Kinabukasan ay Nagulat si JC nang may humawak sa ulo niya. Si Jade ito.gising na siya. Agad niya naman itong tinanong.
"Ano? May masakit ba sayo? Nagugutom kaba? Okey kana ba?-Sunod sunod na tanong ni JC kay Jade pero ngumiti lang ito sa kanya.
"Thank you ha!-Sabi ni Jade kay JC na nakangiti.
"Para saan?-Sabi ni JC na nagtataka
"sa pag-aalaga mo sa akin.-Sabi ni Jade na nakangiti parin.
"It's my responsibility to take good care of you kasi nga mahal kita.-Sabi ni JC kay Jade na naiiyak na. Na-touch naman si Jade sa sinabi ni JC kaya naiyak narin ito.
"Halika nga dito.-Sabi ni Jade kay JC at lumapit naman ito at niyakap ni Jade. Ngumiti naman si JC sa ginawa ni Jade.
"Next time makikinig kana sa akin ha para hindi na ito ma ulit pa.-Seryosong sabi ni JC kay Jade.
Tumango tango lang si Jade kay JC."Kumain ka muna. Nagpadeliver ako nang breakfast.-Sabi ni JC kay Jade sabay abot nang pag-kain. Nahirapan naman si Jade sa pagkain kaya sinubuan na lang siya ni JC. Pagkatapos nilang kumain ay natulog na ulit si Jade si JC naman ay nakaupo lang sa tabi ni Jade. Ipina-alam na ni JC sa mga kaibigan niya na gising na ito. At pupunta raw ang mga ito mamaya.
Biglang pumasok ang doctor at che-neck si Jade."Pwede na siyang makalabas ngayon. Kailangan lang niya talaga nang pahinga.-Sabi nang doctor kay JC.
"Sige po doc,Salamat po ulit-Sabi ni JC sa doctor at lumabas na ito. Minabuti na muna ni JC na matulog muna si Jade bago lumabas sa kwartong iyon. Maya maya pa ay dumating ang mga kaibigan nila.
"Saan siya?-Sabi ni Candyse kay JC.
"nakatulog siya pagkatapos kumain,Pero hintayin niyo na lang kasi makakalabas narin naman siya dito.-Nakangiting sabi ni JC sa kanila
"Talaga?Sige sige!-Sabi nila habang nakaupo sa sofa.
Ilang minuto pa ang lumipas ay nagising na si Jade at nagulat siya sa nakita dahil nandon lahat nang mga kaibigan niya. agad siyang Niyakap siya ni Candyse pati narin ang iba pa."Are you okey?-Sabi ni Candyse.
"Yes I'm fine,thanks for your concerned guyzz.-Nakangiting sabi ni Jade.
"Jade makakalabas kana but you need to rest muna kaya hindi kapa pwede pumasok bukas.-Seryosong sabi ni JC kay Jade. Hindi nalang sumagot si Jade.
"We told our teacher sa nangyari sa iyo Jade,don't worry they understand you and also JC sinabi namin na hindi karin makakapasok kasi babantayan mo si Jade.-Nakangiting sabi ni Candyse kay Jade at JC.
Hindi na lang sila sumagot at nagligpit na para makalabas na si Jade. Isang oras ang lumipas bago sila naka-alis nang hospital. Inihatid nilang lahat si Jade sa bahay ni JC. Pagdating nila doon ay nagpaalam na ang mga kaibigan nila para umuwi. Nagpasalamat naman sila Jade at JC sa mga kaibigan nila. Inihatid na muna ni JC si Jade sa kwarto nito para makapagpahinga at makapagluto narin nang dinner si JC kasi pasado alas 8 narin. Natulog lang si Jade sa kwarto nito at si JC ay nagluto na. Pagkatapos mag luto ni JC ay pinuntahan niya ulit si Jade sa kwarto nito pero tulog parin si Jade. Bababa na sana siya nang magsalita si Jade.
"J........JC?-Sabi ni Jade. Hindi sumagot si JC at lumapit lang dito.
"Ano nagugutom kaba? nagluto ako,wait lang dadalhin ko dito.-Nakangiting sabi ni JC sabay tayo pero hinawakan ni Jade ang kamay ni JC.
"No! Doon na lang tayo kakain.-Sabi ni Jade sabay tayo,inalayan naman siya ni JC hanggang sa marating nila ang kitchen. Kumain lang sila doon. Pagkatapos nilang kumain ay nagyaya si Jade na manood nang tv hindi sana papayag si JC para makapag pahinga siya pero nagpupumilit si Jade kaya pumayag na lang siya. Nanonood na sila nang tv. Si Jade ay Nakahiga sa hita ni JC. Hanggang sa nakita ni JC na nakatulog na si Jade sa kanyang hita kaya dahan dahan niya itong binuhat papunta sa kwarto. Pagdating sa kwarto inilapag na niya ito atsaka kinumutan at bumaba ulit para patayin ang tv at matulog.
BINABASA MO ANG
FIRST TIME
Ngẫu nhiên[ The Unusual Love Story Of Juan Carlos De Guzman and Jade Dela Fuente ] Sa buhay natin kailangan natin ng taong magmamahal sa atin at tatanggap sa atin ng buong-buo. Paano kung ang lahat ng yon ay pinaramdam sayo ng isang tao? Sinasabihan ka na mah...