CHAPTER 20 (Hospital)

4 0 0
                                    

Nagising si Jade dahil napansin niyang wala sa tabi niya si JC. Kaya hinanap niya ito. Bumaba siya at nakita niya si JC sa kusina nagluluto ito. Naka boxer lang siya at walang pang itaas. Nilapitan niya ito. Nagulat si JC sa nakita niya at lumapit din siya kay Jade.

"Oh bakit gising kana? Okey ka na ba?-Nag-aalalang tanong ni JC kay Jade. Imbes na sumagot si Jade ay niyakap niya lang si JC. Nagulat naman si JC kaya napayakap na din siya.

"Okey umupo ka muna tatapusin ko lang ang niluluto ko.-Nakangiting sabi ni JC sabay paupo kay Jade. Nakaupo at nonood lang si Jade kay JC habang nagluluto ito.

"Kumain ka muna.-Seryosong sabi ni JC.

"Sabay na lang tayo.-Sabi ni Jade na nakangiti. At kumain na sila. Pagkatapos ni lang kumain ay sabay na silang pumunta nang school nila. Hindi sana papayag si JC na mag-aral si Jade kasi may sakit ito kagabi pero sinabi niya naman na okey na siya kaya yon pumasok sa school.
Pagdating nila sa room ay nakita nila si Candyse na nakaupo lang at nagbabasa nang libro. Nagulat si Candyse nang may umupo sa tabi niya at mas lalo pa siyang nabigla nang makita ang mukha ni Jade na sobrang tamlay.

"Anong nangyari sayo?-Nag-aalalang sabi ni Candyse kay Jade.Pero hindi ito sumagot kaya si JC na lang ang sumagot.

"Kahapon kasi nabasa kami nang ulan,pagdating namin sa bahay ay nilagnat siya. Ayaw ko nga siyang papasukin eh nagpupumilit na okey na siya kahit halatang hindi naman.-Sabi ni JC na halata sa mukha ang pag-alala.

"Ahh ganon ba?-Maikling sagot ni Candyse. Buong maghapon ay walang gana si Jade sobrang tamlay niya kailangan niya magpahinga. Habang hinihintay niya si JC na naglalaro nang basketball ay umupo muna siya sa isang upuan katapat lang nang court. Habang nakaupo siya ay may tumabi sa kanya. Hindi niya alam kung sino ito basta ang alam niya ay lalaki ang tumabi sa kanya.

"Hey! Jade you look so tired and sick. Are you okey?-Sabi ni Latrell.
Nagulat naman si Jade nong makita niya si Latrell. Imbes na sumagot ay inihilig niya ang kanyang ulo sa balikat nito. Hinayaan naman iyon ni Latrell.

"I'm okey, I think I need a rest.-Sabi ni Jade kay Latrell. Nakita naman sila ni JC at bakas sa mukha nito ang galit at inis.
Nagkwentuhan lang sila Latrell at Jade nang biglang nawalan nang malay si Jade. Agad itong nakita ni JC at dali-daling lumapit dito.

"What are you doing? Anong nangyari sa kanya?-Nag-aalalang sabi ni JC kay Latrell. Nagulat naman si Latrell sa naging reaksyon ni JC kasi halata sa mukha nito ang galit at takot.

"Nothing,wala akong ginawa. We're just talking and suddenly he collapse.-Seryosong sabi ni Latrell kay JC.

"Tumawag ka nang ambulance dali.-Sumisigaw na sabi ni JC kay Latrell kaya kumaripas ito sa pagtakbo at tumawag nang ambulance. Dinala si Jade sa St. Luke Medical Center at doon ginamot. Hindi muna pinapasok ang dalawa sa kwarto kung saan naka charge si Jade kaya naupo na lang sila sa isang upuan sa tapat nang kwarto ni Jade. Halata sa mukha nilang dalawa ang pag-aalala at takot na baka anong mangyari kay Jade.

"Kung may mangyaring masama kay Jade,humanda ka sa akin.-Sabi ni JC kay Latrell na tila binabalaan ito. Natakot naman si Latrell imbes na sumagot ay umalis mona ito at pumunta sa chapel nang hospital. Si JC naman ay naghihintay parin sa labas nang kwarto ni Jade. Nang biglang lumabas ang doctor ay agad lumapit si JC sa mga ito.

"Doc how is he? Kumusta na po siya?-Sunod-sunod na tanong ni JC na halatang nag-aalala parin.

"He's okey, he need a rest lang atsaka more water para hindi siya ma dehydrate.-Sabi nang Doctor kay JC, para naman siyang nabunutan nang tinik sa sinabi nang doctor.

"Salamat doc, can I see him?-Sabi ni JC sa doctor.

"Yes you can,-Sabi naman nang doctor bago umalis si JC naman ay pumasok sa loob. Pagpasok niya ay nakita niya si Jade na natutulog kaya lumapit siya dito at hinawakan sa kamay.

"Ikaw kasi ang tigas nang ulo mo,ang sabi ko wag pumasok sa school pero nagpumulit kaya yan tuloy.-Bulong ni JC kay Jade. Nabigla naman si JC nang biglang bumukas ang pinto. Nakita niya si Latrell na pumasok at lumapit sa kanila.

"How is he? Okey lang ba siya?-Sabi ni Latrell na halata sa boses ang pag-alala.

"Yes! Okey lang siya kaya pwede ka nang umuwi.-Sabi ni JC kay Latrell. Hindi na lang sumagot si Latrell at lumabas na lang.
Ibinalita naman ni JC sa mga kaibigan nila ang nangyari kay Jade kaya nagmamadali ang mga itong pumunta nang hospital.

"Kumusta na siya?-Sabi ni Candyse na halata ang pag-aalala sa boses. At lumapit kay Jade. Kasama niya ang lahat nang mga kaibigan nila.

"He's okey na Candyse. Bantayan niyo muna siya uuwi lang muna ako para kumuha nang mga gamit.-Sabi ni JC sa kanila sabay labas nang pinto. Naiwan ang magkaka-ibagan binantayan lang nila si Jade Hanggang sa bumalik si JC.

"Gumising na ba siya?-Sabi ni JC pagkarating na pagkarating niya sa kwarto ni Jade.

"Hindi pa nga eh.-Sabi ni Michael na nag-aalala rin.

"Ano ba kasi ang nangyari?-Sabi ni Steve kay JC.

"Bigla kasi siyang nahimatay,kaya dinala na namin siya dito.-Sabi ni JC sa kanila.

"Ahh' ganon ba? Oh sige uwi muna kami,balitaan mo lang kami kung gising na siya. Kami na bahala magpaliwanag sa mga teachers natin.-Sabi ni Candyse ni JC sabay labas nilang lahat sa kwarto kung saan naka charge si Jade. Naiwang mag-isa si JC na nagbanatay kay Jade. Hindi niya namalayan na nakatulog pala siya.

FIRST TIMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon