Lumabas ako ng kwarto ko dala ang lahat ng mga gamit ko. Sinigurado kong wala akong naiwan maski isang gamit kasi ayoko ng bumalik pa dito. Ayoko ng makita siya ulit. Pagkababa ko ay nakita ko si JC sa may sofa nanonood ng tv. Bigla na lang tumulo ang aking mga luha at naglakad palabas. Habang naglalakad ako ay napatingin siya sa akin. Pero umiwas din siya agad. Pero lumapit muna ako sa kanya. May sasabihin lang akong importante. Nang makalapit na ako ay umupo ako sa tabi niya.
"JC kahit nasaktan ako, gusto ko paring magpasalamat sayo.-sabi ko at bigla na lang tumulo ang mga luha ko. Pero wala parin siyang reaksyon ni hindi man lang ako nilingon.
"Gusto ko lang sana magpasalamat sayo,kasi minahal mo ako kahit na hindi naman totoo pero para sa akin ay totoo yon. Salamat sa lahat ng mga masasayang araw na kasama kita. Salamat sa mga magagandang ala-ala na ginawa nating dalawa. Salamat kasi pinaramdam mo sa akin kung ano ang feelings ng mahalin ka ng taong mahal mo. Salamat at andyan ka lagi sa tabi ko pag kailangan kita. Siguro nga hindi tayo para sa isat-isa pero salamat parin kasi nakilala kita. Well,siguro nga walang forever sa ating dalawa but the happy memories and moments na kasama kita will stay forever in my heart. Masakit man itong disesyon na ginawa nating dalawa,well siguro ito yong mabuting paraan para makilala natin kung sino ba talaga tayo o kung ano ang gusto nating gawin sa buhay mga bata pa siguro kasi tayo at nadala lang tayo sa ating mga nararamdaman. Salamat din sa 5 buwan na pagmamahal na ibinigay mo sa akin,sa pagtitiis sa akin kahit na ako ay moody. Wala akong paki kong totoo man yon o hindi basta para sa akin ay totoo yon. Siguro nga hanggang dito na lang talaga tayo. Wala na talaga tayong pag-asa na mababalik pa sa dati ang lahat. Pero kahit kagon tandaan mo ito lagi, MAHAL NA MAHAL KITA,MAYBE MY FEELINGS FOR YOU WILL FADE AWAY BUT THE MEMORIES THAT WE MADE TOGETHER WILL STAY FOREVER IN MY HEART. KAYA MARAMING SALAMAT SA LAHAT LAHAT. MAHAL NA MAHAL KITA.-Umiiyak na sabi ko kay JC at niyakap ko siya ng mahigpit na mahigpit. Hindi ko na kasi ito mayayakap pa. Matapos ang ilang minuto ay kumalas na ako sa pagkakayakap sa kanya. Tatayo na sana ako pero hinawakan niya ang kamay ko. Hindi siya nagsasalita pero may mga luhang tumutulo sa mga mata niya kaya niyakap ko siya ulit. Hindi ko alam kong bakit siya umiiyak basta ang alam ko ay dapat na akong umalis sa bahay nato. Tinanggap ko na ang pagkakayakap ko at nagsalita ulit.
"Kahit masakit JC ay dapat natin itong tanggapin,kagustuhan natin ito pareho kaya dapat magpakatatag ka. Sana mahanap mo na talaga ang taong magpapasaya sayo ng totoo. Paalam na JC mahal na mahal kita.-Sabi ko sa kanya na lumuluha parin at tuluyan ng umalis.
Iniwan ko si JC mag-isa. Iniwan ko ang taong mahal ko. Iniwan ko ang taong mahalaga sa buhay ko. Iniwan ko ang taong nagbigay sa akin ng pagkakataong magmahal at mahalin. Iniwan ko ang taong nagpapasaya sa akin. Iniwan ko ang taong gumawa ng maraming masasayang karanasan sa buhay. Iniwan ko ang taong una kong minahal.
Siguro nga masakit maiwan mag-isa,pero dapat tayong magpakatatag dahil hindi sa lahat ng pagkakataon ay nandiyan lagi ang taong mahal mo. Dapat tayong masanay na wala ang taong mahal natin para kung mawala man sila ay hindi tayo masasaktan ng todo. Siguro masakit nga pero kailangan eh, kailangan nating masaktan para maging matatag tayo kasi alam natin na iniwan na nila tayo at hindi na nila responsibilidad na akayin ka nila pataas. What I mean is, sa buhay natin ay hindi dapat tayo maging kampanti kasi hindi natin alam na ang taong nagmahal sa atin noon ay hindi na tayo mahal ngayon. So dapat ay handa tayo sa anumang mangyari sa buhay natin.

BINABASA MO ANG
FIRST TIME
Random[ The Unusual Love Story Of Juan Carlos De Guzman and Jade Dela Fuente ] Sa buhay natin kailangan natin ng taong magmamahal sa atin at tatanggap sa atin ng buong-buo. Paano kung ang lahat ng yon ay pinaramdam sayo ng isang tao? Sinasabihan ka na mah...