Pagkatapos nang kanilang klase ay umiwi na sila. Sabay na umuwi sina JC at Jade pagdating nila ay agad silang nagpalit nang damit atsaka bumaba para manood nang tv. Magkatabi silang nanood, si Jade ay naisipang humiga sa hita ni JC nabigla naman si JC sa nakita at napatingin kay Jade."Ikaw talaga ang cute cute mo. Kung hindi lang kita mahal tiyak hinulog na kita.-Nakangiting sabi ni JC. Pero si Jade ay nagtampo kaya bumangon ito at umalis. Hinabol ito ni JC at binuhat pabalik sa sofa.
"Ang bilis mo magtampo no? Pero okey lang kasi ang cute mo.-Nakangiting sabi ni JC sabay Pisil sa ilong ni Jade.
"Aray!-Sabi ni Jade na tila nasaktan sa ginawa ni JC.
"Sorry!-Sabi ni JC sabay kiss sa ilong ni.JADE. nagulat na naman si Jade kaya namula ito at tinukso naman siya ni JC.
"Hala! Bakit namula si Ms.Tampo ha?-Nakangiting sabi ni JC. Pero si Jade ay hindi sumagot kay niyakap na lang siya ni JC.
"JC......punta tayong McDo nagugutom kasi ako.-Naglalambing na sabi ni Jade kay JC.
"Wait lang ha! Magbibihis lang ako.-Sabi ni JC sabay tayo at punta sa kwarto. Nagmamadaling bumaba si JC at nakita niya si Jade na naka-upo sa sofa. Nilapitan niya ito at niyakap.
"Tara na?-Nakangiting sabi ni JC sabay hawak sa kamay ni Jade at umalis. Pagdating nila sa McDo ay agad nang nag-order si JC. Si Jade naman ay humanap nang pwesto nila. Umupo si Jade at naghintay kay JC. Dumating na si JC at may dala na itong pagka-in. Kumain lang sila hanggang sa mabusog sila. Niyaya naman ni JC si Jade na maglakad-lakad muna bago umuwi tutal maaga pa nama. Kaya pagkatapos nila ay pumunta na sila sa park.naglakad lakad lang sila doon at nang mapagod si Jade ay umupo ito sa swing,tumabi naman sa kanya si JC.
"Nagugutom ka ulit? Sandali lang ha bibili ako nang fishball at kikyam.-Sabi ni JC sabay takbo papunta sa nagtitinda nang fishball at kikyam. Nakaupo lang si Jade hanggang sa dumating na si JC na may dalang apat na basong fishball at kikyam.
"Bakit ang dami mong dala?-Sabi ni JADE na nagtataka.
"Wala lang' gusto ko kasing busugin ka-Nakangiting sabi ni JC sabay abot sa fishball at kikyam. Kinain na nila ang lahat at naubos ito.
"Masarap ba?-Nakangiting sabi ni JC. si Jade naman ay tumango lang.
"Gusto mo pa?-Sabi ulit ni JC at tumango na lang si Jade kasi nasarapan siya talaga sa fishball at kikyam kaya si JC ay tumakbo ulit at bumili muli nang fishball at kikyam.kumain na ulit sila nang fishball at kikyam nang baiglang bumuhos ang ulan. Tumakbo sila at sumilong sa waitingshed. Lumipas ang isang oras ay hindi parin tumila ang ulan kaya naisipan na nilang suungin ito at maligo na lang. Tumakbo lang sila paunta sa kanilang bahay habang magkahawak ang kanilang kamay. Pagdating nila sa bahay ay sobrang basa nila kaya pumunta muna sila sa kani-kanilang kwarto at naligo at nagbihis at bumaba ulit para manood nang tv. Nakahiga si Jade sa hita ni JC at hindi namalayan ni JC na nakatulog pala si Jade sa hita niya pero nanginginig ito kaya agad niya itong hinawaka.
"Jade ang init mo!-Natatarantang sabi ni JC sabay buhat at dala sa kwarto nito.
Dahan dahang inilapag ni JC si Jade sa kama nito atsaka kinumutan at bumaba para kumuha nang maligamgam na tubig at bimpo.
Pinunasan ni JC si Jade at bigla itong nagsalita."JC wag mo akong iwan.-Sabi ni Jade na nanginginig. Si JC naman ay patuloy lang sa pagpunas kay Jade. Hanggang sa tuluyan nang nakatulog si Jade. Aalis na sana si JC nang biglang nagising si Jade.
"JC.. Wag mo akong iwan.-Sabi ni Jade na nanginginig parin. Si JC naman ay bumalik sa tabi ni Jade.
"Tabi na lang tayo matulog-Sabi ulit ni Jade si JC naman ay hindi nakasagot at ngumiti na lang siya atsaka humiga sa tabi ni Jade. Nagulat ulit si JC nang biglang yumakap sa kanya si Jade at ang ulo nito ay nasa dibdib niya. Aalisin niya sana ito pero humugpit ang pagkakayakap ni Jade kay JC. Hinayaan na lang ni JC si Jade at nakatulog na rin siya.

BINABASA MO ANG
FIRST TIME
Random[ The Unusual Love Story Of Juan Carlos De Guzman and Jade Dela Fuente ] Sa buhay natin kailangan natin ng taong magmamahal sa atin at tatanggap sa atin ng buong-buo. Paano kung ang lahat ng yon ay pinaramdam sayo ng isang tao? Sinasabihan ka na mah...