Pagkatapos nang school namin ay umuwi akong namumugto ang mga mata. Wala akong nakikitang kahit ano sa paligid. Para akong bulag na naglalakad diretso lang. Iniisip ko kasi ang nangyari kanina. Ang mga sinasabi ni JC sa akin. Kahit siguro mabangga ako nang kotse ay okey lang sa akin. Hindi ako nagmadaling umuwi. Ano naman ang gagawin ko doon eh alam kong pagdating ko doon ay wala si JC. Ilang oras din akong naglakad pauwi bago ko narating ang bahay ni JC. Mga pasado alas syete na rin. Pagpasok ko sa loob ay bukas ang ilaw. Kaya agad akong pumasok at nagbabakasakali na si JC iyon. Pagpasok ko ay hindi nga ako nagkamali Si JC nakaupo sa sofa. Titig na titig siya sa akin pero blanko parin ang mukha niya. Hindi ko mabasa kung ano ang nasa isip niya.
Agad akong lumapit sa kanya at yumakap nang mahigpit pero mabilis din niyang tinanggal ang pagkakayap ko."JC bakit kasi? Ipaliwanag mo sa akin ang lahat nang mga nangyayari ngayon. Hindi ko maintindihan.-Naiiyak kong sabi sa kanya.
"Wala akong dapat ipaliwanag sayo. Sapat na itong nakikita mo.-Sabi niya sa akin pero wala paring emosyon.
Namumuo na naman ang aking mga luha at ilang sandali lang ay babagsak na ang mga ito.
"Ano ba yang pinagsasabi mo. Hindi ko maintindihan.-Sabi ko sa kanya at tuluyan nang umiyak.
Pero heto na naman siya hindi na naman sumasagot.
"JC naman please tell me everything.-Sabi ko ulit na umiiyak parin.
"Wala akong dapat sabihin sayo o ipaliwanag man lang sayo.-Galit niyang sabi sa akin.
Huminga muna ako nang malalim bago ako nagsalita ulit.
"Okey fine! Kung ayaw mo talaga akong kausapin at ipaliwanag ang lahat mas mabuti pang maghiwalay na lang tayo. Kaysa naman magmukha akong tanga dito.-Naiiyak kung sabi sa kanya.
Kahit na ayaw kong umabot sa ganito ang lahat kasi gusto ko muna ipaliwanag niya ang lahat. Binigyan ko na siya nang pagkakataong magpaliwanag pero ano? Nagmukha lang akong tanga kasi hindi siya nagsasalita.
" Kung yan ang gusto mo hahayaan kita. Bahala ka sa buhay mo.Total malaki kana. I will set you free at wag kang magpapakita sa akin kahit kailan-Sabi ni JC sa akin na lalong nagpaiyak sa akin nang todo.
Akala ko kasi ayaw niyang mawala ako kaya naisip ko ang salitang yon. Pero mali! Mali ang sinabi ko. Dapat hindi ko na lang yon sinabi. Pero nandito na. Sinabi niya na rin na gusto niya nang maghiwalay kami.
"Gusto mo rin na maghiwalay tayo? O sige pagbibigyan kita. Ito naman ang gusto mo diba kasi ipinagpalit mo na ako. Ipinagpalit mo na ako sa babae.Alam mo tama nga si Mama na iiwan mo rin ako tas ipagpalit sa babae. Pero sumugal parin ako JC kahit na alam kong matatalo lang ako. Sumugal ako kasi mahal kita. Ang hirap na kasing ipaglaban ang relasyon nato kasi ako lang pala ang lumalaban. Pero okey lang Pagod na rin kasi ako JC. Pagod na pagod na ako. Sana hindi na lang kita nakilala.-Sabi ko kay JC na umiiyak parin.
Si JC naman ay walang ka emo-emosyon na nakatingin sa akin.
"Alam mo JC! Akala ko iba ka. Akala ko tanggap mo na ako. Akala ko totoo ang pinagsasabi mo na mahal mo ako at hindi ipagpalit kahit sa babae. Pero hindi! Pinag mukha mo lang akong tanga. Hinayaan ko ang sarili ko maniwala sa mga kasinungalingan mo. First time kong magmahal nang ganito JC. First time ko ring nasaktan nang ganito at dahil yon sayo. Sana nong una palang ay sumunod na ako sa sinabi ni Mama na magtira nang pagmamahal sa sarili ko. Pero hindi ako sumunod sa kanya mas pinili kitang mahalin nang buo at ibigay lahat nang pagmamahal ko sayo. Kaya ngayon pinagsisihan ko na hindi ko sinunod si mama. Pinagsisihan kong minahal kita JC.-Sabi ko sa kanya sabay takbo sa aking kwarto.
Habang nasa kwarto ako ay nag-impake ako nang mga gamit ko. Aalis na ako sa bahay na ito. Aalis na ako dito kung saan ako unang nagmahal nang totoo pero sinuklian nang panloloko. Aalis ako dito kung saan maraming alaala ang nabuo. Maraming masasayang araw na kasama ko si JC. Aalis na ako kasi gusto ko nang kalimutan ang lahat nang nangyari sa buhay ko. Sana bangongot lang ito pero hindi! Ito ang katotohanan. Kahit masakit ay tatanggapin ko kaysa naman maging masaya ako sa piling ni JC pero ang pagmamahal niya pala ay hindi totoo.
Naiyak talaga ako sa chapter na to guyss. Naalala ko na naman kasi ang past ko. Haha! Ang OA ko no? ☺☺

BINABASA MO ANG
FIRST TIME
De Todo[ The Unusual Love Story Of Juan Carlos De Guzman and Jade Dela Fuente ] Sa buhay natin kailangan natin ng taong magmamahal sa atin at tatanggap sa atin ng buong-buo. Paano kung ang lahat ng yon ay pinaramdam sayo ng isang tao? Sinasabihan ka na mah...