*JADE*
Nasa kwarto na ako ngayon at iniisip ko parin ang nangyari sa amin ni JC kanina. Si JC naman ay lumabas muna at may binili sandali kaya ako lang mag-isa dito.
Tinawagan ko na lang si Mama kasi miss ko na siya.
"Hello ma.-Sabi ko kay mama.
"O anak,bakit ngayon.ka lang napatawag? Sobrang miss na kita.-Sabi ni mama sa akin na halatang nalulungkot.
"Busy kasi ma eh! Ang daming project sa school.-Sabi ko kay mama.
"Ah ganon ba anak? Kumusta kana?-Sabi ni mama.
"Okey naman po. Kayo ma?-Sabi ko.
"Okey lang anak,medyo naninibago lang ako.-Sabi niya sa akin na halata parin sa boses ang lungkot.
"Ma miss ko na po kayo.-Sabi ko sa kanya.
"Ako rin anak miss na kita.-Sabi niya.
"Kumusta po si Papa?-Sabi ko ulit.
"Ayon busy sa trabaho niya. Next year pa daw siya uuwi.-Sabi niya.
"Ma?-Sabi ko kay mama.
Medyo kinakabahan na ako,kasi hindi ko alam ang magiging reaction ni mama sa sasabihin ko. I know tanggap niya ako pero matatanggap niya rin kaya na magkaroon ako nang boyfriend.
"Ano yon anak?-Sabi ni Mama.
"Pa........paano pag magkaroon ako nang boyfriend okey lang ba sayo?-Nauutal kong sabi kay mama.
Alam kong nagulat si mama sa sinabi ko. Hindi siya agad nakapagsalita sa sinabi ko. Alam kong nabigla rin siya. Mga ilang minuto bago siya sumagot.
"Ano ang ibig mong sabihin anak?-Sabi ni mama sa akin
"Ma! Ma.......may boyfriend po ako ngayon.-Sabi ko kay mama.
Hindi siya sumagot agad. Alam kong naguguluhan.na rin siya.
"Anak kong makakabuti yan sayo,okey lang sa akin pero pag hindi, hindi ako payag anak.-Sabi ni mama sa akin.
"Ma okey naman po siya. Tinanggap niya ako. Hindi lang tinanggap minahal pa.-Sabi ko kay mama.
"Pero anak sure ka na ba talaga?-Sabi niya sa akin.
"iwan ko nga eh! Baka husgahan lang kami nang mga tao. Natatakot nga ako ma.-Sabi ko kay mama .
"O hindi ka naman pala sure,bakit ka pumasok sa isang relasyon na walang kasiguraduhan.-Sabi ni mama na halatang nag-aalala.
"Minahal niya kasi ako ma at ipinaramdam na espesyal ako sa kanya. Kaya kahit anong mangyari tatanggapin ko. Kahit na wala tong kasiguraduhan tong pinasok ko bahala na.-Sabi ko kay mama.
"Anak ramdam kong mahal mo siya. Ang akin lang naman kasi, pareho kayong lalaki. Anak lalaki din siya alam kong maghahanap siya nang babae. Hindi sa ayaw ko sa inyo. Tanggap ko naman kayo. Pero anak ayaw lang kitang masaktan.-Sabi sa akin ni mama na nag-aalala.
Hindi ako nakasagot agad kay mama. I know tama siya na lalaki din si JC at darating ang panahon na maghahanap din siya nang babae. Pero mahal ko siya at mahal niya rin ako kaya kahit na anong mangyayari ay ipaglalaban ko siya. Sabi nga nila, Ang pag-ibig parang sugal, itaya mo man ang lahat hindi ka makatitiyak na panalo ka. Pero kahit na matalo ka wag kang titigil sa pagsugal kasi malay mo panalo kana pero ikaw hindi na sumugal. Kaya isusugal ko ang lahat para lang kay JC.
"Ma I know. Pero mahal niya ako ma. Tinanggap niya ako nang buo. Kaya kahit na anong mangyari ma ipaglalaban ko siya.-Sabi ko kay mama.
"Okey anak kong yan talaga ang gusto mo. Basta ang pag-aaral ha wag kalimutan. Atsaka wag mo muna ibuhus lahat ang pagmamahal mo para sa kanya anak, alam mo na incase of emergency.-Natatawang sabi ni mama sa akin.
"Yes ma! Hindi ko po pababayaan ang pag-aaral ko.-Sabi ko kay mama.
"Sige anak matulog kana. Alam kong may pasok kapa.-Sabi ni mama sa akin.
"Okey ma salamat. Ingat ka jan.-Sabi ko.
"Ikaw rin jan anak. Bye.-Sabi ni mama sa akin. Sabay baba nang phone.
Iniisip ko muna ang sinsabi ni mama sa akin. Hindi ko namalayan na kinain na pala ako nang antok.
BINABASA MO ANG
FIRST TIME
Random[ The Unusual Love Story Of Juan Carlos De Guzman and Jade Dela Fuente ] Sa buhay natin kailangan natin ng taong magmamahal sa atin at tatanggap sa atin ng buong-buo. Paano kung ang lahat ng yon ay pinaramdam sayo ng isang tao? Sinasabihan ka na mah...
