CHAPTER 11

6 0 0
                                    

"KINABUKASAN"

Maagang nagising si Jade,pumunta muna siya sa banyo at naghilamos at nagtoothbrush. Pagkatapos niya ay bumaba na siya.Pagkababa niya ay nakita niya si JC na natutulog parin sa sofa. Nilapitan niya muna ito at tinitigan sa mukha.
"Ang gwapo mo talaga JC-Bulong niya sa kanyang sarili bago pumunta sa kusina.
Nagluto muna siya nang agahan para pag gising ni JC ay kakain na lang siya. Pagkapos niyang magluto ay sakto namang nagising si JC. Nilapitan niya agad ito at tinanong.

Okey ka lang ba? Nagugutom ka ba? Masakit ba ang ulo mo?-Sunod-sunod na tanong ni Jade kay JC.

Okey lang ako,medyo masakit lang ang ulo ko.-Sagot ni JC na pinilit na ngumiti

Halika muna sa kusina may niluto ako doon.-Sabi ni JADE kay JC.

Talaga? Sige medyo gutom na rin ako.-Nakangiting sagot ni JC kay Jade atsaka naglakad papuntang kusina.

Ikaw ba nagluto nito?-Nakangiting tanong ni JC.

Ahh..... Oo!naisip ko lang ipagluto ka kasi alam kong gutom ka paggising mo.-Natatawang sabi ni Jade kay JC.

Haha! Ganon ba? Nakakahiya naman sayo Jade bisita kita pero ikaw pa ang nagluto para sa akin.-Nakangiting sabi ni JC kay Jade

Naku! wala yon JC. Kumain ka na lang jan.-Nakangiting sabi ni Jade.

Hindi na lang sumagot si JC at nagsimulang kumain. Habang kumakain sila ay nagtanong si Jade kay JC.

Saan ka galing kagabi?-Tanong ni Jade kay JC

Ahh! Nag-inoman lang kami nang mga kaibigan ko,hindi kasi ako makatulog ehh!-Nakangiting sagot ni JC kay Jade.

Ahh! Ganon ba.-Sabi ni Jade na nakangiti rin.

Habang kumakain sila ay naiisip ni JC ang nangyari kagabi.

"Bro parang gusto ko na siya,gusto ko siyang makita araw-araw. Ayaw ko siyang mawala sa tabi ko." yan ang mga salitang paulit-ulit na pumapasok sa isipan ni JC.

Hoy' JC? Anong nangyari sayo?-Tanong ni Jade.

Haa....Wala may naisip lang ako.-Nakangiting sagot ni JC.

Ahh! May gagawin kaba mamaya?-Nakangiting tanong ni Jade.

Wala naman,Bakit-Sagot ni JC.

Gusto ko sanang mag-simba at mamasyal tutal Sunday naman ngayon-Sabi ni JADE kay JC.

Sige sasamahan kita mamaya. Matagal na rin kasi akong hindi nakapasyal eh!-Nakangiting sagot ni JC kay Jade.

Nagsimba muna sila bago pumunta sa isang pasyalan malapit lang sa kanila. Sumakay sila sa lahat nang mga rides doon.Sobrang saya talaga ni Jade nang mga oras na yon kasi nakasama niya ang crush niya sa pagsimba at pamamasyal.Hindi alam ni Jade na pareho sila nang nararamdaman ni JC nang mga oras na iyon. pero hindi ipinahalata iyon ni JC.
Pagkaptapos nilang mamasyal ay nagyayang kumain si JC.

Jade kumain muna tayo kasi nagugutom na ako.-Sabi ni JC at hinimas ang tiyan.

Ganon ba? Sige tara.-Sagot ni Jade habang tumatawa.

Pumunta sila sa isa sa mga restaurant doon at kumain.

Mag-order ka lang,ako ang bahala.-Nakangiting sabi ni JC

Naku wag na,nakakahiya naman sa iyo JC, may pera pa naman ako dito.-Nahihiyang sagot ni Jade

Sige na pagbigyan mo na ako,minsan lang naman ito.-Nakangiting sabi ni JC

Sige na nga!-Nakangiting sagot ni Jade.
JC kung hindi lang dahil sa ngiti mo tiyak hindi ako papayag. Alam mo namang ngiti mo lang ang kahinaan ko. Haha! Charoot lang ako lang pala ang may alam.
Pagkatapos naming kumain ay nagyaya si JC na umuwi kasi gabi na atsaka may pasok pa bukas.

Tara na Jade,gabi na kasi atsaka may pasok pa bukas.-Sabi ni JC

Sige tara na,medyo pagod na rin kasi ako.-Nakangiting sagot ni Jade.

Pagkatapos nila ay pumara sila nang taxi at umuwi papunta sa bahay ni JC..............

FIRST TIMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon