CHAPTER 15 (Walang Pansinan)

10 0 0
                                        

Kinabukasan ay maagang gumising si JADE sinadya niya talaga na gumising ng maaga para hindi niya makita si JC. Agad na siyang pumunta sa school nila kasi awarding na .

____________________________________

"Gymnastic first placer, Candyse and company.-Sabi nang mc.
Umakyat sila Candyse at tinanggap ang trophy at mga medalya.

"In Arnis,Single and double stick category first placer is Jade Dela Fuente.-Sabi ulit nang mc.Nabigla naman ang lahat nang mga kaibigan ni Jade lalo na si JC.


"Nanalo siya? ang galing niya. Hindi man lang ako nakabati sa kanya.-Sabi ni JC sa isip na tila naiinis sa sarili. Umakyat na si Jade sa stage at tinanggap ang dalawang trophy at dalawang medalya.

"And the champion of our basketball is no other than, JC and his company.-Sabi ulit nang mc. Nagtakbuhan sina Michael,Steve,at alejandro pero si JC ay naiwan. Pagbalik nila Michael dala ang malaking trophy at medalya ay tinanong nila si JC.


"Bakit hindi ka umakyat?-Seryosong sabi ni Michael. Pero hindi kumibo si JC. bigla namang nagsalita si Candyse.


"Alam niyo may napansin ako. Kaninang umaga hindi kayo magkasamang dalawa. Ano ba ang nangyari?-Seryosong sabi ni Candyse.

"Wala naman iwan ko sa kanya?-Sabi ni Jade sabay turo kay JC. Nabigla naman si JC kaya nagsalita siya.

"Anong ako? Ikaw nga hindi mo na ako pinansin. Hindi ka na nga sumasabay sa akin  papunta sa school.-Seryosong sabi ni JC. Pero hindi na nagsalita pa si Jade.

"Okey fine! Pumunta na lang tayo sa bahay namin at nagpahanda ako nang victory party.-Nakangiting sabi ni Steve.

"Talaga?yeeheyy-Sabi nang lahat. Pero sina Jade at JC ay hindi kumibo. Nagsalita ulit si Steve.

"Pumunta kayong dalawa ha. Pag hindi kayo pupunta lagot kayo sa akin.-Nakangiting sabi ni Steve.

Umuwi na silang lahat at sina Jade at JC ay hindi parin nagpapansinan. Pagdating nila sa bahay ay nagbihis muna sila JC at Jade. Pagkatapos nilang magbihis ay lumabas na sila sa kani kanilang kwarto. Pumunta na sila sa bahay ni Steve pero hindi sila magkasabay,si JC nag taxi at si Jade naman ay nag taxi rin. Pagdating nila sa bahay ni Steve ay nandon na lahat nang mga kaibigan nila. Wala silang kamalay malay na may plano ang mga kaibigan nila para magkabati sila.

"Buti nakarating kayo.-Nakangiting sabi ni Steve sa kanila. Hindi kumibo ang dalawa kaya dinala na sila ni Steve sa likod nang kanilang bahay.

"Guyzz kumain na muna tayo.-Sabi ni Steve sa mga kaibigan na nakangisi. Lumapit ang lahat at kumuha nang plato,kutsara at tinidor. Pero nang sila Jade at JC na ay isa na lang ang natira sa plato. Hindi nila iyon kinuha kasi nahihiya sila kaya bumalik na lang sila sa inuupuan nila. Natawa namn si Steve at nilapitan sila.

"Share na lang kayo, para masaya.-Nakangiting sabi ni Steve sa kanila sabay abot nang plato. Kahit nahihiya ay kinuha ni Jade ang plato at kumuha nang pagkain at bumalik sa lamesa. Magkatabi sina Jade at JC. Natatawa naman ang mga kaibigan nila kasi gumana ang plano nila. Kumakain na sila Jade at JC nagbigla ng nagsalita si JC.


"Jade... So..... Sorry ha! Kasalanan ko naman eh.-Nauutal na sabi ni JC kay Jade.

"Okey lang! Ikaw naman kasi eh ang bilis mong magalit.-Nahihiyang sagot ni Jade.

"Pero seryoso Jade,sorry talaga.-Sabi ni JC kay Jade sabay yakap at kiss sa pisngi ni Jade. Nabigla naman si Jade sa nangyari kaya hindi siya nakapagsalita at nakagalaw para siyang na ka glue sa inuupuan niya. Ang mga kaibigan naman nila ay pilit na pinipigilan ang kilig.

"Oyy! Ligawan mo na kaya JC.-Natatawang sabi ni Steve. Pero hindi naman kumibo ang dalawa at kumain na lang pero ang mga kaibigan nila ay hindi parin napigilan ang kilig sa dalawa. Maya-maya pa ay tapos na silang kumain. Nagyaya si Steve na maginuman sila. Hanggang sa malasing na sila pwera kay Jade kasi hindi naman ito umiinom. Pagkatapos ay umuwi na sila isa-isa. Pagdating nang bahay nila JC at Jade ay inalalayan na lang ni Jade si JC kasi hindi na ito makatayo nang maayos. Dineretso ni Jade si JC sa kwarto nito. At dahan dahang inilapag. Paglagpag niya kay JC ay natumba si Jade at nahiga sa ibabaw ni JC. Tatayo na sana siya nang bigla siyang yinakap ni JC at nagsalita.

"I love you Jade,-Sabi ni JC na tila naalimpungatan. Nabigla si Jade sa narinig lumakas bigla ang pintig nang puso niya. Habang nakahiga siya sa ibabaw ni JC ay bigla itong sumuka kaya nasukaan siya nito. Agad siyang tumayo at kumuha nang damit at nagbihis siya. Bumalik siya sa kwarto ni JC na may dalang damit at maligamgam na tubig.
Hinubad niya muna ang damit ni JC atsaka pinunasan ang katawan nito. Habang pinupunasan niya ito ay naiisip niya ang mga kasweetan ni JC sa kanya. Napapangiti na lang siya. Tinignan niya si JC sa mukha pababa sa katawan nito.

"Ang gwapo mo talaga JC kung hindi lang kita mahal naku matagal na akong umalis dito.-Sabi niya sa kanyang sarili. Pagkatapos niyang punasan si JC at dinamitan ay pumunta na siya sa kanyang kwarto at natulog..

FIRST TIMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon