Ito na ang araw na pupunta kami ni mama sa Canada. Nasa airport na kami ngayon. Hindi ko alam kung ano ba itong nararamdam ko. Hindi ako mapakali,hindi ko alam kung bakit? Kinakabahan ako,siguro dahil aalis na ako dito sa Pilipinas at hindi ko alam kung kailan ako babalik,pero iba eh! Hindi ko talaga maintindihan ang nararamdaman ko.
Pumasok na kami sa loob ng airport at naghintay na lang kung kailan kami sasakay sa eroplano. Habang nakaupo ako ay biglang pumasok sa isipan ko ang mukha ni JC. Naaalala ko na naman ang mga nangyari sa amin. Pilit ko iyong inalis sa isipan ko.
"Hindi JC,kailangan na talaga kitang kalimutan. Kailangan ko ng putulin kung ano man ang namagitan sa atin. Kailangan kung magsimula muli at kalimutan ang mga masasamang karanasan ko. Kailangan kung lumayo kasi ayaw muna kitang makita. Maybe it's hurt,but this is the easiest way para madali kitang malimot. Ang kalimutan ka at layuan ka ang tanging paraan para mapadali ang pagmove-on ko.-Sabi ko sa aking sarili at nagsimulang nagsipatakan ang aking mga luha. Nakita ako ni mama kaya agad niya akong niyakap.
"Okey ka lang ba anak?-sabi sa akin ni mama na nakayakap sa akin.
"Yes ma,I'm fine.-sabi ko kay mama at kumalas sa pagkakayakap sa kanya. Pinunasan ko ang mga luhang dumaloy sa mata.
"alam kong masakit anak. Alam kong masakit ang iwanan ng taong minahal mo ng lubusan. Kahit masakit,kailangan mong tanggapin. Alam kong hindi madali para sa iyo ang kalimutan ang taong una mong minahal,pero sana anak wag mong pahirapan ang sarili mo na hindi agad makalimot para hindi na maulit ang sakit na nararamdaman mo ngayon.-seryosong sabi ni mama sa akin.
"Pipilitin ko po ang sarili ko na kalimutan siya ma. Siguro ng madali ko pa siyang makalimutan kapag nandon na tayo sa Canada kasi hindi ko na siya makikita. Lahat ng koneksyon namin sa isat-isa ma ay puputulin ko na. At magmula ngayon ay pinapangako ko na hindi na ako iiyak. Hinding hindi na ako iiyak sa taong nanakit sa akin,sa taong akala ko ay mahal at tanggap ako kung sino at ano ako. Pangako po yan ma.-sabi ko kay mama at pilit na ngumiti.
"That's good anak. Tama yan,hindi mo dapat iyakan ang taong yon,sayang lang ang luha mo. Sa gandang mong yan iniwan ka niya,naku magsisisi siya sa ginawa niyang pag-iwan sayo.-natatawang sabi ni mama sa akin kaya natawa na lang tuloy ako.
"Mama talaga,-sabi ko kay mama.
"Pinapatawa lang kasi kita anak,ayaw kasi kitang makitang nasasaktan.-seryosong sabi ni mama sa akin.
"Thank you ma,-sabi ko kay mama at bigla ko siyang niyakap.
"For what?-nagtatakang sabi ni mama.
"dahil nandito ka lagi sa tabi ko. Kahit na sinuway ko kayo.-sabi ko kay mama.
"Syempre anak kaya kita and it's my responsibilty to take good care of you. Kahit anong mangyari ay mamahalin parin kita,kami ng papa mo.-sabi sa akin ni mama at yumakap narin sa akin.
Ilang oras pa,tinawag na yong flight namin kaya agad na kaming nagtungo kung saan ang eroplanong sasakyan namin ay naroroon. Habang naglalakad kami ay napaisip na naman ako ng malalim.
"Aalis na ako dito,aalis na ako sa lugar kung saan may maraming nangyari sa akin,kahit na may hindi magandang nangyari pero mas nangingibabaw ang mga masasayang pangyayari. Mami-miss ko yon. Mamimiss ko ang mga kaibigan ko. Mamimiss ko ang lahat ng taong naging parte ng buhay ko. Mamimiss ko ang lahat lahat.
Nakasakay na kami ni mama sa eroplano. At ilang minuto na lang at lilipad na ito papuntang Canada. Ang lugar kung saan ako magsisimulang muli. Ang lugar na tutulong sa akin na lumimot sa mga masasamang nangyari sa buhay ko.
Lumipas ang ilang minuto ay tuluyan ng lumipad paalis ang eroplanong sinakyan namin kasabay non ang pagbagsak ng aking mga luha. Hindi ko alam kung bakit sila nagsibagsakan. Pilit ko yong pinigilan pero hindi ko mapigil kaya hinayaan ko na lang yong tumulo lahat. Kasi ito na ang huli beses na iiyak ako. Hindi dahil kay JC kundi dahil sa mga alaalang alam kong hindi na maibabalik pa. Masakit man pero dapat masanay na ako kasi alam ko bukas paggising ko ako na lang mag-isa ang humarap sa panibagong buhay na ibibigay sa akin ng diyos. Kahit na mahirap para sa akin ito pero dapat ay magpakatatag ako para hindi na ako iiyak pa. Para hindi na ako maloloko at masasaktan.
BINABASA MO ANG
FIRST TIME
Acak[ The Unusual Love Story Of Juan Carlos De Guzman and Jade Dela Fuente ] Sa buhay natin kailangan natin ng taong magmamahal sa atin at tatanggap sa atin ng buong-buo. Paano kung ang lahat ng yon ay pinaramdam sayo ng isang tao? Sinasabihan ka na mah...