CHAPTER 24 (The big Surprise)

5 0 0
                                        

*Jade*

Pagkatapos nang lahat nang nangyari sa amin nong nakaraang araw ay nandito na kami ulit sa school namin. Sinalubong agad ako nang mga kaibigan namin. At nagtatanong at nangangamusta sa akin.

"Okey kana ba?-Tanong ni Candyse.

"Okey na ako.-Sabi ko sa kanya.

Si JC ay hindi ko kasama ngayon kasi pinuntahan niya muna sila Michael,Steve at Alejandro may gagawin lang daw sila. Kaya si Candyse,Rhona,Jenny,at Mariel ang kasama ko ngayon. Sabay kaming naglakad papunta sa room namin bago naghiwalay hindi kasi kami magkakaklase kami lang ni Candyse. Pumasok na kami at umupo.

Tahimik lang ang lahat. bago pumasok yong teacher namin ay nauna na si JC. Medyo magkasunod lang sila. Lumapit si JC at umupo sa tabi ko.

"Saan ka galing?-Tanong ko sa kanya.

"May ginawa lang kami-Nakangiti niyang sabi sa akin.

"Okey!-Sabi ko sa kanya.

Pumasok na yong teacher namin. Sumimangot na naman ako kasi yong teacher namin sa Math ang pumasok.

"MATH na naman?-Tanong ko sa sarili ko at nakakunot ang noo.

Hindi ko napansin na nakatingin pala sa akin  si JC at tumawa nang nakakaloko.

"Ano? Bakit?-Sabi ko

"Wala! Ang cute mo pag naiinis ka.-Nakangiting sabi niya.

"Ahh ganon!-Hindi ko na lang siya pinansin at nakinig na lang sa TEACHER kahit di ko gusto.

"Ang bilis mo talaga magtampo no?- Sabi niya sa akin sabay akbay.

Tinanggal ko ang pagkaka-akbay niya at tumingin ulit sa board.

"Hoy! Sorry na! Pinapatawa lang naman kita.-Sabi niya habang niyayakap ako.

Hindi ko siya pinansin at tumingin ulit sa board. Pero hindi parin siya tumigil kaya narinig kami nang teacher namib.

"Mr.Dela Fuente! Bakit ang ingay mo?-sabi sa akin nang MATH teacher namin.

Natakot ako sa mukha nang teacher namin parang tigre kaya hindi ako makasagot nang maayos. Ngayon ko lang siyang nakita na nagalit kaya natakot talaga ako.

"Ahh ma'am sorry po, si JC po kasi.-Natatakot kong sagot sa kanya.

"If you're not willing to listen, the door is widely open and you can go out-Sabi niya sa akin.

"Sorry po talaga ma'am.-Sabi ko sa kanya.

Hindi na nagsalita ang teacher namin at bumalik na ulit sa kanyang ginagawa.

Lumipat ako nang upuan malapit sa harapan para hindi na ako kulitin pa ni JC. Nagulat naman siya sa pagtayo ko at hinawakan ang kamay ko pero iniwas ko yon at umalis.
Lumipas ang oras at nag.

Krrriiiinnnngggggg......

Niyaya nila ako para kumain sa canteen.

"Jade tara sa canteen libre ko.-Sabi ni JC sa akin pero hindi ako umimik.

"Jade tara na.-Pagpipilit niya.

Pero hindi parin ako sumagot. TUmayo ako at tumakbo nang mabilis. Hindi na nila ako nasundan. Pumunta muna ako sa tree house at doon lang nakaupo. Wala naman kasing klase sa susunod na mga subject kasi may meeting yong mga guro.

"Dalawang oras na akong nakaupo dito pero hindi man lang nila ako hinanap o sinundan. Pati na si JC akala ko mahal niya ako,pero bakit hindi niya ako hinanap.-Naiinis kong sabi sa sarili ko.

Ilang oras pa ay may nagtakip nang mga mata ko. Hindi ko alam kung sino at kung saan ako dadalhin nang taong to kaya nagpupumiglas ako.

"Sino ka ba? Ano tong ginagawa mo?- sabi ko.

Hindi siya sumagot pero tumatawa siya nang mahina, halatang pinipigilan. Ilang oras pa ay dahan dahang natanggal ang takip nang aking mga mata at pag mulat ko ay nabigla ako sa aking nakita. Nasa rooftop ako at may mga balloons at rose petals na nakapormang heart. Nasa loob ako nang mga petals na pormang heart.Maya maya pa ay may narinig akong tog-tog. Lumingon ako at nagulat na naman ako sa aking nakita. Lumabas si Candyse na nakangiti palapit sa akin na may dalang rose at ibinigay yon sa akin. Sunod naman ay si Rhona si Jenny at Mariel na may dala ring mga rosas at ibinigay yon sa akin.

"Ano ang mga to?- Tanong ko sa kanila pero hindi sila sumagot.

Maya-maya pa ay may lumabas ulit sina Michael,Steve at Alejandro na may dalang mga card board.

Hindi ko alam kung ano ang nakalagay don kaya nagtanong ulit ako sa kanila.

"Ano to?-Sabi ko sa kanila pero hindi sila sumagot at nginitian lang ako.

Hanggang sa may lumabas ulit na ikinigulat ko talaga nang husto. Si JC may dalang mga bulaklak at dahan dahang lumapit sa akin. Paglapit niya ay ibingay niya ang mga bulaklak sa akin.

"Ano to?-Sabi ko sa kanya.

Ngumiti muna siya at lumuhod bigla sa harapan ko. Binaliktad na nila Michael ang dala nilang cardboard binasa ko yon at nagulat talaga ako. Ang nakasulat ay - "WILL YOU BE MY BOYFRIEND". Naiiyak na ako sa mga nangyayari. Naisip ko tuloy yong panaginip ko noon. Nangangarap ako na mangyayari din yon. Heto na at nagkatotoo na at nasa harapan kona siya.

"Hoy! Ano sagot mo?-Sabi ni JC sa akin na nakangiti.

"Hah! Aahh! -Hindi ko natuloy ang sinabi ko. At nagsalita siya.

"Hoy! Nangangalay na ako dito.-Sabi niya sa akin

Sumigaw naman ang mga kaibigan namin.

"Sagutin mo na kasi.-Nakangiting sabi nila.

pinatayo ko si JC at niyakap. Hindi ako nagsalita umiiyak lang ako.

"Ano ba yan bakit ka umiiyak?-Sabi niya sa akin.

Hindi ako sumagot.kumalas muna ako sa pagkakayap sa kanya.

"Hoy! Anong sagot mo?-Sabi niya sa akin.

"Sagutin mo na yan Jade-Sabi ni Candyse na halatang kinikilig.

Lumingon ulit ako kay JC at nagsalita.

"YES!-Sabi ko

"YES! Talaga? Thank you Jade.-Sabi niya at niyakap ako.

Nagsisigaw lang siya nang marinig niya ang salitang YES.

"Oo nga! Ang kulit mo no?-Sabi ko sa kanya.

Nagatawanan naman ang kaibigan namin na halatang kinikilig rin.

"Ayeaahh! -Sabi nila sa amin

Nagyakapan lang kami at bigla niya akong hinalikan sa pisngi.

totoo ba talaga to o panaginip lang? Pero sana matanggap kami nang mga kaklase namin at hindi nila kami huhusgahan. Sana tama tong pinasok namin.

FIRST TIMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon