Nagising ako nang may mabigat na nakadagan sa akin. Pagmulat ko ay nakita ko si JC na nakapatong ang kalahating katawan sa akin. Dahan-dahan ko yong inalis. Habang inaalis ko yon ay bigla siyang gumalaw.
"Ano ba? -Sabi niya habang nakapikit pa ang mata.
"Hoy bumangon kana jan. Male-late na tayo.-Sabi ko sa kanya habang niyoyogyog siya.
Minulat niya ang kanyang mata. At tamad na bumangon.
"Akala ko ba hindi ka malikot matulog.-Nakangiti kong sabi sa kanya.
Siya naman ay hindi muna sumagot.
"Hindi nga! Bakit?-Sabi niya.
"Ahh, kaya pala nakapatong ka sa akin. Kasi hindi ka malikot matulog,ganon?-Nakangiti kong sabi sa kanya.
"Talaga? Kaya pala ang sarap nang tulog ko.Gusto mo naman?-Natatawa niyang sabi sa akin.
"Hindi kaya. Nahirapan nga akong huminga kasi ang bigat mo.-Sabi ko sa kanya
"Ang gaan ko kaya, hindi naman ako mataba ah!-Sabi niya.
"Sige na nga! Tumayo kana jan at maligo baka ma-late tayo.-Sabi ko sa kanya sabay tayo at naglakad pa puntang banyo. Bago pa ako makalapit sa pinto ay nagsalita siya.
"Wait! Sandali lang-Sabi niya sabay takbo palapit sa akin.
Nang makalapit na siya ay nagsalita siya.
"Pwede bang sabay na tayo maligo.-Nakangiti niyang sabi sa akin.
"No! Ayo ko nga!.-Sabi ko sa kanya.
"Sige na!-Pagpipilit niya.
"JC, wag ka ngang makulit. Maligo ka na para di tayo ma-late.-Sabi ko sa kanya sabay pasok sa banyo at ni-lock ang pinto.
Hindi siya sumagot. At narinig ko na lang ang malakas na sara nang pinto sa kwarto ko.
Pagkatapos kong maligo at magbihis ay lumabas na ako. Pagbaba ko ay nakita ko si JC na nakasimangot na nakaupo sa lamesa. Lumapit ako don at kumain. Kaso siya ay walang kibo kaya hindi ko na lang ginulo. Kumain lang kami. Pagkatapos ay pumunta na sa school. Habang naglalakad kami ay hindi parin siya umimik kaya kinulit ko na lang.
"Hoy! Kanina kapa hindi kumikibo. Anong nangyari sayo.-Sabi ko sa kanya na nakahawak sa braso niya.
"Wala-Tamad niyang sabi sa akin.
"Nagtatampo ka kasi hindi kita pinasabay maligo.-Sabi ko sa kanya.
Pero hindi siya sumagot.
"JC naman,para yon lang Nagagalit ka. Yong kagabi nga hindi ka nagalit na hindi kita pinagbigyan pero itong maliit lang na bagay galit ka.-Seryoso kong sabi sa kanya.
Pero hindi parin siya sumagot.
"Bahala ka nga sa buhay mo-Sabi ko sa kanya sabay takbo.
Tinawag niya ako pero hindi ako lumingon. Dere-deretso lang ako sa pagtakbo. Nakarating na ako nang school pero hindi mona ako pumasok sa room namin. Hindi ko na rin nakita si JC. Pumunta muna ako sa canteen at bumili nang tubig. Pagkatapos ay pumunta na sa room namin. Pagdating ko doon ay wala pa yong teacher namin. Nakita ko si JC na nakaupo. Tumingin siya sa akin pati na rin si Candyse. Akala ni JC na doon ako uupo.pero hindi,umupo ako sa tabi ni Almyrn.
Alam kong nagtataka si Candyse pero hindi ko na lang pinansin.
"Dito muna ako friend ha-Sabi ko kay Almyrn at pilit ngumiti.
"Anong nangyari-Nagtatakang sabi ni Almyrn.
"Wa.....wala.-Nauutal kong sabi sa kanya.
"Wag mo nang i-deny. Alam kong may nangyari.-Sabi niya sa akin.
"Si JC kasi nagagalit sa maliit na bagay.-Sabi ko sa kanya.
"What? Nag LQ kayo?-Gulat na sabi niya.
"Maliit lang naman.-Sabi ko.
"Friend ang maliit na away lumalaki pag hindi niyo inaayos. Gusto niyo ba masira ang inyong relasyon dahil lang sa maliit na bagay.-Seryosong sabi niya.
Hindi ako sumagot kay Almyrn. Alam kong tama siya.
"Friend lapitan mo na siya at ayusin niyo ang away niyo.-Sabi niya sa akin na nakangiti.
Hindi ako sumagot sa kanya. Tumayo na lang ako at lumapit at umupo sa tabi ni JC.
"Sorry!-Sabay kaming nagsalita.
"No' it's my fault Jade. Nagagalit ako sa maliit na bagay.-Seryoso niyang sabi sa akin.
"Ikaw naman kasi nagalit agad. Naninibago lang naman kasi ako. Hindi naman kasi ako sanay na may kasamang maligo.-Sabi ko sa kanya
"Sorry talaga Jade.-Sabi niya sa akin at niyakap ako.
"Okey lang. Gusto mo ba mamaya sabay na tayong maligo para hindi kana magalit.-Bulong ko sa kanya.
Ngumiti siya sa akin bago sumagot.
"Talaga?-Sabi niya.
"Oo,-Sabi ko.
Hindi namin namalayan na nakatingin na pala lahat nang classmate namin ang iba nagsisigawan at ang iba halatang kinikilig. Nag transform na lang ulit ang lahat nang pumasok yong teacher namin.
BINABASA MO ANG
FIRST TIME
Diversos[ The Unusual Love Story Of Juan Carlos De Guzman and Jade Dela Fuente ] Sa buhay natin kailangan natin ng taong magmamahal sa atin at tatanggap sa atin ng buong-buo. Paano kung ang lahat ng yon ay pinaramdam sayo ng isang tao? Sinasabihan ka na mah...
