Matapos ang nakakakilig at Nakakaiyak na araw sa school namin,nandito na ako ngayon sa aking kwarto. Nag-iimpake na ako kasi para bukas ay dire-diretso na lang. Balak ko kasi bukas na lilipat kasi nai-excite na akong makita si JC! Haha! Joke lang. Pagkatapos kong mag-impake ay bumaba ako. Pagkababa ko ay nakita ko si Mama sa sala at nanood nang TV.
O' anak halika panuurin mo ito. Nakakatawa si Vice ganda ang galing galing niya.-Sabi sa akin ni Mama na nakangiti.
GIRL,BOY,BAKLA,TOMBOY na naman Ma? mga 100x niyo nang pinanood yan ahh!-Sabi ko kay Mama na nakangiti.
Anak naman,diba ang sabi ko sa iyo idol na idol ko si VICE GANDA. Bakit?hindi mo ba siya idol?-Sabi sa akin ni mama na tumatawa.
Of course Ma! I love Vice ganda. I idolized him and you know it. Kahit naman sinong bakla ay ini-idolo siya. Sa galing ba naman niya.-Sabi ko kay Mama na nakangiti
Haha! Kaya nga, sabay nating panoorin ito.-Sabi ni Mama sa akin na nakangiti.
Sige na nga.-Sabi ko kay mama at umupo sa tabi niya.
Tawa kami nang tawa kanonood sa movie ni vice. Tinanong ko si mama.
Ma' may nahanap na po akong lilipatan,malapit lang po sa school namin.-Sabi ko kay mama.
Talaga bang hindi kana mapipigilan anak? I mean, talaga bang makakaya mo na?-Tanong ni mama sa akin na halatang nalulungkot.
Kakayanin ko po ma, diba sabi nila na ang lahat nang bagay ay kailangang sakripisyo,siguro ito na po iyon. Kailangan kong mag sakripisyo. Nahihirapan po ako ma na malayo sa inyo pero kailangan ehh para rin naman ito sa aking kinbukasan.-Naiiyak kong sabi kay mama at niyakap siya.
Siguro nga anak. Pero sana mag-iingat ka doon ha at ang bilin ko wag mong kalimutan.-Sabi ni mama sa akin at naiiyak narin.
Opo ma! Atsaka dadalaw naman ako dito kada linggo para naman makasama kita.-Sabi ko kay mama at pinunasan ang aking mga luha.
Tama na nga ang pagdadrama anak. Nakakahiya kay vice ganda,comedy ang movie niya tapos tayo nag-iiyakan.-Natatawang sabi sa akin ni mama.
Haha! Oo nga pala. Hindi pa pala tapos ang pinanonood namin.
Matutulog na po ako ma at maaga pa akong aalis.-Sabi ko kay mama at umakyat na sa aking kwarto.
BINABASA MO ANG
FIRST TIME
Random[ The Unusual Love Story Of Juan Carlos De Guzman and Jade Dela Fuente ] Sa buhay natin kailangan natin ng taong magmamahal sa atin at tatanggap sa atin ng buong-buo. Paano kung ang lahat ng yon ay pinaramdam sayo ng isang tao? Sinasabihan ka na mah...