HER POVIsa isa nang nagsidatingan ang mga bisita ni nang mag alas singko nang hapon.
Mga malalapit na kaibigan at mga naging kasosyo niya sa negosyo dati.
Maging ang mga business partner din ni Nanay ay nagpunta.
Kaya't medyo oldy ang ambiance nang party.
Sila lolo at Nanay ang sumasalubong sa mga bisita samantalang kami ay ayaw naming lumabas dahil hindi rin naman namin magugustuhan ang mga pinag-uusapan nila.
Kami kasama ang mga anak nang barkada ni tatay ay nagpasya na sa loob na lamang kami nang bahay at bigyan nalang sila nang panahon para maenjoy ang kaarawan ni lolo.
Hanggang ngayon ay nagtatantyahan parin kami ni Summer.
Gusto ko siyang makausap.
Gusto kong itanong sa kanya kong anu ba talaga ang alam niya.
Nag-aanlinlangan ako dahil mukhang siya wala siyang balak sabihin.
Iniisip ko rin na baka nagloloko lang siya. Anu nga ba naman ang alam nang isang 12 years old.
"Hoy ate Candice. Tulala kana diyan. Tawag kana daw ni lolo gab" nagulat nalang ako sa sigaw ni Liam.
"Ahh oo sige." Tumayo na ako at hinatak palabas si Dylan.
Hinanap nang mata ko si Lolo. Nasa harap na pala siya mukhang nag-speech.
"Ayan na pala ang pinakamamahal kong Apo. Candice apo halika dito"
Lumapit naman ako sa kanya.
Katabi nila tatay.
Inanutan din ako nang wine glass.
"Maraming salamat sa inyong pagdalo sa kaarawan ko. Sana ay nag'enjoy kayo... Cheers para sa panibagong taon nang buhay ko"
"Cheers"
Kasabay ni lolo at nang mga tao dito ay ininum ko din ang hawak kong wine.
Pagkatapos ay lumapit ako kay lolo at yinakap siya nang mahigpit.
"Happy birthday lolo"
"Salamat Apo..."
Napabitaw lang ako nang may mga taong lumapit saamin na mga tao para batiin din si lolo.
Tinanaw ko ang lugara kong saan ko iniwan si Dylan pero hindi ko na siya makita.
Kaya inikot ko ang paningin ko.
Nakita ko siya kasama si Nanay?
Lalapitan ko sana nang may humawak sa pulsuhan ko. Napatingin ako.
Si Summer.
"Ate tawag ka nila tita Julia"
Tinanaw kong muli sina Nanay at Dylan.
Mukhang seryoso ang pinag-uusapan nila.
Hindi na ako nakapagreact nang hatakin narin ako nila Kassandra at Liam.
"C'mon ate, kanina pa kita hinahanap! Picture picture na daw"
Masiglang saad ni Kass.
Kaya napagtianod nalang ako sa kanila.
Pinuntahan namin sila Ninang Julia kasama sila Ninang Miles nagkakabiruan na naman sipang magbabarkada sa photobooth.
"Daddy kami naman" hirit ni Liam.
BINABASA MO ANG
BLACK BUTTERFLY (COMPLETED)
Hayran KurguKinakatakutan... Iniiwasan... Kinaiinisan... Kinaiinggitan... Siya si KRIA CANDICE PADILLA. Isang Cold headed at walang pakiramdam. Isa siyang leader nang isang Gang. Black Butterfly kong tawagin. Pero walang nakakaalam. Dahil ang makaalam nang sek...