-break ay
naglakwatsa lang kami nang mga kaibigan namin.
Tumatambay sa kubo. Nag-iinoman sila pero ako hindi talaga umiinom nang alak. Na try ko na kasi yon dati pero hindi ko gusto ang lasa kaya yon hindi na ako umiinom.
Ito na siguro ang pinakamasayang bakasyon sa buhay ko.
Pero ang pinaka masaya ay naging mag syota din sina Melvin at Ryan. Ito yong mga nangyari.Flashback:
Ako: Ryan kailan mo ba liligawan tong si Melvin.
Ryan:Gusto niyo ba ngayon na?
Si Melvin naman ay nagulat sa sinabi ni Ryan.
Ako: Gusto mo na ba?
Ryan: Pakipot pa kasi yang si Melvin sinabihan ko na mahal ko siya pero hindi niya naman ako sinagot.
Ako: O pakipot ka pala bayeet.
Melvin: Aba'y malay ko ba na yon pala ang istyle niya. Kung sinabi lang niya yon ayy dyoss ko gora bells na tayo.
Haha! Ang corny no?
Huling araw na nang sembreak namin at excited na akong bumalik sa bahay ni JC. Sobrang miss ko na siya. Parang ang tagal naming hindi nagkita.
Nag-iimpake na ako para pumunta na sa bahay nila JC. Nagpaalam na ako kay Mama. Pumunta kasi siya ngayon sa palengke kasama si Manang. Bukas na sana niya ako papuntahin doon pero nagpupumilit ako na ngayon na kasi excited na akong makita at mayakap si JC.
Pagkatapos kong mag-impake ay lumabas na ako sa amin at nag-abang nang taxi. Nakapagpaalam na din ako sa mga kaibigan ko. Medyo nalungkot sila kasi aalis na naman daw ako. Hindi na daw kompleto ang barkada. Wala na nga daw si Latrell pati daw ako aalis na. BTW, speaking of Latrell kumusta na kaya siya. Hindi man lang kasi niya ako binigyan nang number niya para may commu. naman kami o yong address nang bahay nila para mabisita ko.
Bumalik ako sa realidad nang may bumusinang taxi sa harapan ko. Kaya pumasok na ako at sumakay.
Habang nasa loob ako nang taxi ay naisip ko na naman ang mga masasayang araw namin nang mga kaibigan ko. Yong mga tawanan namin. Kulitan,asaran at kung anik-anik pa.
Makalipas ang apat na oras ay nandito na ako sa harap nang bahay ni JC. Lumabas na ako nang taxi at pumasok sa loob.
Dumiretso ako sa aking kwarto para ilagay doon ang mga gamit na dala ko.
Pagkatapos kong mag-ayos nang mga gamit ay lumabas muna ako para bumili nang cup noodles. Hindi kasi ako marunong magluto kaya ito na lang ang kakainin ko.
Pagkatapos kung kumain ay nanood muna ako nang TV 8:30 pa naman nang gabi. Kaya nong medyo inaantok na ako ay pinatay ko na ang TV at pumunta sa kwarto ko.
Humiga ako sa kama. At tuluyan nang nakatulog.Alam kong boring guyss. Wala na talaga kasi akong maisip. Excited na kasi ako sa next chapter kasi doon na magsisimula ang mga kaganapan na hindi niya dapat palagpasin.
Kaya vote and comment naman kayo oh para sa next chapter. Haha! XD!

BINABASA MO ANG
FIRST TIME
Random[ The Unusual Love Story Of Juan Carlos De Guzman and Jade Dela Fuente ] Sa buhay natin kailangan natin ng taong magmamahal sa atin at tatanggap sa atin ng buong-buo. Paano kung ang lahat ng yon ay pinaramdam sayo ng isang tao? Sinasabihan ka na mah...