CHAPTER 6

6 0 0
                                    

Iniisip ko parin ang reaction ni Candyse nong sinabi ko sa kanya na nakilala ko na yong Prince Charming ko. Haha! Charroot lang.
Ang panget nang reaction niya promise,Haha! Joke lang,ang ganda niya kaya,pero mas maganda parin ako sa kanya. Haha! Pagbigyan niyo na lang ako goyyss..

____________________________________

Nasa kwarto na ako ngayon at gumagawa nang assignment pero hindi ako maka-concentrate kasi iniisip ko parin siya. Iniisip ko parin ang Prince Charming ko.

Hayy! Ano ba itong nararamdaman ko? Bakit lumalakas ang pintig nang puso ko sa tuwing nakikita ko siya? Hindi kaya? Ahh gassh ano ba to.-Sabi ko sa aking sarili.

Humiga na lang ako at hindi ko na lang tinapos ang assignment ko.
Habang nakahiga ako ay naiisip ko parin siya. Hindi parin kasi ako makapaniwala na nakilala ko na siya. Nakilala ko na ang aking Prince Charming.
Hindi ko na lang namalayan na nakatulog pala ako.

"Kinabukasan"

Maaga akong nagising kasi excited na ako. Ito na kasi ang huling araw na maging boyfriend ako ni Candyse. Haha! Ang saya pala kasama nang mokong na yon. Kahit na minsan ay masama ako sa kanya,pero siya ay andyan parin at nangungulit sa akin.

Agad na akong naligo,nagtoothbrush at nagbihis atsaka bumaba. Pagbaba ko ay nakita ko si Mama sa sala na may ginagawa.

Good Morning po Ma.-Sabi ko kay Mama sabay ngisi.

O! Anak gising ka na pala.-Sabi sa akin ni Mama na nakangiti rin.

Ma ano po yang ginagawa mo?-Tanong ko kay Mama na nakangiti parin.

Ahh! Wala ito anak. Mga papeles lang ito na ipinadala sa akin nang Papa mo.-Sagot niya sa akin na nakangiti parin.

Ahh! Kumusta naman po si Papa doon?-Tanong ko kay Mama.

Okey lang naman siya doon anak.-Sabi niya sa akin at hinila ako papuntang kusina.

Nasa kusina na kami at kumakain. Biglang nagtanong si Mama.

Anak kailan mo balak mag-aapartment?-Tanong sa akin ni Mama na halatang nalulungkot.

Sa Sunday na lang po siguro.-Sagot ko kay Mama at bahagyang ngumiti.

Pagkatapos naming kumain ay inihatid ako ni Mama sa sakayan nang taxi.

Bye Ma.-Sabi ko kay Mama at nagkiss sa pisngi niya.

O,siya sige anak basta mag-iingat ka ha.-Bilin ni Mama sa akin bago umalis.

Nasa loob na ako nang taxi at nakikinig nang music. Sa tagal ba naman kasi nang byahe kaya naiisipan ko na lang makinig nang music.
Pagkalipas nang 4 na oras ay nakarating na ako sa school namin. Pagpasok ko pa lang sa gate ay sinalubong na naman ako ni Candyse.

Good morning myloves.-Bati sa akin ni Candyse.

Hindi ko ito aawayin ngayon kasi huli na itong pagtawag niya sa akin nang myloves. Hahaha! Napatawa na lang ako sa aking naiisip.

Good Morning myloves.-Bati ko rin sa kanya na nakangiti.

Anong nakain mo at ang sayang-saya mo?.-Tanong niya sa akin na tumatawa.

FIRST TIMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon