Kinabukasan nagising na naman ako nang may biglang humalik ulit sa pisngi ko. At si JC ulit yon. Nakabihis na siya at ready na pumuntang school.
"Ikaw ha nakakarami ka na.-Sabi ko sa kanya at bumangon..
"Ano naman? Boyfriend kita at mahal kita kaya walang problema.-Nakangiti niyang sabi sa akin.
"Adik ka talaga!-Sabi ko sa kanya sabay takbo sa banyo.
Hindi ko siya narinig sumagot kaya naligo na ako. Pagkatapos kung maligo ay lumabas na ako. Pagkalabas ko ay nandon parin siya at tumingin lang siya akin na may kasamang nakakalokong ngiti.
"Ano?Bakit?-Sabi ko sa kanya.
"Wala! Hindi lang ako makapaniwala na boyfriend na kita.-Sabi niya sa akin nakangiti parin.
Dahan-dahan siyang lumapit sa akin. Paglapit niya ay hinawakan niya ang magkabila kong pisngi.
"Pwede ba.......-Hindi ko tinapos ang sasabihin niya at agad kung hinalikan ang pisngi niya. Doon naman kasi yon papunta kaya inunahan ko na lang. Nagulat naman siya sa ginawa ko.
"Hindi naman yon ang gusto ko.-Sabi niya sa akin na nakangiti. Alam kong nang-aasar lang siya sa akin kaya sasabayan ko siya ngayon.
"Alam ko. Pero gusto ko. Gusto mo rin naman ah.-Sabi ko sa kanya na nakangiti.
Hindi siya nakapagsalita. Bigla na lang siyang namula.
"bakit ka namula? Kinikilig ka no?-Pang-aasar ko sa kanya.
Hindi siya sumagot sa akin. Imbes na sagutin niya yong tanong ko. Nag-iba na lang siya nang topic.
"Bilisan mo na nga jan. Baka ma-late tayo.-Sabi niya sa akin sabay labas nang pinto.
Natatawa na lang ako kay JC. Alam kong kinilig siya pero tinatago niya lang.
Pagkatapos naming kumain ay agad na kami papuntang school.
Pagdating namin doon ay wala na namang klase. Kaya nagbasketball muna si JC isasama niya sana ako pero ayaw ko gusto ko lang umupo at kumain kaya naiwan ako sa canteen namin. Si Candyse naman ay sinamahan Sina Rhona,Jenny at Mariel na gumawa nang project.Habang naka-upo ako mag-isa sa isang upuan ay may tumabi sa akin. Hindi ko alam kung sino kasi busy ako sa pagkain pero alam kong babae siya.
"Mag-isa ka yata?-Tanong nong babae sa akin.
Lumingon muna ako sa kanya bago sumagot.
"Ikaw?-Gulat na sabi ko sa kanya.
"Ako? Bakit?-Nagtatakang tanong niya sa akin.
"Wala lang. Diba kaklase kita.-Sabi ko sa kanya.
"Oo, ako yong my crush sayo kaso my boyfriend kana.-Malungkot na sabi nong babae.
Hindi na naman ako makasagot sa kanya kasi nabigla ako kahit alam ko naman yon na may gusto na siya sa akin ay nabigla parin ako.
"Sorry ha,but I can be your friend a good friend.-Nakangiti kong sabi sa kanya.
"Talaga?-Sabi niya

BINABASA MO ANG
FIRST TIME
Aléatoire[ The Unusual Love Story Of Juan Carlos De Guzman and Jade Dela Fuente ] Sa buhay natin kailangan natin ng taong magmamahal sa atin at tatanggap sa atin ng buong-buo. Paano kung ang lahat ng yon ay pinaramdam sayo ng isang tao? Sinasabihan ka na mah...