CHAPTER 14 (Intramurals)

6 0 0
                                    

Ito na ang araw na hinihintay nang lahat ang intramurals. Sino ba ang hindi excited sa araw na ito bukod sa mga activities ay gagawin lang naman nila sa loob nang isang linggo kaya for one week ay maglalaro lang sila. Maagang pumunta sina Jade at JC sa school nila dahil sa sobrang excited. Pagdating nila doon ay nakita nila ang mga kaibigan nila. Sina Candyse,Rhona,Jenny,Mariel,Steve Michael,at Alejandro. Nilapitan nila ito at binati.

"Hey bro!-Bati ni Micael kay JC.

"Hey! So ano ready na kayo?-Nakangiting sabi ni JC sa lahat.

"Yes! I'm so excited nga eh.-Nakangitng sabi ni Candyse.

"So goodluck sa atin guyzz. Sana manalo tayo.-Sabi ni Jade sa kanila sabay group hug.

"Let's go!-Sabi ni JC. At naglakad na sila papunta sa kani-kanilang sports na sinalihan pero bago pumunta si JC ay kinausap niya muna si Jade.

"Jade goodluck ha. Galingan mo!-Nakangiting sabi ni JC

"Salamat,ikaw rin galingan mo.-Sabi ni Jade na nakangiti.

"Oo naman para sayo. Basta manood ka sa laro namin ha.-Nakangiting sabi ni JC sabay yakap kay Jade bago tumakbo. Naiwan naman si Jade na tulala parin sa pangyayari. Nagsimula na ang mga activities. Sila Candyse at ang mga kaibigan sa gymnastic pumunta at nang matapos ay naging first sila. Si Jade naman sa Arnis ay naging first rin sa single at double stick category. Nagkita-kita sila at dali-daling pumunta sa court kasi sila JC na ang maglalaro. Pagdating nila doon ay sakto namang nagsimula ang laro kaya super cheer sila sa mga ito. Nakalamang sina JC sa score na 88-85 sa mga kalaban nito kaya nong last quarter na ay ginalingan talaga masyado nila JC ang laro. Minsan ay tumitingin si JC kay Jade sabay kindat bago i-shoot ang bola. Kaya naman ang mga kaibigan niya ay todo tili hindi dahil sa nai-shoot ni JC ang bola kundi sa kilig. Pero bago matapos ang quarter ay nakita ni JC na may kausap na lalaki si Jade kaya parang nawalan siya nang gana maglaro. Nagpa sub muna siya kay Steve..
"

Hey' if I'm not mistaken you are Jade Dela Fuente right?-Tanong nong lalaki kay Jade. Nilingon niya ito at nagulat siya sa nakita.

"O may gassh! La......Latrell ikaw ba yan?-Gulat na sabi ni Jade sabay yakap dito. Nagulat naman si Candyse at ang mga kaibigan niya sa nakita.

"Yes! Ako nga,long time no see, dito ka pala nag-aaral.-Nakangiting sabi ni Latrell.

"Ahh oo ngayong taon lang ako lumipat dito-Nakangiting sagot ni Jade.

"By the way,ipakikilala kita sa mga bago kung friends dito.-Sabi ni Jade.

"Latrell this is Candyse,Rhona,Jenny and Mariel my new friends. Guyzz this is Latrell Dela Sala kababata ko.-Pormal na pakilalani Jade sa kanila.

"Hi nice to meet yo guyz!-Nakangiting sabi ni Latrell.
Ngumiti lang sila dito at nagcheer sa mga kaibigan nila. Sila Jade at Latrell naman ay nagkwentuhan lang sila. Pero hindi alam ni Jade na nakatingin pala si JC sa kanila.

Naglaro na ulit si JC at nong last minute na ay muntik nang maagaw sa kanya ang bola kasi nakatingin siya kay Jade habang kausap si Latrell na nakaakbay dito. Buti na lang at kinuha ni Michael yong bola at ishi-not at pumasok ito kaya nanalo sila sa score na 109-107. Nagtaka naman si Michael kay JC kasi natulala ito habang tumitingin kina Jade at Latrell. Hinila ni Michael si JC at pumunta kina Jade at Candyse.

"Congrats guyzz!-Nakangiting sabi ni Candyse.

"Thank you!-Sabi ni Michael na umiinom nang tubig. Pero si JC ay tahimik parin . Bigla naman nag salita si Jade at hinawakan sa kamay si JC.

"Congrats.-Sabi ni Jade na nakangiti. Pero si JC ay tinanggal ang pagkakahawak ni Jade sa kamay nito at nagsalita.

"Bakit alam mong nanalo kami eh busy ka naman?-Galit na sabi ni JC kay Jade sabay alis. Nagulat naman si Jade sa nangyari kaya tinanong niya ang mga kaibigan niya.

"Anong nangyari don?-Sabi ni Jade sa mga kaibigan.

"Iwan,-Maikling sagot ni Michael. Kaya sinundan ni Jade si JC at hinanap pero hindi niya ito mahanap sa school nila. Ginabi na si Jade sa paghahanap niya kay JC naisipan na lang niyang umuwi. Pag-uwi niya ay nakita niya si JC na nakaupo sa sofa at nanonood nang TV. Nilagpasan niya lang ito tsaka umakyat sa kwarto. Nagulat naman si JC kasi hindi siya pinansin ni Jade. Hindi niya lang ito pinansin. Pero ilang oras pa ay hindi pa bumababa si Jade kaya naisipan niyang dalhan ito nang pagkain. Pagdating niya sa kwarto ni Jade ay bukas ito pero patay lahat nang ilaw. Pumasok siya sa loob at binuksan ang ilaw. Pagbukas niya nang ilaw ay nagulat siya sa nakita. Wala si Jade sa kwarto kaya binaba niya muna ang dala niya sa side table at hinanap si Jade. Pagbaba niya ay bigla namang pumasok si Jade. Derederetso lang si Jade sa paglakad at lalampasan niya sana si JC pero nahawakan siya nito.

"Saan ka galing?-Seryosong tanong ni JC. pero hindi parin umimik si Jade.

"So ganon? Ikaw pa yong galit,hindi ka nga nag cheer sa akin nong naglalaro kami kasi busy ka sa lalaking yon.-Galit na sabi ni JC kay Jade kaya nabigla si Jade sa narinig


Ano ba yang pinagsasabi mo?-Gulat na sabi ni Jade.

"Wag  mo nga akong gawing tanga JADE.-Sabi ni JC na halata sa boses ang galit.

Kaibigan ko yon JC.-Sabi ni jade.

Kaibigan? Kaibigan ba ang tawag don? -Galit na sabi ni JC

"So anong gusto mong palabasin? Na malandi ako? JC kaibigan ko yong tao. Matagal kaming hindi nagkita. Nag cheer naman ako sayo at nag congrats pa. Pero umalis ka at nagalit.-Naiiyak na sabi ni JADE.

Magsasalita na sana si JC pero naunahan siya ni Jade.


"Bakit kaba nagagalit? Ano ba kita?-Naiiyak paring sabi ni Jade saka tumakbo papuntang kwarto niya.

Si JC naman ay naiwang mag-isa at halatang nabigla sa sinabi ni Jade. Pumunta narin si JC sa kwarto niya upang matulog pero hindi siya makatulog kasi bumabalik sa isipan niya ang sinabi ni Jade sa kanya.

(Bakit kaba nagagalit? Ano ba kita?)
mga salitang pumapasok sa isip ni JC kaya hindi siya makatulog pero hindi niya napansin na tumutulo na pala ang kanyang luha.


Oo nga JADE! Ano ba talaga kita. Bakit ba ako nagkakaganito?-Sabi ni JC at tuluyan na siyang natulog.

FIRST TIMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon