Sa Parking Lot.Doon naghihintay si Kiel sa kanyang ate. Pinagbilin kasi sa kanya na isabay ang kanyang ate.
Walang idea ang mga magulang nila sa nangyayari sa kanila sa skwelahan.
Ni walang nakakaalam na magkapatid sila. Dahil mahigpit na ipinagbawal ito ni Kria.
Kong si Kria ay kinakatakutan nang mga studyante. Kabaliktaran naman ang nangyayari kay Kiel. Dahil likas na nerd siya nang skwelahan nila ay palagi siyang binubully.
Mas lalo pa siyang pinagtatawanan dahil sa suot suot niyang glasses.
At walang pakialam dun si Kria.
Napatayo siya nang makita niyang papalapit na ang ate niya kasama ang kanyang mga kaibigan.
"Ate..."
Mabilis na lumapit si Kria sa kanya. At hinawakan ito sa braso.
"Ilang beses ko bang sasabihin sayo na wag kang lalapit saakin?! Anu bang kailangan mo?"
Bigla namang natakot si Kiel sa tingin ni Kria.
"Ahh ate, sabi ni Tatay hintayin daw kita.."
Nakayuko niyang sabi.
Napangisi lang si Kria sa kanya.
"Okey, girls sakay na. And please don't call me ate.." Mahina niyang tinampal tampal ang pisnge nang kapatid niya.
Tahimik lamang na nagmamaneho si Kiel habang pinagmamasdan niya ang kanyang ate at mga kaibigan sa likod na para bang may pinag-uusapan.
May nabanggit pa ito na nakapagpa'curious sa kanya.
"Black Butterfly? Hindi kaya totoo ang hinala nang mga ka-schoolmate niya na leader nang isang Gang ang tinatawag nilang Queen?"
Yun ang sinasabi nang isip niya.
Dylan James POV
Kakarating lang namin sa bahay o Mansion nina Kria.
Ang laki.
Kahit ipasok ang bahay namin dito ay sobra parin.
Naunang maglakad papasok ang kapatid ni Kria. At naiwan kami sa labas.
"Girls, Dylan. Wag na wag niyo akong tatawaging master sa loob nang pamamahay namin. Nandiyan ang mga ninong at ninang ko. Kapag nagtanong sila nang kong anu-ano magdahilan kayo. Naintindihan niyo?"
Tumango tango naman kami.
"Good. Now fix yourself"
Nauna siyang pumasok at nakasunod lamang kami.
Madami ngang tao dahil naririnig namin ang tawanan nila.
May mga bata rin na naghahabulan.
Anu bang okasyon at parang may party.
Nakakahiya naman naka-uniform pa kami.
"There you are! Akala ko hindi mo isasama ang mga kaibigan mo Candice. Look Daniel hindi totoong loner ang anak niyo. Meron siyang mga kaibigan o" sabi ni tita Juls. Ngumiti lang kami sa kanya.
"Alam ko naman yun. Friendly itong anak ko kahit may topak, pero ikaw? Sigurado kabang kaibigan kalang?"
Bigla akong nasamid sa sarili kong laway nang tinuro niya ako.
"Tay... Stop okey? Were just friends" depensa ni Kria na tinawanan lang nang tatay niya.
"Defensive ka naman ata ngayon inaanak. Haha"
BINABASA MO ANG
BLACK BUTTERFLY (COMPLETED)
FanfictionKinakatakutan... Iniiwasan... Kinaiinisan... Kinaiinggitan... Siya si KRIA CANDICE PADILLA. Isang Cold headed at walang pakiramdam. Isa siyang leader nang isang Gang. Black Butterfly kong tawagin. Pero walang nakakaalam. Dahil ang makaalam nang sek...