CHAPTER 38

7 0 0
                                    

Maaga akong nagising kasi ngayon na ang araw na babalik dito si JC. Ginawa ko na ang lahat ng mga gawaing bahay at pagkatapos ay pumunta sa palengke para mamili ng lulutuin ko mamaya para sa kanya. Kahit na hindi naman talaga ako gaanong marunong magluto ay nag-research talaga ako para lang sa kanya.

Pagkatapos ko ng bumili ng mga ingredients ay umuwi na ako at sinimulan na ang pagluluto para pagdating niya ay susurpresahin ko siya. Mahilig talaga ako sa mga suprises haha! Lol. Ang niluto ko ay adobo, favorite niya daw kasi ito kaya ito na lang ang niluto ko. Kahit na nagkapaso-paso na ako sa mantika ay gora parin para lang sa kanya.

Natapos ko na ang lahat,si JC na lang ang kulang. Kaya nanood muna ako ng tv. Pero lumipas ang ilang oras ay wala parin siya,kaya naghintay ulit ako ng ilang oras pa. Hanggang sa di ko namalayan na nakatulog pala ako. Nagising na lang ako kasi sumakit ang tiyan ko,don ko napagtanto na hindi pa pala ako kumakain at ngayon ay 7:30 na ng gabi. Agad kong naisip si JC.

"Dumating na kaya siya?-sabi ko sa aking sarili at dali-dali pumunta sa kwarto niya. Pero pagdating ko doon ay walang tao kaya bumaba ulit ako. Kahit na pagod na ako at gutom hihintayin ko parin siya kasi mahal ko siya. Bumaba na ulit ako atsaka umupo sa sofa at nanood ulit ng movie,mga 8 ng gabi ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang prince charming ko. Kaya napangiti na lang ako kahit na medyo nalungkot ako kasi late na siyang dumating. Pero may napansin ako sa kanya,parang matamlay siya at para may problema,siguro pagod lang sa byahe. Agad ko siyang nilapitan at niyakap, iki-kiss ko sana siya pero iniwas niya ang mukha niya.

"Jade ano ba?-sabi niya na tila naiinis

"Anong ano ba?-sabi ko na nagtataka.

"Pwede ba lumayo ka muna,pagod ako!-sabi niya at biglang sumeryoso ang mukha.

"Halika muna sa kusina may inihanda ako sayo. Nagluto talaga ako para lang sayo.-sabi ko at yumakap ulit sa kanya. Pero kumalas din siya agad.

"Pagod ako,gusto ko ng magpahinga.-sabi niya. Aalis na sana siya pero pinigilan ko.

"JC naman eh' gutom na ako,hinintay talaga kita para sabay na tayo.-sabi ko at tila nag-papaawa.

"Jade naman hindi kana bata,ano ang gusto mo? Susubuan kita? Ganon? Kumain ka na lang mag-isa?-sabi niya at bakas sa mukha ang galit.

Natakot ako kay JC. Bakit siya nagalit sa akin. Kahit na may namuo ng mga luha sa mga mata ko ay pinigilan ko yon para hindi niya iyon makita.

"JC.......-ang tanging lumabas sa bibig ko at tuluyan na siyang umakyat sa kwarto niya at iniwan ako mag-isa. Iniligpit ko na lang ang mga inihanda ko. nawalan kasi ako ng gana,kahit na hindi ako kumain buong araw. bahala na kung magka-ulcer man ako. Pagkatpos kung magligpit ay pumunta narin ako sa aking kwarto para matulog.pero hindi ako makatulog kasi naisip ko ang nangyari kanina at bigla na lang tumulo ang aking mga luha.

"Bakit siya galit? Hindi ba siya excited na makita ako ulit? Hindi ba niya ako namiss? Hindi ba niya nakita ang effort ko? Kahit na hindi ako marunong magluto ay nagluto parin ako para lang sa kanya.-sabi ko sa aking sarili.

"Pagod lang siguro siya kaya nagkaganon siya,baka bukas ay okey na siya.-sabi ko sa aking sarili. Hindi ko namalayan ay tuluyan na akong nilamon ng antok at mahimbing na natulog.

___________________________________

Kinabukasan ay excited akong lumabas sa aking kwarto. Paglabas ko ay parang naninibago ako,sobrang tahimik. Kaya agad akong pumunta sa kwarto ni JC,pagdating ko doon ay wala siya kaya bumaba ako at pumunta sa kusina pero wala din siya doon. Kaya nagtaka ako at nalungkot. Don ko naisip na balik eskwela na pala, baka nauna na siyang pumasok. Kaya dali dali akong pumunta sa banyo at naligo. Pagkatapos ko sa lahat lahat ay nagtatatakbo ako papunta sa school namin.
Pagdating ko doon ay wala si JC,si Candyse lang nakita ko. Paglapit ko sa kanya ay agad niya akong niyakap.

"Myloves,naku miss na talaga kita,kumusta ang sem-break? O bakit ganyan ang mukha mo?-Sani ni Candyse na nahalata ang lungkot ko.

"Hoy hindi ba maganda ang sem-break mo? Bakit parang undas yang mukha mo?-sabi niya sa akin.

"Hindi! Masaya naman ang sem-break ko.-tipid na sabi ko.

"O! Masaya pala bakit ka nga ganyan,parang may problema ka?-sabi niya ulit.

"Wala akong problema. Si JC ba nakita mo?- sabi ko sa kanya at iniba yong topic.

"Hindi! Bakit hindi pa ba siya umuwi dito?-sabi ni Candyse.

"Umuwi siya kagabi,kaso nagalit siya sa akin. Pero inintindi ko kasi baka pagod lang sa byahe. Eh kaso nitong umaga ay hindi ko siya nakita akala ko pumunta na siya dito sa school.-sabi ko kay Candyse.

"Hayaan mo hahanapin natin siya. Tatanungin natin sina Michael baka alam nila-sabi ni Candyse na nakangiti kaya napangiti na lang ako.


FIRST TIMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon