Nakarating ako sa bahay namin na luhaan. Agad na akong pumasok sa loob at nakita ko si mama na nakaupo sa sofa at may binabasa. Agad akong lumapit sa kanya at niyakap siya.
"Ma tama ka.-sabi ko kay mama at tuluyan ng umiyak. Si mama naman ay nagulat sa akin.
"Bakit anak? Anong nangyari sayo? Bakit ka umiiyak?-nagtatakang tanong sa akin ni mama.
"Ma iniwan niya ako. Ipinagpalit niya ako sa iba.-umiiyak na sabi ko kay mama.
"Ssssshhh! Tama na anak. Okey lang yan,makakahanap ka rin ng mas pa sa kanya.-sabi sa akin ni mama. Hindi ako sumagot bagkos ay umiyak lang ako ng umiyak.
"Diba sabi ko naman sayo noon, magtira ka ng pagmamahal sa sarili mo. Ikaw kasi hindi ka nakinig.-sabi ni mama.
"Sorry ma kung hindi ko kayo sinunod,edi sana hindi ako masasaktan ng ganito.-sabi ko kay mama na umiiyak parin.
"O sha tama na' ano ba kasi ang nangyari?-sabi ni mama sa akin.
"Pag-uwi ni JC galing probinsya ay doon nagsimula, akala ko pagod lang siya kaya hindi ko na lang yon pinansin,pero pagkabukas din ay hindi na siya nagpakita sa akin. Ipinagtabuyan niya ako palayo sa kanya. Ayaw na daw niya akong makita. Gusto kong magpaliwanag siya kung ano ba ang nangyayari at kung bakit siya nagkaganon,eh ayaw naman niya kaya napagdesisyonan kung maghiwalay na lang kami at ginusto rin niya kaya pinagbigyan ko siya. Kahit masakit ma, ay tatanggapin ko,maybe this is a sign na hindi talaga kami para sa isat-isa.-Sabi ko kay mama at tuluyan paring umagos ang aking mga luha.
"Tama na, wag ka ng umiyak okey.-sabi ni mama sa akin at niyakap ulit ako.
"Gusto mo ba siyang makalimutan-seryosong sabi ni mama. Kumalas muna ako sa kanya bago sumagot.
"Ano pong ibig niyong sabihin?-nagtatakang sabi ko kay mama.
"Ang sabi ko,kung gusto mo bang kalimutan ang lahat ng mga masasamang karanasan mo dito?-seryosong sabi ni mama.
"Gusto ko! Pero paano ma?-sabi ko kay mama. Huminga muna siya ng malalim bago niya ako sinagot.
"Well, your father told me that we will go to Canada next week,gusto sana kitang surpresahin pero maybe this is the right time na sabihin ko sa iyo para makapag-isip ka?-seryosong sabi ni mama sa akin. Nagulat ako sa sinabi ni mama kaya hindi agad ako nakasagot.
"We will stay there for good anak and maybe you will continue your study there. Kung gusto mo lang naman pero kung ayaw mo,ibibili ka na lang namin ng condo at magha-hire kami ng yaya for you.-sabi sa akin ni mama.
"I will go with you ma-seryosong sabi ko.
"Are you sure?-sabi ni mama.
"Yes ma, gusto kong limutin lahat ng mga masasamang nangyari sa akin dito. Gusto kong magbagong buhay at magsimulang muli.-Seryoso kong sabi kay mama.
"O sige' asikasuhin mo ang mga forms mo sa school para hindi na tayo maabala pag-alis natin.
"Sige po ma' bukas na bukas din kukunin ko na ang mga forms ko.-sabi ko kay mama at pinahiran ko na ang mga luhang tumulo sa aking mga mata.
"Sige anak, umakyat kana at magpahinga. I'm sure na pagod ka na kaya magpahinga ka muna at umpisahang kalimutan ang dapat kalimutan. Okey! Kaya smile na.-Nakangiting sabi ni mama sa akin. Nginitian ko na lang siya atsaka umakyat papunta sa kwarto ko.
Tama ba ang gagawin ko? Ang umalis at kalimutan si JC? Siguro ay tama,kasi kung guto mong makamove-on at makalimutan ang isang taon,kailangan mong putulin lahat ng koneksyon niyo sa isat-isa. Kailangan mong lumayo at hanapin ang totoong tao na magpapasaya sayo. Siguro nga mahirap limutin ang isang tao na naging parte na ng buhay natin pero kailangan natin itong gawin para hindi na tayo masasaktan. kung lagi mong iisipin ang mga masasayang araw niyong dalawa tiyak ako na maiiyak kayo. Paano ka makakamove-on kung iniisip mo siya at yong mga memories niyong dalawa. Dapat forget all the memories na ginawa niyong dalawa and make a new happy memories with the someone you love and who love's you too. Siguro nga mahirap but the easiest way to forget that particular person,no! Not the person but that feelings you felt is BE WITH OTHERS AND BE HAPPY CAUSE ONLY TIME CAN HEAL A BROKEN HEART.
Kasi hindi naman talaga natin makakalimutan ang taong yon pero ang feelings mo para sa taong yon ay pwede mong malimutan at pwede mong palitan.

BINABASA MO ANG
FIRST TIME
אקראי[ The Unusual Love Story Of Juan Carlos De Guzman and Jade Dela Fuente ] Sa buhay natin kailangan natin ng taong magmamahal sa atin at tatanggap sa atin ng buong-buo. Paano kung ang lahat ng yon ay pinaramdam sayo ng isang tao? Sinasabihan ka na mah...