Magang maga ang mga mata ko ng gumising ako ng madaling araw. Tingin ko ay hindi naman talaga ko nakatulog, dahil pag-iisip na iba ang tingin nila nanay kay Dylan. Nasasaktan ako para sa kanya! Ngayon wala pa akong mapanghahawakan para maipaglaban ko siya. Dahil ang tingin parin nila kay Dylan ay anak ng traydor.Nag-aayos ako ng aking sarili ng tumunog ang cellphone ko. Ganun na lamang ang lawak ng ngiti ko ng lumabas sa caller ID ko si Dylan.
"Hello?" Ako.
"Good morning baby." Malambing niyang tinig. Hindi ko maiwasang masaktan sa para sa kanya.
"Good morning. Aga mong nagising ah!" Nakangiti kong sabi.
"Maaga ba? E mas maaga ka sakin. Aalis naba kayo? Nasa airport na ako" nanlaki ang mata ko sa sinabi niya? Siya nasa airport na? Diba parang ang aga naman ata niya.
"Bakit ang aga mo diyan? Isang oras pa bago kami umalis." Diko maiwasang mag-alala.
Narinig ko siyang bumuntong hininga.
"Hindi ko kasi alam kong makakapunta pa ako kapag mamaya pa ako umalis. Don't worry, i'll be fine. Take your time. Kumain ka ng marami okey? I'll just see you later. Bye baby i love you sobra." Hindi manlang niya ako hinintay na sumagot binaba niya agad ang tawag niya.
Napabuntong hininga nalang ako. Batid ko ang paghihirap niya sa sitwasyon namin ngayon. Pero dahil pareho kaming walang magawa pareho kaming magsasakripisyo.
Pagbaba ko nakahanda na ang almusal. Nandoon narin sila Nanay at Tatay sa dinning area.
"Kumain kana. Hindi na pala dadaan dito si Joshua dederetso nalang daw siya sa airport dahil yong daddy niya ang maghahatid sa kanya." Sambit ni Nanay. Tumango tango naman ako.
Hanggang ngayon iniisip ko parin si Dylan. Ang aga niyang pumunta sa airport. Nakapag-almusal na kaya yun? E baka nga hindi pa nakakatulog yun sa sobrang aga niya. Bukas daw ay pasukan na nila, isang taon nalang din ay ga-graduate na siya. Sa isang thri-sem university siya pumapasok kaya tatlong taon lang siya sa college. Kapag nagkataon ay sabay pala kaming ga-graduate.
Naikwento niya rin saakin kong bakit tinawag siyang Supremo ng mga tauhan niya. Ang totoo niyan ay napagkatuwaan lang daw nilang mga kaibigan niya sa college ang pangalan niya. Nagbuo sila ng Grupo na kong tawagin ay Roborats, siya ay tinawag nilang supremo dahil siya daw ang leader. Dahil puro loko loko ang mga kaibigan niya, isang beses ng isinama niya sa resthouse nila ang mga kaibigan niya inutusan ng mga kaibigan niya ang mga tauhan nila na tawagin siyang Supremo. Dahil sa sobrang kalasingan ay sinang ayunan niya ang kanyang mga kaibigan. Simula noon ay tinatawag na siyang supremo. Hindi na niya nabago dahil mas astig daw pakinggan lalo na't naalala niya ako. Siya ang Supremo ako ang Master.
"Candice, what's wrong? Bakit di mo ginagalaw ang pagkain mo?" Tanong ni Tatay.
"Wala po." Sinubukan kong ubusin ang pagkain ko ngunit hindi ko kaya habang nasa isipan ko si Dylan.
Si Tatay na ang nagmaneho para saakin. Hindi na sumama si Nanay dahil dederetso daw siya bahay nila mamita.
Nakatingin lang ako sa labas ng bintana. Bumibigat ang pakiramdam ko habang papalapit kami ng papalapit sa airport. Hindi ko alam kong magkakaroon pa ako ng pagkakataon para makapagpaalam sa kanya o makita manlang siya saglit.
Nakapark na kami sa airport ng magtext saakin si Dylan.
Dylan:
Smile ka naman Kamahalan, para hindi ang malungkot mong ngiti ang baonin ko sa pag-uwi.
BINABASA MO ANG
BLACK BUTTERFLY (COMPLETED)
Hayran KurguKinakatakutan... Iniiwasan... Kinaiinisan... Kinaiinggitan... Siya si KRIA CANDICE PADILLA. Isang Cold headed at walang pakiramdam. Isa siyang leader nang isang Gang. Black Butterfly kong tawagin. Pero walang nakakaalam. Dahil ang makaalam nang sek...