CHAPTER 47

3 0 0
                                        

Lumuluha ako habang nakatingin sa taong minahal ko.....noon. Nakita ko siyang nakangiti. May kasama siyang babae at base sa nakita ko ay alam kung may something sila. Hindi ko alam kong bakit ako naiyak. Hindi ko alam kong bakit ganito ang nararamdaman ko. Kung bakit ako nasasaktan.

Nakita siguro ni Candyse na umiiyak ako kaya agad niya akong niyakap.

"Okey ka lang ba?-nag-aalalang tanong ni Candyse sa akin. Matagal bago ko siya sinagot sa tanong niya.

"O....okey lang ako.-sabi ko sa kanya habang pinupunasan ang mga luhang dumaloy sa pisngi ko.

"Are you sure?-sabi niya ulit sa akin.

"Yes,-sagot ko sa kanya at pilit ngumiti. Niyakap ko siya. Natigil lang kami nong nakita kong nakatingin sa amin si JC. Halata sa mukha niya ang pagkagulat. Agad akong lumapit sa kaniya habang siya ay titig na titig sa akin.

"Hi,-sabi ko kay JC at pilit ngumiti. Matagal bago niya ako sinagot,siguro ay nabigla pa ito.

"Ja.....Jade?-nauutal niyang sabi sa akin.

"Yes?-sabi ko sa kanya na nakangiti. Imbes na siya ang sumagot ay yong kasama niyang babae ang sumagot sa akin.

"Magkakilala kayo?-nagtatakang sabi nong babae sa akin.

"Yes, we knew each other. By the way I'm Jade and you are?-sabi ko sa babae at pilit ngumiti. Nakatitig lang sa akin si JC at halata parin sa mukha niya ang pagkabigla.

"I'm Dianne, JC's girlfriend.-nakangiti niyang sabi sa akin. Habang paulit-ulit na pumasok sa isipan ko ang salitang GIRLFRIEND.

"Nice to meet you Dianne.-sabi ko sa kanya na nakangiti.

"So,you know my boyfriend? How? When?-sabi niya sa akin. Tumingin muna ako kay JC bago sumagot.

"Nakilala ko siya nong unang araw ko dito sa school na ito. Naging kaibigan ko siya dito. Nagkasama din kami sa iisang bahay kaya naging close pa kami sa isat-isa. Mahalaga siya sa akin. Pero isang araw ay umalis ako at pumunta sa ibang bansa, para makalimot.-sabi ko kay Dianne. May namumuo ng mga luha sa mga mata ko kaya agad akong tumayo at tumakbo palayo.Hindi ko alam kung bakit,siguro hindi ko pa kaya ang mga nangyayari ngayon. Tumakbo lang ako ng tumakbo hanggang sa makarating ako sa tree house. Pagkatapos ng mahabang panahon ang tree house nakatayo parin at matibay pa. Pumasok ako sa loob at doon umupo at umiyak. Hindi ko alam kung bakit ako nasasaktan. Kung bakit ako nagkakaganito. Ang sakit na nararamdaman ko noon ay parang bumalik na naman ngayon. Parang kahapon lang nangyari ang lahat-lahat.

Ilang minuto na ako ditong umiiyak. Nang may biglang nagsalita mula sa likod ko.

"Okey ka lang ba?-sabi nong nagsalita, Nagulat ako kasi alam ko kung kanino ang boses na yon,alam ko kung sino ang nagmamay-ari ng boses na yon. Kaya agad akong lumingon sa kanya habang pinupunasan ang mga luhang nagsibagsakan sa aking pisngi.

"O....Oo...O...okety lang ako.-nauutal kung sabi sa kanya at pilit ngumiti. Lumapit siya sa akin at niyakap niya ako. Nagulat ako sa ginawa niya,

"Jade sorry.-sabi niya sa akin habang nakayakap sa akin.

"Why? Bakit ka nagso-sorry?-nagtataka kung tanong sa kanya atsaka kumalas mula sa pagkakayakap sa kanya.

"Sa lahat-lahat ng kasalanan na ginawa ko sayo. Sa lahat ng sakit na dinanas mo sa piling ko. Sa mga araw na nasaktan kita at umiiyak ka. Sorry talaga sa lahat-lahat. Sana mapatawad mo pa ako Jade.-Sabi niya sa akin na naiiyak na. Hindi agad ako nakasagot sa kanya,kasi hindi ko alam ang sasabihin ko.

"JC,past is past,kaya wag na nating balikan yon. Kahit masakit para sa akin ang mga nangyari noon wala na akong magagawa,nangyari na yon kaya dapat na natin yong kalimutan.-sabi ko sa kanya at pilit pinigilan ang mga luhang nagbabadya na namang umagos mula sa mga mata ko.

"Sorry talaga Jade,alam kung nahihirapan ka nong mga araw na hindi kita pinapansin at lalo na nong araw na naghiwalay tayo. Maiintindihan kita kung hindi mo ako mapapatawad pero sana balang araw ay mapatawad mo rin ako.-naiiyak niyang sabi sa akin.

"Akala ko nakalimutan na kita JC. Akala ko wala na akong nararamdaman para sayo. Akala ko nakamove-on na ako. Pero hindi,hindi pa pala. Ang akala ko na makakalimutan ko na ang lahat-lahat sa atin kapag umalis ako at pumunta sa ibang bansa,pero hindi,mas lalo pa akong nasaktan,mas lalo pa akong nahirapan at napatunayan ko sa sarili ko na hindi ko talaga kaya kapag mawala ka sa akin ng tuluyan. Sobrang hirap ng mga araw ko doon sa Canada, kasi naaalala ko lagi ang nakaraan natin,kaya kapag naalala ko yon ay umiiyak na lang ako.-sabi ko sa kanya at ang pinigilan kong mga luha ay nagsimulang nagsibagsakan.

"Anong ibig mong sabihin Jade?-nagtatakang tanong ni JC sa akin.

"Hindi mo ba talaga alam kung ano talaga ang dahilan kung bakit umuwi ako dito? Dahil yon sayo JC,dahil sayo umuwi ako kasi mahal pa kita at hindi ko kaya pagwala ka. Pero parang mauuwi lang sa wala ang pag-uwi ko dito kasi may mahal ka ng iba.-umiiyak kong sabi kay JC.

"Jade sorry.-sabi sa akin ni JC at niyakap ako pero agad ko iyong tinanggal.

" kahit masakit JC ay tatanggapin ko, kahit mahirap kakayanin ko. Kung masaya ka sa piling ni Dianne ay masaya na rin ako. Kasi sabi nga nila kung mahal mo ang isang tao ay hahayaan mo siyang maging masaya kahit na hindi ikaw ang kanyang kasama. Kaya JC magiging masaya din ako kapag nakita kitang masaya kahit na hindi man ako ang iyong kasama. Kaya hahayaan na kita,kahit sobrang hirap pa.-Sabi ko kay JC at umiiyak parin.

"Jade,I know naging duwag ako noon, hindi ko nagawang ipaglaban ang pagmamahalan natin,pero sana maniwala ka na minahal kita talaga noon,pero naduwag lang talaga ako. Sorry talaga kung nasaktan kita ng todo.-naiiyak na sabi ni JC sa akin.

"Okey na JC, pinapatawad na kita ang akin lang naman ay gusto kitang makitang masaya. Kapag masaya ka ay masaya na rin ako.-sabi ko sa kanya.

"Salamat Jade, at sorry talaga sa lahat. -sabi niya sa akin at niyakap ako ng mahigpit.

"Sana maging magkaibigan parin tayo Jade.-seryoso niyang sabi sa akin.

"Kung yan ang gusto mo JC. Okey lang sa akin kung maging kaibigan kita,atleast nakikita parin kita at nakakasama,kahit na may iba ka ng mahal okey lang din sa akin.-seryoso kung sabi sa kanya habang nagyayakapan parin.

"Salamat Jade, salamat at pumayag ka na maging kaibigan ulit ako.-seryoso niyang sabi sa akin at hinawakan niya ang kamay habang nakatitig sa mga mata ko.

"Sana makahanap ka ng mas pa sa akin Jade,sana makahanap ka ng lalaking handang ipaglaban ang lahat sa ngalan ng pagmamahal,sana makahanap ka ng lalaking hindi duwag tulad ko,sana mahanap muna ang taong magmamahal sayo ng totoo Jade.-seryoso niyang sabi sa akin at niyakap niya ako ulit.

"Sana nga JC,sana nga makahanap ako ng mas pa sayo at magmamahal sa akin ng totoo.-sabi ko sa kanya at kumalas sa pagkakayakap sa kanya.

"So, Friend?-sabi ko sa kanya at inilahad ko ang aking kamay.

"Friend,-sabi niya at nagshakehands kami.

Masakit man para sa akin ang lahat pero wala na akong magagawa. May mga bagay kasi na hindi pwedeng ibalik pa sa dati,mga bagay na dapat ng kalimutan at hindi na pwedeng balikan. Masakit man para sa akin na kaibigan na lang ang turing niya sa akin,pero okey lang atleast alam ko na forever kaming magkasama. Okey lang sa akin na maging magkaibigan na lang kami,kasi mas pinili niya kung saan talaga kami magtatagal.

Masakit man tanggapin na may iba na siyang mahal,pero kailangan kung tanggapin. Kung magiging masaya siya sa piling ng taong minahal niya,magiging masaya narin ako. Sabi nga nila if you really love that person,you will set him/her free kahit masakit man tanggapin na mawala na siya sayo. Bakit mo siya pipilitin na mag-stay sa piling mo kung hindi naman siya masaya. Ang sakit isipin na dahil lang pinilit mo siya kaya hindi ka niya iniwan. Kung mahal mo talaga siya,dapat hayaan mo siyang maging masaya kahit hindi sa piling mo.
kahit masakit man pero dapat mong tanggapin na ang lahat ay may hangganan. Sa mundong ito ay hindi lahat ng gusto natin,makukuha natin.

FIRST TIMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon