Nandito parin kami ni JC sa tree house.Taga saan ka nga pala?-Tanong ni JC sa akin.
Ahmmm!Taga bulacan.-Sagot ko sa kanya.
Ahh Bulacan,Ang layo pala.-Sabi niya sa akin sabay ngiti.
Oo nga eh!-Sagot ko sa kanya.
Buti kinaya mong magbyahe nang 4 na oras mula sa inyo papunta sa school natin?-Tanong niya sa akin.
Ahh! Oo nga ehh! Pero sa Sunday maghahanap na ako nang apartment dito.-Sabi ko sa kanya.
Talaga?-Tanong niya sa akin na nakangiti
Ano kayang nakain nang lalaking to at palaging nakangiti? Haha! Lalo tuloy siyang gumwapo.
Oo! Buti na lang at pinayagan ako ni Mama,nong una kasi hindi.-Sabi ko sa kanya.
Kung gusto mo share na lang tayo sa apartment ko tutal malaki naman yon.-Sabi niya sa akin na nakangiti parin.
Ha! Talaga? Okey lang ba sayo?-Tanong ko sa kanya.
Oo naman! Okey lang sa akin diba parehas naman tayong lalaki.?-Sabi niya sa akin at tumawa.
JC ikaw lang yong lalaki ako babae. Haha! Charoot lang. Ay Oo nga pala hindi pa niya alam na bakla ako. Sino ba ang mag aakala na bakla ako ehh ang gwapo ko atsaka astig din kung maglakad. Nagkakagusto nga sa akin yong mga kaklase kong babae. Ang may alam lang naman nang tunay kong kaanyuan ay ang chaka kong friend na si Candyse. Siya yong unang nakadiskobre nang aking sikreto. Ang totoo bakla ba dati ang babaeng iyon? Haha!
Napahinto na lang ako sa pag-iisip ko nang may tumapik sa akin.
Hoy! Okey ka lang?-Nag-aalalang tanong ni JC sa akin.
Ahh! Oo,okey lang ako.-Sabi ko sa kanya at ngumiti.
So,Ano payag ka?-Tanong niya sa akin sabay ngiti.
Ahh! Sige sige.-Sagot ko sa kanya at ngumiti.
Sige i-text mo lang ako pag-lilipat kana.-Sabi niya sa akin at ngumiti rin.
Pero wala akong number sayo.-Nahihiya kong sabi sa kanya.
Ayy! Oo nga pala! Akin na yong phone mo at i-save ko yong number ko.-Sabi niya sa akin na nakangiti.
Ibinigay ko yong phone ko sa kanya at Inilagay niya naman yong number niya.
O! Ayan na i-text mo lang ako pag lilipat ka na ha.-Sabi niya sa akin at ngumiti.
Ngumiti na lang ako sa kanya! Wala na kasi akong masabi.
O tayo na at baka ma-late tayo sa susunod na subject natin.-Sabi niya sa akin sabay tayo.
Sige tara na!-Sabi ko sa kanya at tumayo na rin.
Lumabas na kami nang tree house at saka naglakad papunta sa room namin. Tahimik lang kaming naglakad at narating din namin ang room. Sinalubong ako ni Candyse na bakas sa mukha ang pagtataka kung bakit kami magkasama ni JC.

BINABASA MO ANG
FIRST TIME
Random[ The Unusual Love Story Of Juan Carlos De Guzman and Jade Dela Fuente ] Sa buhay natin kailangan natin ng taong magmamahal sa atin at tatanggap sa atin ng buong-buo. Paano kung ang lahat ng yon ay pinaramdam sayo ng isang tao? Sinasabihan ka na mah...