CHAPTER 31 (SELOS)

3 0 0
                                    

Pagkatapos magpaalam ni Latrell ay nandito na kami sa bahay. Tahimik lang ako at napansin naman yon ni JC.

"Hoy kanina ka pa tahimik.-Sabi ni JC.

"iniisip ko lang kasi ang nangyari kanina.-Sabi ko sa kanya.

"Bakit mo pa ba kasi iniisip yon.-Sabi niya na halatang naiinis na

"Aalis na kasi siya kung kailan ulit kami nag kita.-Sabi ko.

"Ka ano ano mo ba yon at ganyan na lang ang pangungulila mo.-Sabi niya na na medyo malakas na ang boses

"JC,kaibigan ko si Latrell. Ngayon lang ulit kami nagkita. Atsaka mahalaga siya sa akin.-Sabi ko kay JC.

"Ahh ganon! Bakit hindi ba ako mahalaga sayo.-Nagagalit niyang sabi sa akin.

Nagulat ako sa sinabi niya at hindi agad nakapag salita.

"O ano? Bakit hindi ka makapagsalita.-Sabi niya.

"Ano ba yang pinagsasabi mo.-Sabi ko sa kanya at pilit ko paring pinapakalma ang sarili ko.

"JC boyfriend mo ako, pero nakikipag landian ka pa sa Latrell na yon.-Sabi niya.

"Kaibigan ko lang naman siya ah! Atsaka hindi ako malandi JC.-Sabi ko sa kanya at pilit na pinipigilan ang luha na namumuo sa aking mga mata.

"Kaibigan? Kaibigan ba ang tawag don na nagyayakapan kayo sa harap ko.-galit na sabi niya.

"Bakit? Bawal ba? Matagal kaming hindi nagkita JC. Sana maintindihan mo.-Sabi ko sa kanya.

Hindi pa siya sumagot nagsalita ulit ako.

"Nagseselos kaba?-Sabi ko.

"Oo! nagseselos ako Jade. Nagseselos ako kasi mahal kita. Mag boyfriend na tayo Jade pero naghaharutan pa kayo sa harap ko.-Naiiyak niyang sabi sa akin.

"JC naman, kaibigan ko lang naman si Latrell. Kaya wag kang magselos. Kaya nga ikaw ang pinili ko kasi ikaw ang mahal ko. Pero sa pinapakita mo ngayon sa akin parang wala kang tiwala sa akin.-Naiiyak kong sabi sa kanya sabay takbo papunta sa kwarto ko.

Hinabol niya ako pero huli na kasi ni-lock ko na ang pinto. Pero pilit parin niya itong buksan. Pero nakalock talaga. Nagsisigaw lang siya sa labas.

"Jade buksan mo to. Sorry na! -naiiyak niyang sabi sa akin. Alam kong umiiyak siya dahil sa tono nang boses niya.

Pero hindi ako sumagot. Patuloy parin siyang sumisigaw.

"Jade sorry na, ang akin lang naman kasi boyfriend mo na ako kaya hindi ka na dapat lumalapit sa ibang lalaki.

Huminga muna ako nang malalim bago binuksan ulit ang pinto at hinarap siya.

"Yon na nga JC,boyfriend na kita kaya hindi mo na dapat pinagselosan yon. Alam mo namang kaibigan ko siya diba. Kaya ko lang naman yon nagawa kasi aalis na  siya. -Naiiyak kong sabi sa kanya.

Tumahimik siya at niyakap ako.

"Sorry talaga Jade, promise hindi na mauulit.-Naiiyak niyang sabi sa akin.

"O sige matulog kana bukas na natin to pag-usapan. Pagod na kasi ako.-Sabi ko sa kanya at kumalas sa pagkakayakap.

Tumalikod siy sa akin at naglakad papunta sa kwarto niya. Hindi ko alam ang nararamdaman ko. Nagagalit na naaawa.
Nagagalit kasi ako dahil sa ginawa niya. Naaawa ako sa kanya.

isinara kona ulit at pinto at humiga sa kama.

Hindi parin ako makatulog kasi naiisip ko ang mga mukha ni JC. Ngayon ko lang siyang nakitang nagalit na ganon. Pero diba dahil naman yon sa kanya. Bakit ba kasi pinagseselosan pa niya si Latrell eh magka-ibigan lang kami non. Oo alam ko na mali ang ginawa ko na yumakap kay Latrell habang nasa harapan namin si JC pero mali din naman siya ah. Nagselos siya kay Latrell,kaya nga siya pinili ko diba kasi mahal ko siya. Alam kung normal lang ang magselos pero sobra naman siguro ang naging reaksyon niya pati kaibigan ko pinagseselosan niya.

Hindi ko na lang namalayan na nakatulog na pala ako kaiisip sa mga nangyari kanina.

FIRST TIMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon