Di maipaliwanag

3.7K 106 2
                                        





Dylan


Alam niyo yong feeling na okey na ang lahat? Pero hindi pala.

Darating talaga sa point na maiinis ka nalang dahil hindi mo alam kong anong nangyayari.

Nakakatanga.

One day okey kayo. Then the next day hindi na naman!

Ang gulo hindi ba?

Yun ang nararamdaman ko simula nang mapansin kong nagiging malapit na si Enrich at Kria.

Akala ko ayaw niya sa lalaking yun?

Pero bakit lagi silang magkasama?

Uwian! Pagpapasok! Anu ba talaga?


"Serious black focus"


Sigh.

Paano ako makaka-focus kong lumilipad ang isipan ko.

Isang linggo na mula nang pumalit si Agent yellow kay kria sa pagtrain sakin.

At sa loob nang isang linggo? Wala akong natutunan! Seriously, magaling na trainor si agent yellow sadyang nadidistract lang ako.

Nakakabaliw.

"Okey lets take a break"

Naupo na muna ako sa gilid.



"Babae ba?"


Hindi ako sumagot.


"Alam mo? Sa mundo natin hindi ka pweding magpaapekto sa nararamdaman mo. Dahil yun ang magpapatalo sayo. Binabalaan lang kita Serious black, malapit na ang mission mo. Isang linggo nalang."


"Bakit hindi ka muna magfocus sa mission at sa fight mo? Kapag pinagpatuloy mo yan ikaw din... Baka hindi mo na siya makita kailanman"


--


--



--



Focused! Yan ang itinatak ko sa utak ko kaya sa natitira kong isang linggo training lang ang inatupag ko. Ni hindi ko na nakuhang pumasok sa skwelahan dahil panigurado madidistract lang ako.

Kailangan kong maging handa. Lalo na't sa makalawa na ang unang sabak ko sa mission ko.

Sa loob nang isang linggo madalas akong purihin ni Agent yellow dahil sa bilis kong kumilos. Kahit nga daw kay master ako makipaglaban ay matatagalan bago ako mapatumba ni master. Talagang ako ang matutumba. Syempre wala pang nakakatalo kay master. Sa galing at bilis niya? Daig pa niya ang may kapangyarihan. Baka nga may anting anting na yun eh.

Nakakamiss din pala ang isang yun! Anu kayang ginagawa niya? Hindi na siya nagagawi dito. Sina arisse at pamu pang ang lagi kong kasama dito. Hindi ko naman magawang kamustahin siya kina arisse at pamu baka tuksuhin lang ako.


"Serious black natanggap ko na ang mission mo. Tingin ko madali lang to. Isang politika na grabe kong mangurakot"


Bumalik na naman ang kaba ko! Panigurado ay kailangan kong pumatay sa mission na to. At dahil politika baka hindi lang isa ang mapatay ko.

Huminga ako nang maluwag.

"Wag kang mag-alala. Maraming paraan para mapatumba mo ang mga kalaban... Hindi kailangan dumanak nang dugo. Kailangan mo lang pag-aralan ang bawat galaw niya. Kong saan siya naglalagi. O kong anu ang hilig niya. Kaya mo yan. Ikaw pa! At isa pa kasama mo sa mission sina black heart at black spade"


BLACK BUTTERFLY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon