CHAPTER 34

4 0 0
                                    

Ang bilis nang panahon. Ang daming mga masasayang karanasan ko kay JC at hindi ko inakala na aabot kami nang limang buwan. Oo, Limang buwan na kami ni JC magkasama. May awayan kami pero mas nangingibabaw ang pagmamahalan namin. Sobrang sweet niya talaga sa akin at sobrang maalaga. Tuwing may sakit ako inaalagan niya ako at ganon din ang aking ginagawa kung siya naman ang magkasakit. Kaya nga minahal ko siya nang husto at ayaw ko nang mawala siya sa tabi ko. Minsan tinanong ko siya kung iiwanan niya ba ako at maghahanap nang babae. Ang sagot niya naman ay hindi. Tinanong ko rin siya kung kailan niya sasabihin sa mga magulang niya ang tungkol sa amin. Ang sabi niya ay kapag uuwi daw siya sa kanila. Mas mabuti na daw yong personal niyang sasabihin sa mga magulang niya ang tungkol sa amin. Kaya ngayon ay sem-break namin  and We have 3 weeks para magpahinga. Uuwi daw siya sa kanila para sabihin narin sa mga magulang niya ang tungkol sa amin.
________________________

Kumaha lang ako nang kaunti kong gamit at inilagay iyon sa bag ko. Si JC naman ay kumuha rin nang mga gamit niya. Pagkatapos namin ay bumaba na kami at lumabas para mag-abang nang taxi.

"So paano ba yan, hindi tayo magkikita for 3 weeks.Mamimiss kita.-Sabi ko kay JC sabay yakap sa kanya.

"Oo nga eh! Mamimiss din kita. Pati na ang halik mo.-Sabi niya sa akin na nakangiti.

"Sa dami-daming mamimiss talagang ang halik ko ang iyong mamiss.-Sabi ko sa kanya.

"Oo naman. Ang sarap kaya nang halik mo.-Natatawa niyang sabi sa akin.

"Pero seryoso JC mamimiss talaga kita.-Sabi ko.

"Mamimiss din kita.-Sabi niya at nagyakapan ulit kami.

Matagal kami sa ganong posisyon.

"Mag-iingat ka ha. Wag kang maghahanap nang iba doon sa inyo.-Natatawa niyang sabi sa akin.

"Baka ikaw ang mag hanap nang bago doon sa inyo.-Sabi ko.

"Ayy hindi yan mangyayari. Mahal kasi kita at hinding hindi kita ipagpalit sa iba.-Sabi niya sa akin.

"Naku! Talaga lang ha,-Sabi ko sa kanya.

"Ikaw ba ipagpalit mo ba ako sa iba.-Seryosong sabi niya.

"Ayy hindi rin, mahal kaya kita higit pa sa buhay ko.-Sabi ko sa kanya.

"Talaga?-Sabi niya.

"Oo naman.-Sabi ko

"I love you.-Sabi niya

"I love you too.-Sabi ko sabay kiss sa lips niya.

Oo nagbago na. Kung dati ay sa pisngi lang pero ngayon ay sa lips na.

"O sige mag-iingat ka ha-Sabi ko sa kanya.

"Ikaw din.-Sabi niya.

Naghihintay na yong taxi sa akin kaya nagpaalam na ako sa kanya.

"Sige mauna na ako. Basta ha yong sinabi mo.-Sabi ko sa kanya.

Papasok na sana ako sa loob nang taxi pero hinila niya ako palapit sa kanya at hinalikan niya ulit ako.
Pagkatapos niya akong halikan ay pumasok na ako sa loob nang taxi. At siya naman ay sumakay din nang taxi papunta sa bus station. Uuwi kasi siya sa probinsya dahil doon nag stay ang mga magulang niya. Sinabi niya rin sa akin na baka walang signal doon sa kanila kaya hindi siya makatext o matawag sa akin. Natatakot ako hindi dahil walang signal sa kanila at maghanap siya nang ibang babae sa kanila kundi sa sasabihin niya sa kanyang mga magulang. Hindi ko alam ang magiging reaksyon nila pag nalaman nila ang tungkol sa amin. Hindi ko alam kong matatanggap ba nila kami o hindi. Natatakot talaga ako.

FIRST TIMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon