Lumipas ang maraming taon ay nakapagtapos rin ako ng pag-aaral. Culinary ang kinuha ko kahit na ang gusto ko ay Biology. Nakakatawa nga eh ang taong hindi marunong magluto noon ay magiging chef na ngayon.
Sa dami ng nangyari sa buhay ko dito sa Canada ay akala ko makakalimutan ko na siya. Akala ko wala na akong nararamdaman para sa kanya. Pero hindi pala, sobrang hirap burahin ang isang tao sa buhay mo lalo na at naging parte na siya nito. Akala ko mapadali ko ang paglimot sa kanya kasi nga hindi ko na siya makikita. But I was wrong,sobrang hirap niyang kalimutan. Pinilit ko ang sarili ko pero mas lalo lang tuloy akong nasasaktan. Pinilit kong humanap ng mas pa sa kanya pero wala akong nakita, siguro nga nag-iisa lang siya. Pilit kong sumaya sa harap ng mga kaibigan ko dito sa Canada but behind my smile is there something bothering me. There is sadness and loneliness. I'm still longing for his love. Hindi ko alam kung bakit ko ito nararamdaman sa kabila ng sakit na dinanas ko sa kanya. Totoo siguro ang kasabihang first love never dies. Pero bakit hindi ko parin siya makalimutan? Bakit? Bakit?.
Nasasaktan ako at naiiyak na lang pag naaalala ko ang mga happy moments and memories naming dalawa. Minsan nga tinanong ko ang sarili ko na Bakit nasasaktan ako? Bakit umiiyak ako? Wala na ba talaga akong pag-asang sumaya? Wala na ba talaga akong pag-asang mahanap ang tunay na nagmamahal sa akin. Palagi lang ba akong iiyak dahil sa pesteng pag-ibig na ito?
Nandito ako ngayon sa loob ng eroplano. Uuwi ako sa Pilipinas. Uuwi ako sa lugar kung saan ako unang nagmahal at nasaktan. Uuwi ako sa lugar kung saan may maraming alaalang nabuo,sa lugar kung saan lumuha ako ng todo.
Nakatanggap kasi ako ng balita na magre-reunion daw ang batch namin,kaya naisipan kung sumama sa reunion nayon kasi namiss ko na ang mga taong nagmahal sa akin doon,namiss ko na ang mga kaibigan ko doon. Namiss ko na ang taong minahal ko pero sinaktan ako. I know it's awkward but Yes! I miss the person I loved before. Natanggap ko na kasi talaga na hindi kami para sa isat-isa and I know that,God has a reason kung bakit kami naghiwalay. Natanggap ko na wala na talaga kaming pag-asa na maibabalik pa sa dati ang lahat. Kahit masakit pa para sa akin pero may mga bagay talagang hindi na dapat ipilit ibalik kasi pag pinilit mo baka masaktan ka lang at luluha.
Ilang oras lang ay nakalapag na ang eroplanong sinasakyan ko. Nakalapag na sa bansa kung saan ako nagmula. Nakarating na ako sa Pilipins. Dali dali akong lumabas kasi excited na akong makita sila. Excited na akong makita ang mga kaibigan ko. Excited na akong makita ang taong una kung minahal. Hindi ko sinabi sa kanila na darating ako at makakasama sa reunion namin. Gusto ko silang surpresahin sa pagdating ko.
Pumunta na agad ako sa lugar kong saan idaraos ang ang reunion namin. Ilang oras lang ang binyahe ko sakay sa taxi ay narating ko ang venue,sa school lang namin. Mabuti at dito nila naisipang magreunion. Ito ang lugar na saksi sa lahat ng nangyari sa buhay ko dito,kung paano ako nagmahal at nasaktan. Ito ang lugar kung saan maraming alaalang nabuo,hindi man puro masaya pero okey lang atleast naranasan ko ang mga iyon.
Pumasok na ako sa loob. Kinakabahan ako. Sobrang lakas ng pintig ng puso ko. Naglakad ako papunta sa gymnesium. Ilang minuto lang ay narating ko na ito pumasok na ako at nagulat ako sa aking nakita,nandito lahat ng mga kabatchmate ko. Naglakad ako at nilibot ko ng aking paningin ang buong gym para mahanap ko ang mga kaibigan ko. Ilang minuto lang akong naghanap ay may nahagip ang mga mata ko. Nakita ko na ang mga kaibigan ko. Nasa isang table lang sila lahat. Kaya agad akong lumapit sa kanila. Nang malapit na talaga ako ay napahinto ako,nahihiya ako sa kanila hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon nila. Tatalikod na sana ako pero biglang may tumawag sa akin,akala ko nagkamali lang ako ng nadinig pero inulit uli ang pagtawag sa akin kaya napatingin ako sa direksyon kung saan iyon nanggaling, nakita ko si Candyse na nakatingin sa akin pati na ang iba ko pang kaibigan.
"Ja......Jade.-nauutal na sabi sa akin ni Candyse siguro ay nabigla lang siya,sila sa pagdating ko.
"Ako nga.- Sabi ko sa kanila. Naramdaman kong may namumuo ng mga luha sa mga mata ko na ilang sandali lang ay bubuhos na ang mga ito.
"Jade.....I miss you.-Umiiyak na sabi ni Candyse habang tumatakbo sa akin at agad akong niyakap. Sumunod naman sa kanya ang mga kaibigan ko.
"I missed you too mylvoves. I missed all of you guyss.- sabi ko sa kanila. Ang mga luhang kanina pa nagbabadyang bumuhos ay hindi ko na napigilan at tuluyan ng umagos. Nagyakapan lang kaming lahat. Pagkatapos ay dinala nila ako sa lamesa nila at doon naupo.
"Bakit hindi ka nagpasabi na darating ka myloves.-sabi ni Candyse sa akin habang pinupunusan ang mga luha sa pisngi niya.
"Gusto ko kasi kayong surpresahin.-sabi ko sa kanya na nakangiti.
"Ang hilig mo talaga sa mga surpresa no?-nakangiti niyang sabi sa akin.
"Haha! Lokaloka ka talaga.-sabi ko sa kanya na nakatawa.
"Kumusta ka na Jade? Ang tagal mo ring nawala. Miss ka na namin.-seryosong sabi ni michael sa akin.
"Okey naman ako. Miss ko na din kayo kaya ako umuwi dito para makita kayo.-nakangiti kong sabi sa kanila.
"Kumusta ba ang buhay mo doon? Nagkaroon kaba ng mga kaibigan doon sa Canada?-sabi ni Steve sa akin.
"Okey lang din. Oo nagkaroon ako pero iba parin kayo kasi nano-nosebleed ako sa kanila pag nag-usap-usap na kami. Iba parin talaga kayo.- nakangiti kong sabi sa kanila.
"Haha! Palabiro ka parin Jade. Hindi ka parin nagbago.-natatawang sabi ni Rhona kaya napatawa kaming lahat.
Sa ilang minuto ko silang nakasama ay doon ko napansin na kulang sila. Parang kulang sila. Wala siya dito. Wala dito ang taong mahal ko......noon. Wala dito si JC.
"Guyss,parang maykulang?-sabi ko sa kanila dahilan para mapatigil sila sa pagtawa.
"Ano naman yon?-sabay nilang sabi sa akin.
"Bakit wala siya? Nasaan siya?-sabi ko ulit sa kanila.
"Sino ba yang tinutukoy mo?-nagtatakang tanong ni Candyse sa akin.
"Nasaan si JC? Bakit parang wala siya dito?-sabi ko sa kanila.
Matagal bago sinagot ni Candyse ang tanong ko. Natahimik ang lahat.
"Ja.....Jade?-nauutal na sabi ni Candyse.
"Bakit?-sabi ko sa kanya.
"Nakamove-on ka na ba? Nakalimutan mo na ba siya? Baka kasi pag sinabi namin ang totoo,masasaktan ka lang.-sabi sa akin ni Candyse na halata sa boses ang pag-aalala.
"Hindi ko alam Candyse. Hindi ko alam kong nakalimutan ko na ba talaga siya. Bakit nasaan ba siya.-sabi ko kay Candyse.
"Nandito lang siya. Halika sasamahan kita.-sabi ni Candyse sa akin at tumayo. Tumayo na rin ako at sumunod sa kanya.
Ilang minuto lang kami naglakad ay narating namin ang grupo ng mga tao. Nilibot ko ang mga mata ko para hanapin si JC. Ilang sandali lang ay may nahagip ang mga mata ko. Nahinto ang mga mata ko sa taong mahal ko.....noon. Nakita ko na siya. Nakita ko siyang tumatawa. Nakatitig lang ako sa kanya at hindi ko namalayan na may tumulo na palang mga luha sa mga mata ko.
Nakita ko siyang nakatawa, nakangiti na may kasamang iba..

BINABASA MO ANG
FIRST TIME
Acak[ The Unusual Love Story Of Juan Carlos De Guzman and Jade Dela Fuente ] Sa buhay natin kailangan natin ng taong magmamahal sa atin at tatanggap sa atin ng buong-buo. Paano kung ang lahat ng yon ay pinaramdam sayo ng isang tao? Sinasabihan ka na mah...