CHAPTER 25 (In a Relationship)

3 0 0
                                    

*Jade*

hindi parin ako makapaniwala sa nangyari kahapon.
Totoo bang kami na?  Di kaya panaginip lang ito? Tama ba itong pinasok namin? Paano kung hindi nila kami matanggap? Paano kung huhusgahan nila kami? Alam kong okey lang nina Mama at Papa ito. Pero paano ang mga magulang ni JC. Matatanggap kaya nila ako?kami?  Bahala na basta't mahal ko siya. Ipaglalaban ko siya hanggat aking makakaya.
____________________________________

Kinabukasan nagising ako nang may biglang humalik sa pisngi ko. Si JC at nakangiti pa.

"Bakit ba palagi mo akong hinahalikan?-Sabi ko sa kanya.

"Diba boyfriend na kita, kaya magagawa ko ano man ang gusto ko.-Sabi niya sa akin.

"Kahit naman nong hindi pa kita sinagot hinahalikan muna ako.-Sabi ko ulit sa kanya.

"Kasi mahal kita.-Diretso niyang sabi sa akin.

Natulala na lang ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kong ano ang irereak ko.

"Bumangon kana jan at kumain na tayo. Nagluto ako.-Sabi niya sa akin.

Lumabas na siya nang kwarto. Ako naman ay naligo at nagbihis muna bago bumaba.  pagbaba ko wala si JC kaya dumiretso na lang ako sa lamesa para kumain. Maya-maya pay lumabas siya sa kanyang kwarto.

"Bakit hindi mo ako hinintay? Diba sabi ko sabay tayong kakain.-Sabi niya sa akin na tila nagtatampo.

"Sorry! Nagutom na kasi ako kaya nauna na lang ako.-Sabi ko sa kanya. Pero hindi siya sumagot.

"So ano? Unang araw natin sa relationship mag-aaway tayo ganon?-Sabi ko sa kanya. Nagulat siya at nilingon ako at ngumiti.

" Adik kaba? Kanina lang nagagalit ka ngayon nakatawa.-Sabi ko sa kanya.

"Oo Adik ako.-Nakangiting sabi niya.

"Ano? -Sabi ko

"Adik na adik ako sayo.-Sabi niya na nakangiti.

"Ang corny mo no?-Sabi ko sa kanya.

"Bahala na kung corny ako basta mahal kita.-Sabi niya sa akin.

Alam kung namula na ako sa mga pinagsasabi niya. Alam ko yon kasi nag-init ang mukha ko.

"Tigilan mo na nga yan. Bilisan mo na baka ma-late tayo.-Sabi ko sa kanya.

Binilisan naman niya ang kanyang pagka-in at pagkatapos ay umalis na papuntang shool.
Habang naglalakad kami ay kinukulit niya ako kaya di ko mapigilang tumawa nang malakas. Pinagtitinginan na nga kami nang mga tao pero siya parang walang paki. Pagdating namin sa room namin ay binati kami ni Candyse.

"Congrats sa inyong dalawa. I'm very happy na kayo.-Sabi ni Candyse sa amin.

"Buti nalang at sinagot ako nang mokong na to.-Natatawang sabi ni JC sabay yakap sa akin.

Alam kong kinikilig na si Candyse pero pinipigilan lang niya.

"Alam kong sasagutin ka ni JADE,First day palang nang school nakanganga na yan tumutulo pa nga ang laway pag tinititigan ka niya.-Natatawang sabi ni Candyse kay JC.

FIRST TIMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon