CHAPTER 30 (Lilipat ng School)

5 0 0
                                    


Pagkatapos nang aming klase ay naglaro muna sila JC,Michael,Steve at Alejandro nang basketball. Sinamahan namin sila nina Candyse,Rhona ,Jenny at Mariel.
Naglaro lang sila JC habang kami naman ay nagkwekwentuhan. Habang nakwekwentuhan kami ay may lumapit sa amin. Pagtingin ko ay si Latrell. Tumayo ako agad at niyakap siya.

"Bakit ngayon ka lang ulit nag pakita.-Sabi ko kay Latrell.

"Busy lang kasi ako.-Nakangiti niyang sabi sa akin.

"Ahh ganon ba. Kumusta kana?-Sabi ko.

"Okey lang naman. Ikaw?-Sabi niya.

"Okey lang din.-Sabi ko.

"Kita ko naman na masaya ka sa piling niya.-Seryoso niyang sabi sa akin.

Nagulat ako sa kanyang sinabi.

"Anong ibig mong sabihin.-Sabi ko sa kanya. Alam ko naman kong ano ang ibig niyang sabihin. Nais ko lang klaruhin.

"Alam ko na may relasyon kayo ni JC. Nalaman ko yon kasi dahil sa mga kaklase ko.-Sabi niya.

"Oo may relasyon nga kami ni JC. Pero hindi ko alam na marami ang nakakaalam tungkol samin.-Sabi ko.

"Alam mo na. Dito sa school natin maraming mga tsismosa.-Natatawa niyang sabi sa akin.

"Haha! Hindi ka parin nagbago Atel-Natatawa kong sabi sa kanya.

"Pero seryoso! masaya ako dahil masaya ka sa piling ni JC.-Sabi niya.

"Salamat ha.-Sabi ko.

tumahimik muna siya bago nagsalita.

"Jade?-Sabi niya.

"Bakit?-Sabi ko.

"May sasabihin sana ako eh.-Sabi niya.

"Ano yon?-Sabi ko ulit.

"Lilipat na kasi ako nang bagong school. hindi na naman tayo magkita.-Seryosong sabi niya.

Nabigla ako sa  aking narinig. Lumipas muna ang ilang segundo bago ako nagsalita.

"Bakit? Ngayon lang tayo ulit nagkita aalis kana ulit.-Sabi ko sa kanya.

"Kailangan kasi eh! Bumili kasi si Mama nang bagong bahay malapit sa pinagtatrabahoan niya,kaya doon na kami titira.-Seryosong sabi niya.

"Ang daya mo. Nong bata pa tayo umalis ka. Ngayong nagkita na ulit tayo aalis ka na naman.-Naiiyak kong sabi sa kanya.

Nong bata pa kasi kami palagi kaming magkasama. Magkapit bahay lang kami dati. Ang mga magulang naman namin ay magka-ibigan kaya naging close kami sa isat-isa. Siya ang lage kong nakakasama sa lahat nang oras pero nagbago ang lahat nang umalis sila kasi daw dahil sa trabaho nang kanyang mama. Pero ngayong nagkita na ulit kami ay aalis na naman siya at dahil din sa trabaho nang kanyang mama.

"Kailangan lang kasi.-Sabi niya.

Hindi ako sumagot at niyakap ulit siya. Nakita kami ni JC kaya nilapitan niya kami.

"Jade.-Sabi niya.

Lumingon ako sa kanya. Nakita ko ang mukha niya alam kong nagagalit siya kaya kumalas na ako sa pagkakayakap ni Latrell.

"Nagpaalam lang siya. Lilipat na kasi siya nang school.-Sabi ko kay JC.

nagbago ang ekspresyon nang mukha niya. Hindi ko alam kong nalulungkot o natutuwa. Basta.

"Mauna na ako ha!-Sabi ni Latrell sa amin.

"Sige! Ingat ka ha.-Sabi ko.

"Ikaw din.-Sabi niya.

Pagkatapos nang nangyari ay umuwi na kaming lahat.

FIRST TIMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon