Nasa school ako ngayon kasi kukunin ko na ang mga forms ko. Dahil next week ay aalis na ako kami dito. Kahit presko pa sa akin ang nangyari sa amin ni JC at kahit na ayaw ko pa siyang makita pero kailangan eh, kailangan kong magpaalam sa kanila at kailangan kong sabihin sa kanila ang nais at gusto kong sabihin.
Nasa tapat na ako ng room namin. Pagpasok ko ay sinalubong ulit ako ni Candyse pero hindi sa kaniya nakatuon ang mga mata ko kundi sa taong minahal ko at sa taong nanakit sa akin ang mga mata ko nakatuon. Nakatingin lang siya sa akin na walang emosyon. Pinigilan ko ang mga luha na nagbabadyang dumaloy sa mukha ko kasi ayaw kong ipakita sa kanila/kaniya na nasasaktan ako,kahit na masakit naman talaga eh.
"Jade-sabi sa akin ni Candyse sa akin at niyakap ako kaya napayakap tuloy ako sa kanya. Alam kong seryoso siya kasi hindi myloves ang tunawag niya sa akin.
"O kayo pumunta kayo sa tree house,may sasabihin ako sa inyo.-sabi ko kay Candyse.
"Kaming lahat? I mean pati si JC?-sabi ni Candyse na tilanagtataka.
"Oo,pati siya-sabi ko at pilit na ngumiti.
Umalis na ako at pumunta sa office para kunin ang mga forms pero bago ako lumabas ay nahagip ng mga mata ko ang taong mahal ko at nanakit sa akin. Hindi ko na kayang banggitin ang pangalan kasi magmula ngayon ay magsisimula na akong limutin kung ano man ang ugnayan sa amin.
Nakatingin lang siya sa akin. Hindi ko alam kung malungkot ba siya o masaya. Siguro masaya siya kasi mawawala na ako sa piling niya.
Dali-dali kong iniwas ang pagkatitig sa kanya at naglakad papunta sa office.
Matapos ang ilang oras ay nagbell na at sigurado ako na nandon na sila sa tree house kaya agad na akong pumunta doon. Pagdating ko ay agad na rin akong pumasok. Pagkapasok ko ay nandon nga silang lahat. Si Michael,Alejandro,Steve,Candyse,Mariel,Rhona,Jenny at si J........ at ang taong nanakit sa akin. Umupo na ako. Kinakabahan ako,hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanila,hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon nila.
"Jade ano ba yong sasabihin mo-sabi ni Candyse.
"Ahhm, hindi na ako mag-aaral.-sabi ko sa kanila. Nagulat sila lalo na ang nanakit sa akin. Hindi niya ba alam na siya ang dahilan ng mga ito.
"What? Bakit?-gulat na sabi ni Candyse.
"Oo nga, bakit hindi kana mag-aaral.-Dagdag ni Michael.
"No! What I mean is hindi na ako mag-aaral dito, pupunta kami ni mama sa Canada and we will stay there for good kaya doon na ako mag-aaral.-sabi ko sa kanila na mas ikinagulat nila, lalo na ang taong nanakit sa akin.
"Iiwan mo na kami?-sabi ni Rhona.
"Sure ka ba na doon ka na mag-aaral-sabi ni Jenny.
"Yes' gusto ko kasing magsimulang muli at makalimut-seryoso kung sabi sa kanila. Tumahimik ang lahat siguro hindi pa nia matanggap na aalis na ako. Sa gitna ng aming katahimikan ay biglang nagsalita si JC,well ngayon ay sasabihin ko na muna ang pangalan niya kasi nagsalita siya.
"Kailangan mo bang umalis? Bakit dahil ba sa akin at aalis ka?-seryosong sabi niya. Sasagot na sana ako pero nagsalita siya ulit.
"Hindi mo na ba naaalala ang kinanta ko noon at ang meaning ng kantang yon? Bakit ka aalis? Kailangan pa bang umalis ka?-seryosong sabi ni JC na medyo naiiyak na.
"Oo JC, kailangan kong umalis dito kasi kapag hindi ako aalis ay para narin akong namamatay. Kasi pagnakikita kita ay bumabalik sa dati ang lahat. At yong meaning ng kanta ay wala akong paki ang gusto ko lang ay umalis na dito at makalimut.-sabi ko at pilit na pinigilan ang mga luhang nagbabadyang kumawala sa mga mata ko.
"Ano ba ang dapat kung gawin para lang hindi ka aalis?-seryosong sabi ni JC. Nagulat ako sa sinabi niya at inabot ng ilang segundo bago nagsync-in sa utak ko.
"Wala JC, wala kang dapat gawin. Wala karing dapat ipaliwanag pa,sabi mo nga sapat na itong nakikita ko. Ito ang nakikita ko ang iwan at layuan ka kaya wala kang dapat gawin.-sabi ko sa kanya at ang mga luhang kanina pa nagbabadyang kumawala ay tuluyan naring bumuhos. Lumapit si Candyse sa akin at niyakap ako.
"Jade,hayaan mo akong ipaliwanag sayo ang lahat.-sabi ni JC sa akin pero hindi ako nakinig.
"Kahit na hindi mo ako pakinggan, ay nais ko paring ipaliwanag sayo ang lahat.-pagpapatuloy niya.
"Lumayo ako sayo kasi,alam kong hindi lang ito ang sakit na mararamdaman mo kapag nagpatuloy pa tayo. Oo inaamin ko na duwag ako at hindi ko kayang ipaglaban ang pagmamahalan natin. Pero ang totoo Jade ay mahal parin kita. Hindi mo ba naaalala ang meaning ng kanta na kinanta ko noon. Hayaan mo akong ipaalala sayo. Diba ang meaning non ay lumayo siya sa kaniyang minamahal,pero hindi dahil lumayo siya o umiiwas siya ay hindi ibig sabihin ay hindi na niya ito mahal. Mahal niya parin ito kailangan lang talaga magsakripisyo. Parang ito rin yon Jade,kailangan kong isakripisyo ang pagmamahalan natin para hindi na lumalala ang mga mangyayari.-umiiyak na sabi ni JC sa akin. Naawa na ako sa kanya kasi ngayon ko lang siya nakita na nagkaganito. Pero imbes na makinig ako sa mga sinasabi niya ay pinaiiral ko ang aking pride.
"Sorry JC, huli na ang lahat sana noon pa sinabi mo yan, maiintindihan naman kita eh siguro pa nga hindi tayo umabot sa ganito. Binigyan kita noon ng pagkakataong magpaliwanag pero hindi ka nagpaliwanag. Kaya tama na siguro ang ganito. Ang aalis ako at kalimutan kita. Siguro kung sinabi mo yan kaagad ay hindi sana ako aalis dito kasi maiintindihan ko yon. Pero anong ginawa mo ipinagtabuyan mo ako at para ba akong isang estranghero sayo at hindi mo ako pinapansin. Buo na ang desisyon ko,aalis na ako dito at kakalimutan na kita.-naiiyak na sabi ko kay JC.
Tumakbo ako palabas at iniwan ko sila doon. Dali-dali akong sumakay ng taxi at nagpahatid sa amin.
Hindi ko matanggap ang rason niya, takot siya sa kung ano ang kahahantungan ng realasyon namin noon. Takot siyang ipaglaban ang pagmamahalan namin. Ay gago pala siya eh' kung talagang mahal niya ako ay ipaglalaban niya ako pero anong ginawa niya hindi niya ako ipinaglaban bagkos ay pinagtabuyan niya ako. Kaya siguro tama ang desisyon ko. Tama itong ginawa ko,ang iwanan at kalitamutan siya.

BINABASA MO ANG
FIRST TIME
Random[ The Unusual Love Story Of Juan Carlos De Guzman and Jade Dela Fuente ] Sa buhay natin kailangan natin ng taong magmamahal sa atin at tatanggap sa atin ng buong-buo. Paano kung ang lahat ng yon ay pinaramdam sayo ng isang tao? Sinasabihan ka na mah...