Nagising na naman si Jade dahil sa ingay na nanggaling sa baba.
Narinig na naman niya ang kanta na kinanta ni JC kahapon."Adik talaga siya sa kantang yon.-Sabi ni Jade sa sarili.
Bumangon na muna siya saka pumunta sa banyo naghilamos at nagtoothbrush. Sunday kasi ngayon kaya wala silang pasok. Bumaba siya at nakita niya si JC na nagluluto nang breakfast."Good morning,-nakangiting sabi ni JC.
"Good morning din. Ang adik mo talaga sa kantang yan ano?-Sabi ni Jade saka umupo. Nasanay na kasi siya na si JC ang nagluluto.
"Ang ganda kasi nang meaning.-Nakangiting sabi ni JC.
"ahh! Ano yang niluluto mo?-Sabi ulit ni Jade at lumapit kay JC.
"Ahh! Longsilog, umupo kana don kasi malapit natong matapos.-Nakangiting sabi ni JC kay Jade. Si Jade naman ay bumalik sa pagkakaupo. Naluto na ang niluluto ni JC. Kumain na sila at pagkatapos ay nagpresenta na si Jade na siya na ang maghugas nang pinagkainan tutal si JC naman ang nagluluto. Pagkatapos maghugas ni Jade ay pumunta siya sa sala at nakita niya si JC doon na naka-upo sa sofa. Naka boxer lang ito walang pang itaas. Nilapitan niya si JC at tumabi sa gilid. Biglang nagtanong si JC.
"Jade?-Nahihiyang sabi ni JC.
"Bakit?-Sabi naman ni Jade at tumingin kay JC
"Samahan mo naman ako oh! Magsisimba lang tayo at pagkatapos ay mamamasyal.-Nakangiting sabi ni JC kay Jade.
"Sige ba! Sandli lang ha magbibihis lang ako.-Sabi ni Jade sabay tayo. Aalis na sana siya pero hinawakan siya ni JC sa kamay kaya napahinto siya.
"Bakit?-Sabi ni Jade kay JC.
"Wala! Sige na,magbihis kana at magbibihis na rin ako.-Nakangiting sabi ni JC sabay tayo at pumunta sa kwarto.
Nagbihis na sila,ilang sandali pa ay lumabas na rin si Jade sa kwarto at bumaba,pagkababa niya ay nakita niya si JC na nasa sala. Napanganga siya sa kanyang nakita kasi sobrang gwapo nito sa suot niya. Natigilan naman si Jade nang may tumapik sa kanya."Hoy! Ano tara na?-Nakangiting sabi ni JC kay Jade pero si Jade ay hindi nakasagot kaya hinawakan na lang siya ni JC sa kamay at lumabas at nag abang nang taxi. Pumunta sila sa simbahan malapit lang sa kanilang lugar. Pagkatapos ay pumunta sila sa isang mall. Doon sila namasyal. Napansin ni Jade ba sobrang saya ni JC sa mga oras ba yon. Saya na ngayon lang niya nakita. Lalo itong gumagwapo sa ngiti nito lalo nat at my dimple ito. Pagkatapos nilang mamasyal ay kumain muna sila kasi nagugutom na rin sila. Pumunta sila sa isang restaurant at doon kumain. Kumain lang sila doon at nagyaya na ulit si JC na pumuntang park kaya pagkatapos nila ay agad silang dumiretso sa isang park. Pagdating nila doon ay napakaraming tao. Pumunta sila malapit sa foundtain at doon umupo. Habang nakaupo sila ay nagsalita si JC.
"Jade gusto mo bang kumain nang icecream? Halika.-Sabi ni JC sabay hawak sa kamay ni Jade at bumili nang ice cream pagkatapos nilang bumili ay umupo ulit sila at kinain ang ice cream ngunit hindi napansin ni Jade na may dumi siya sa mukha kaya ang ginawa ni JC ay pinunasan niya ito gamit ang kanyang panyo. Nagulat naman si Jade sa ginawa ni JC. But deep insids kinikilig na siya. Naglibot-libot lang sila sa park at hindi nila namalayan na gabi na pala. Nagutom na sila ulit kaya pumunta sila sa McDo at doon kumain. Habang kumakain sila ay nagtanong si JADE.
"JC,I have question.-Sabi ni Jade na sumeryoso ang mukha.
"What's it-Maikling sabi ni JC sabay subo ulit nang pagkain.
"Ano itong pinaparamdam mo sa akin.-Sabi ni Jade na seryoso parin.
"Ang alin?-Sabi ni JC kahit na alam na niya kung saan papunta itong usapan nila.
"JC wag ka na ngang magkunwari. Alam ko may iba kang nararamdam. Nalaman ko iyon nong araw na nagalit ka sa akin dahil kay Latrell. At noong araw din na nalasing ka sinabi mo sa akin na mahal mo ako pero hindi ko na lang yon pinansin coz I know lasing ka. Pero inulit mo nong hindi kita pinansin. Naguguluhan na ako JC.-Sabi ni Jade na tila nalilito na. Nabigla naman si JC sa nangyari kaya lumipat ito sa tabi ni Jade at nagsalita.
"Okey, wala na yata akong ligtas sayo. Totoo Jade, I love you when I first saw you. Pero hindi muna ako nagpadala. Pero nong nalaman kong mag-aapartment KA nagpresenta ako na mag si-share tayo kahit na hindi naman yon apartment. Gusto ko kasing makita ka lagi kaya nagpresenta ako. I dont know why? I know it's awkward kasi may gusto ako sayo. Pero yan ang totoo mahal na talaga kita Jade.-Mangiyak ngiyak na sabi ni JC kay Jade. Hindi sumagot si Jade at niyakap na lang niya si JC.
"Ako rin JC, I fell in love with you when the day I first saw you. I admit kinilig din ako nong nalaman ko na ikaw ang kasama ko sa bahay. Pero hindi ko na lang pinahalata coz I dont know baka magalit ka sa akin or what,kaya nilihim ko muna. Pero mas lalo pa akong nahulog sa iyo nong naging sweet ka na sa akin at palagi mo akong pinapatawa.-Naiiyak na ring sabi ni Jade habang nakayakap kay JC.
"So! Gusto mo pala bakit mo nilihim?-Nakangiting sabi ni JC.
"Kasi baka layuan mo ako tas iwasan.-Sabi ni Jade kay JC. Niyakap ulit ni JC si Jade at bumulong.
"We have the same feelings, we fell in love with each other. May pag-asa ba ako diyan sa puso mo?-Nakangiting sabi ni JC. Bumitaw sa pagkakayap si Jade at humarap kay JC.
"I dont think so?-Sabi ni Jade kay JC. Nalungkot naman si JC sa narinig.
"What I mean is,hindi pa kasi ako ready na makaroon nang isang relationship.-Sabi ulit ni Jade kay JC. Yumakap ulit si JC kay Jade at bumulong.
"I'm willing to wait kahit kailan, okey na sa akin na nalaman ko na may gusto ka rin pala sa akin.-Nakangiting sabi ni JC kay Jade.
sobrang saya ni JC sa mga oras na iyon lalong -lalo na si Jade kasi nalaman na niya na may gusto pala si JC sa kanya kaya pala ito nagalit nong makitang may kausap siyang lalaki.
BINABASA MO ANG
FIRST TIME
Random[ The Unusual Love Story Of Juan Carlos De Guzman and Jade Dela Fuente ] Sa buhay natin kailangan natin ng taong magmamahal sa atin at tatanggap sa atin ng buong-buo. Paano kung ang lahat ng yon ay pinaramdam sayo ng isang tao? Sinasabihan ka na mah...