Nandito ako ngayon sa kwarto ko. Hindi ako makatulog kasi iniisip ko ang nangyari kanina sa school lalo na yong gwapo kong kaklase. Gosh ano kayang pangalan niya? Haysst!
( Flashback )
Gwapo,matipuno,maputi,matangkad,chinito at ang tangos ng ilong.
Nakita ko na ang prince charming ko. Kyaahhh!
pero ito ang paulit-ulit na pumapasok sa isip ko.
Gusto kitang maging Boyfriend.
Yuck! Loko loko talaga ang babaeng yon. Ginawa ba naman niya akong boyfriend niya. Ewwss! Haha!
3 A.M palang ngunit gising na ako. Ang layo pa kasi nang babyahein ko mula dito papuntang school namin.
Iwan ko kasi kay Mama, sinabi ko sa kanya na magdodorm ako para hindi na ako mahirapan. Pero ayaw niya naman. Ayaw niya kasing malayo sa Anak niyang maganda. Haha! Joke lang,kayo naman.
Pumunta na ako ng CR para maligo at mag toothbrush. Pagkatapos ay nagbihis na ako.
Bumaba na ako para mag almusal, pagkababa ko ay nakita ko si Mama,si Papa at si Manang sa kusina.
Good morning.-Bati ko sa kanila.
Good morning.-Bati nila sa akin
O gising kana pala? kumain kana at mahaba pa ang babyahein mo.-Sabi sa akin ni Mama
Opo Ma!-Sagot ko naman
Anak,ihatid na lang kita. Aalis kasi ako ngayon,kasi may problema daw sa company.-Sabi sa akin ni Papa.
O, Sige Pa.-Sabi ko kay Papa
Ma? Pwede po ba akong magdorm?-Sabi ko kay Mama na ikinabigla niya.
Anak diba pinag-usapan na natin to?-Sabi ni mama sa akin
Ma,Nahihirapan na po kasi ako. Ang layo layo po kasi nang school namin dito.-Sabi ko kay mama with matching malungkot na voice.
Anak kong magdodorm ka,Sino ang mag aalaga sa iyo kung magkasakit ka? Sino ang magluluto sa iyo don? Ehh! Kahit nga itlog hindi ka marunong magluto.-Sabi pa ni Mama sabay tawa
Ma naman eh! Malaki na ako,siguro naman makakaya ko nang alagaan ang sarili ko. Atsaka baka doon ko matutunang lutuin ang itlog.-Sabi ko kay Mama habang tumatawa.
O, Siya sige pag-iisipan ko yan. Taposin mo nayang pagkain mo at baka ikaw ay mala-late.-Sabi sa akin ni Mama na halata ang lungkot na nadarama.
Oh! Ano nak tara na.-Sabi sa akin ni Papa.
Tara na po.-Sagot ko naman kay Papa.
Bye Ma,Bye Manang.-Sabi ko sa kanila bago sumakay nang kotse.
Tahimik lang ang byahe namin ni Papa. May mga konti siyang katanguan kung okey lang ba ang unang araw ko sa school.
Pagkalipas nang 4 na oras ay nandito na ako sa school. Bumaba ako nang kotse at nagpaalam na kay Papa. Aalis daw siya nang bansa ngayon kasi may problema daw sa company nila.
Pagkatapos kung mag paalam kay Papa ay naglakad na ako papunta sa room namin nang may tumawag sa akin.
BINABASA MO ANG
FIRST TIME
Acak[ The Unusual Love Story Of Juan Carlos De Guzman and Jade Dela Fuente ] Sa buhay natin kailangan natin ng taong magmamahal sa atin at tatanggap sa atin ng buong-buo. Paano kung ang lahat ng yon ay pinaramdam sayo ng isang tao? Sinasabihan ka na mah...
