Maaga akong nagising. Nag pa alarm kasi ako kaya maaga akong nagising. Imbis na maligo ako agad ay bumangon ako at dali dali pumunta sa kwarto ni JC nagbabakasali parin kasi ako na baka umuwi na siya.
Pagdating ko doon ay ganon parin wala paring JC na nagpakita ni kahit bakas man lang ay wala. Bumalik ako sa aking kwarto na laglag ang balik. Pagdating ko ay agad na akong pumunta sa banyo at naligo. Pagkatapos ay nagbihis. Agad na akong pumunta sa school namin. Hindi na rin ako kumain kasi wala akong gana kasi wala si JC. Naglakad ako papunta sa school namin. Para akong lumulutang. Para akong walang natatapakang lupa. Hindi ko alam ang nararamdaman ko. Parang may hindi magandang mangyayari. Pagdating ko sa school ay diretso na ako sa room namin. Pagdating ko doon ay si Candyse lang ang aking nakita at wala si JC. Kaya lumapit ako kay Candyse at umupo. Ramdam ni Candyse ang aking kalungkutan kaya niyakap niya ako. Unti unti na naman nagsibagsakan ang aking mga luha. Tila ba nag uunahan sila."Anong ginawa ko bakit hindi siya umuwi.-Naiiyak kong sabi kay Candyse habang nakayakap sa kanya.
"Sssshhh tama na yan. Uuwi din siya baka may pinuntahan lang.-Sabi ni Candyse sa akin.
Alam kong pinapatatag niya lang ako.
"Pero bakit? Bakit?-Sabi ko kay Candyse na umiiyak parin.
Hindi sumagot si Candyse bagkos ay mas hinigpitan pa niya yong pagkayakap sa akin.
Maya maya pa ay dumating yong teacher namin. Nag start na siyang magdiscuss nang biglang dumating si JC. Napangiti ako bigla kasi sa wakas ay nakita ko na siya. Gusto ko na siyang lapitan at yakapin. Gusto ko nang sabihin na miss ko na siya. Akala ko uupo siya sa tabi ko pero hindi. umupo siya sa tabi ni Almyrn.
Hindi ko na lang yon pinansin kasi alam ko na okey na siya at nakita ko na siya ulit. hihintayin ko na lang ang break time para makausap siya.
Matapos ang ilang oras ay.Kriiiinnnnggggg........
Break time na nakita kong nagmamadaling lumabas si JC kaya dali dali ko siyang sinundan. Sumunod naman si Candyse sa akin. Hinabol ko si JC pero hindi ko siya mahabol sobrang bilis niyang tumakbo.
Kaya wala na akong magawa kundi tawagin siya."JC.....Sandali.-Tawag ko sa kanya at nagsimula nang mumuo ang mga luha sa aking mga mata.
Pero diretso lang siya sa pagtakbo at hindi ako nilingon.
Hanggang sa nakarating kami sa tree house at doon lang siya tuluyang huminto. Ako naman ay hingal na hingal na lumalapit sa kanya. Nang makalapit na ako ay agad ko siyang tinanong."JC bakit? Bakit mo ako pinag-aalala nang ganito.-Sabi ko kay JC at pinipigilang bumagsak ang aking mga luha.
Hindi siya sumagot sa akin kaya nagsalita ulit ako.
"JC bakit? Magsalita ka naman oh. Bakit ngayon ka lang nagpakita ulit. Bakit bigla kang umalis nang hindi nagpapaalam sa akin. Pinag-aalala mo ako nang lubos.-Naiiyak ko nang sabi sa kanya.
Lumipas muna ang ilang minuto bago siya nagsalita. Lumingon siya sa akin. Hindi ko alam kong ano ang iniisip niya. Hindi ko kasi nababasa ang mukha niya. Blanko ito. Walang emosyon.
"Anong paki mo kung hindi ako uuwi? Malaki na ako. I know what is right and wrong.-Sabi niya sa akin na ganon parin ang mukha.
Nabigla ako sa aking narinig. Kaya napaiyak tuloy ako.
"Bakit ka ganyan magsalita. Syempre may pakialam ako sayo kasi mahal kita.-Sabi ko kay JC na humahagolhol na sa iyak.
"Ano ba yang pinagsasabi mo. Tigilan mo na nga yan.-Sabi niya.
"JC. Ano ba yang pinagsasabi mo? Bakit ka nagkakaganyan.-Umiiyak paring sabi ko sa kanya.Pero hindi niya ako sinagot. Kaya nagsalita ako ulit.
"Bakit JC, nakahanap kaba nang iba doon kaya ayaw mo na sa akin?. Kaya hindi kana umuuwi ganon.-Naiiyak kong sabi sa kanya.
Pero hindi parin siya sumagot sa akin.
"Eh loko-loko ka pala eh! Bakit hindi ka makapagsalita. Sabihin mo na sa akin ang totoo JC. Sabihin mo na sa akin kung hindi mo na ako mahal para naman hindi ako mag mukhang tanga.-Sabi ko kay JC at pinahiran ang aking mga luha.
Hindi na naman siya sumagot sa akin. bagkos ay Tumakbo siya palayo sa akin. Kaya naiwan na naman akong mag-isa at tulala habang umiiyak. Biglang may lumapit sa akin,doon ko napagtanto na nakasunod pala si Candyse sa akin.
"Bakit Candyse? Bakit hindi siya makapagsalita. Bakit?-Naiiyak kong Sabi kay Candyse.
"Sshh tama na yan. Kung hindi man siya nagsalita. Baka may dahilan siya. Kaya niya ginawa yon.-Sani ni Candyse sa akin na tinatapik ang likod ko.
"Bakit? Ano namang dahilan yon? Importante ba yon kaya niya ako ginaganito.-Sabi ko kay Candyse.
Hindi niya ako sinagot. Baka hindi rin niya alam ang isasagot niya tulad ko.
Yumakap lang siya sa akin at bumalik uli sa classroom namin. Pagdating namin doon ay nakaupo lang ako sa aking upuan. Tulala. Malalim ang inisip. Wala rin si JC dito. Pumasok yong teacher namin. Pero ako ganon parin. Tulala. Hindi ko kasi alam kong ano ang mga nangyayari. Naguguluhan na ako.Dito na lang muna guyss!
BINABASA MO ANG
FIRST TIME
Random[ The Unusual Love Story Of Juan Carlos De Guzman and Jade Dela Fuente ] Sa buhay natin kailangan natin ng taong magmamahal sa atin at tatanggap sa atin ng buong-buo. Paano kung ang lahat ng yon ay pinaramdam sayo ng isang tao? Sinasabihan ka na mah...