Family

3.1K 68 3
                                    



"Happy birthday Xymond." Sabay abot ng regalo sa pamangkin kong limang taon gulang na.

Matagal na niyang hiniling saakin na ibili siya ng latest robot. Dahil yun ang hilig niya. Bilang tita ay pinagbigyan ko ang kahilingan niya.

"Yay Tita, thank you.." Tuwang tuwa niyang sabi sabay takbo patungo sa mga kaklase niya sa nursery at pinakita ang niregalo ko sa kanya.

"Naku mukhang nauto ka ng pamangkin mo ah" ani ni ate Xyrel.

"Ate maliit na bagay lang yun. Hindi naman palahingi saakin si Xymond.." Sabi ko bago sumimsim sa kopita na naglalaman ng wine.


"Alam ko. Salamat" ngiti ni ate. Tumango lang ako sa kanya.

Lumapit ako sa kinaroroonan nina Nanay at Tatay na talaga nga namang napakalambing. Magkayakap sila habang nakikipagtawanan sa kinaroroonan nang lamesa nila. Panay din ang halik ni Tatay sa pisnge ni Nanay.

Ganitong picture ng pamilya ang gusto kong makita lagi, araw-araw ng hindi ako magsasawa!


"Hoy! Nababaliw kana naman diyan. Pangiti ngiti ka ng mag-isa.." Isinandal ko ang balikat ko sa braso ni Joshie. Napagod ako sa mga palaro!

"Wala. Masaya lang ako at okey na sila Nanay at Tatay.." Mahinang kong sabi.

Hindi ko na narinig si Joshie kaya tumingala ako. Nag-iwas siya nang tingin!

Bakas sa kanya ang pangungulila.


"Joshie, pwede mong sabihin kong anu ang nararamdaman mo. Im willing to listen" alam ko nangungulila na siya sa tatay niya. Siya na ang nagsabi saakin. He will do anything wag lang mapahamak ang tatay niya.


"Wala. Anong willing to listen ka diyan."

"Ayaw mo ba talagang umuwi? Pwede kitang smahan if you wan't.." Napatitig siya saakin. Mukhang binabasa niya ang reaksyon ko. Alam kong iniisip niya na ayaw kong umuwi tapos ngayon ay sasama ako sa kanya.

"Hindi mo ako iniwan nong mga panahong kailangan ko ng malalapitan. This time, ako naman ang gagawa nun sayo.. Basta bay babalik tayo dito.." Biro ko sa kanya! Isusumpa ko na ata siya kapag hindi na siya sumama saakin pabalik.

"Okey lang ako, nagkakausap padin naman kami ni Dad." Yinakap ko siya patagilid kaya inakbayan niya ako.

"Aminin mo mas okey padin kong makikita mo siya sa personal. Joshie, hindi na siya bumabata."

Natahimik nalang siya at hindi na nagsalita. Hinayaan ko na! Alam ko naman ang iniisip niya, ako padin kahit miss na niya ang Daddy niya.

Tinawag kami nila Tatay nang Makita kami. Nakipagkwentuhan at nakipag-inuman si Tatay kay Joshie. Kong minsan ay inaasar nila kaming dalawa. Anu daw ba ang totoong estado namin ni Joshie! Tinawanan lang namin sila ni Joshua.

"Naku Tito Tita, friends lang talaga kami. Although gusto ni Kheezy ng higit pa dun.." Napairap nalang ako sa kawalan. Wala talagang matinong sasabihin itong si Josua.

"Okey lang naman saakin yun. Basta wag mo lang sasaktan ang princess ko." Gatong pa ni Tatay.


"Sus, itong si Kheezy? Naku tita may ibang kinahuhimalingan yan. Si Tisoy haha" batukan ko nga.


"Hoy masakit yun ha!" Sabay himas sa batok niya.

Hindi na tuloy ako tinigilan nina Kuya Bugoy at Ate Xyrel kakatanong kong sino ba yong tinutukoy ni Joshua. Hanggang matapos ang party ni Xymond.

BLACK BUTTERFLY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon