WILL...WILL...WILL YOU BE MY..
Anak.....Anak gising na. Anak baka ma-late ka sa school,unang araw mo pa ngayon. Hoy!-Sabi ni Mama
Mama naman eh! Ang KJ naman eh! Ang ganda na sana ng panaginip ko eh!-Sabi ko Kay Mama habang kinakamot yong ulo ko.
Wag ka nang magmaktol jan ang ako sayo eh maligo kana at baka ikaw ay ma-late.-Sabi ni Mama atsaka umalis.
Bumangon na ako at pumunta ng CR. Habang naliligo ako ay naalala ko yong panaginip ko.
Ano kaya ang ibig sabihin non?-tanong ko sa aking sarili.
Ano kaya ang kadugtong ng salitang ( WILL YOU BE MY ).
Ah! Baka Slave,O di kaya YAYA.My Gash baka PET? (Aray kung maka PET naman! Haha ) Baka GF! Kyaahh! Sana magkatotoo yon.
Ay! Hindi pa pala ako nagpapakilala. Hi My Name is Jade Dela Fuente the only daughter of (Kung maka daughter si ateng oh! Haha,joke lang eto naman oh! )
Okey fine! The only son of Mr. & Mrs. Juan & Silvia Dela Fuente.Bata pa lang kasi ako alam ko nang iba ako. Hindi ibig sabihin abnormal hah! Kayo naman. Lalaki ako pero ang puso ko Babae. Haha! Bata pa lang ako ayaw ko na talaga ang mga laruang panlalaki. Ang nilalaro ko noon sa school eh yong mga Paper Doll. I don't know kung meron pa yon ngayon. Basta yon ang nilalaro ko pero hindi ko pinagsasabi sa mga magulang ko baka kasi jumbagen nila ako. Hanggang sa isang araw ay nakita nalang ni Mama ang mga Paper Dolls ko sa Room ko. Natakot talaga aketch dahil baka itakwil nila ako. Pero sa awa nang Diyos ay hindi naman.
Anak ano ang mga ito?-Tanong ni Mama sa akin.
Ah....Eh! Ma,laruan ko po yan.-Sabi ko sa Mama ko with matching pikit mata,baka kasi paluin niya ako.
Akala ko papaluin ako ni Mama,Pero pagmulat ng aking mga mata ay nakita ko lang siyang tumatawa.
Halika nga dito anak at niyakap niya ako.
Anak wag kang matakot,tatanggapin ka namin ng Papa mo kahit ganyan ka.-Sabi sa akin ni Mama at hinalikan niya ako sa noo.Eh.. Ma paano po si Papa?-Sabi ko sa kanya na tila natatakot.
Akong bahala anak pagdating ng Papa mo sabihin mo sa kanya kung sino ka talaga.-Sabi ni Mama habang ngumingiti.
Maya maya pa ay may tumawag kay Mama.
Oh! Anak baka ang Papa mo na iyon.-Sabi ni Mama.
Bumaba kami at nakita namin si Papa na umuupo sa sofa.
Hon?may sasabihin ang anak mo.-Sabi ni Mama kay Papa
O,Ano yon anak?-Tanong ni Papa sa akin.
Unti-unti akong lumapit kay Papa at nagsabi nang.
Pa wag kayong magagalit ha.-Sabi ko kay Papa
Ba't naman ako magagalit?-Tanong ni Papa sa akin.
Promise.-Sabi ko sa kanya.
Promise-Sabi ni Papa.
Pa.... Bakla po ako. -Sabi ko kay Papa sabay pikit sa aking mga mata.
Baka kasi jumbagen ako eh. Ang laki pa naman nong kamao niya. Haha! Charoot lang.Bigla na lang may yumakap sa akin at pagdilat ko si Papa ito.
Anak kahit ano ka tatanggapin ka namin,syempre anak ka namin eh. Masakit lang,kasi wala nang magpatuloy sa apelyedo natin. Pero kahit ganon wala na kaming magagawa,yan ang disesyon mo eh. Kung anong gusto mo susuportahan ka na lang namin ng Mama mo.
Naiyak talaga ako sa sinabi ni Papa. Ang saya at sarap pa lang isipin no, na tanggap ka nang pamilya mo. Di katulad ng ibang magulang na sinasaktan at itinatakwil ang kanilang anak pag nalaman nilang Bakla o Tomboy ang Anak nila.
Sabi pa nga nong iba,malas daw kami at makasalanan. Kasi daw gumawa lang ang diyos ng Lalaki at Babae.
So, Ano kami hayop ganon? Tao din kami hoy. Tao din kami na nagmamahal at nasasaktan.
sorry.sorry naging emotional ako. Balik na tayo sa kwento. Haha!!!
Pagkatapos kong maligo at magbihis. Bumaba na ako at nakita ko sa may kusina sina Papa at Mama kasama si Manang Puring.
Good morning Ma,Pa,Manang- Sabi ko sa kanila
Good morning-Sabi nilang tatlo
Oh kumain kana at baka ma-late ka-Sabi ni Mama sa akin.
Opo Ma-Sabi ko naman.
Bilisan mo na dyan at ihahatid ka namin ng Mama mo sa School.-Sabi ni Papa sa akin
Tapos na akong kumain at naghanda na para umalis. Malayo layo rin ang pinasukan kung school mula sa amin eh mga 4 na oras ang babyahein.
Pagkatapos ng 4 na oras ay nandito na kami sa school na papasukan ko. Paglabas ko nang kotse ay namangha ako sa laki nang school. Sobrang lawak nito,may basketball court, field,swimming pool at kung ano-ano pa.
O,pano Anak iwan kana namin ha-Sabi sa akin ni Mama at hinalikan ako sa pisngi
O,sige Ma,ingat kayo sa pag-uwi-Sabi ko sa kanila
O,sige mag text ka kung uuwi kana at susunduin ka namin.-Sabi sa akin ni Papa.
Opo Pa-Sabi ko
Sige anak,mag-iingat ka at enjoy your first day school.-Sabi sa akin ni Mama saka pumasok sa kotse.
Sorry guyz! Ang boring no? Kasisimula pa lang boring na agad.

BINABASA MO ANG
FIRST TIME
Random[ The Unusual Love Story Of Juan Carlos De Guzman and Jade Dela Fuente ] Sa buhay natin kailangan natin ng taong magmamahal sa atin at tatanggap sa atin ng buong-buo. Paano kung ang lahat ng yon ay pinaramdam sayo ng isang tao? Sinasabihan ka na mah...