Kaibigan

2.4K 64 0
                                    




"Nanay..." Madali akong tumakbo palapit sa kinaroroonan ni Nanay na siya susundo saakin ngayon. Wala akong dala maliban sa bag pack at jacket na bitbit ko. Yun din naman kasi ang binilin ni Nanay nang tawagan niya ako bago ako umalis.

"Namiss kita Anak.." Sabay yakap saakin ni Nanay.

"Halika na. Hinihintay kana ni Mommy pero sa bahay muna tayo dumeretso."

Tumango naman ako.

Nasa byahe kami ni Nanay nang ilabas ko ang cellphone ko.

Wala paring mensahe saakin si Dylan. Kahit manlang seen ay wala. Siguro ay ganun talaga siya Ka-busy.

Siguro ay bibisitahin ko nalang siya sa Condo niya sa oras na makatakas ako kay Nanay. Tingin ko naman ay papayagan akong umalis ni Nanay. Mukha naman siyang okey na. Mukhang nakalimutan na niya ang galit niya saakin dahil Kay Dylan.


"Bakit hindi sumama si Joshua?" Tanong saakin ni Nanay sa kalagitnaan ng traffic.


"Ewan ko ba dun Nay. Palaging busy! Sabi niya saakin ay may training sila sa soccer."

Tumango tango naman si Nanay bago magbatuloy sa pagmamaneho.

Sinabi saakin ni Nanay na may Kameeting sila Tatay at Tito Jace ngayon kaya siya lang mag-isa ang nagsundo saakin.

Napansin ko ang mga nakaparadang kotse sa labas ng bahay kaya napatingin ako sa kanya.

"Nandiyan na sila." Nakangiting sabi saakin ni Nanay.

Nagkibit balikat nalang ako.

Naunang bumaba si Nanay kaya sinundan ko siya. I wonder kong sino ang sinasabi niyang andiyan na sila.

Siguro ay nandito ulit sila Tita Ninang.



"Candice.."



"Oh Ghad, Enrich.." Napatakbo ako sa kanya sabay yakap.


Natatawa naman siyang yumakap din saakin.


"Ikaw ha, hindi mo manlang ako binisita sa America. Sa pagkakaalam ko malapit lang tayo sa isa't isa." May bahid na pagtatampo ang pagkasabi ko.

Napakamot siya sa batok niya dahil sa sinabi ko.


"Naku Candice, sinabi ko na sa kanya na dalawin ka naman minsan. Hindi pa Daw siya handa. Kailangan niya padaw mag move on sayo" natatawang sabi ni Tita Liza.



"Mom.." Saway ni Enrich.


Tinawanan lang siya ni Tita Liza.

Inaya ni Nanay si Tita Liza para maghain ng pagkain kaya kami nalang ni Enrich ang natira sa sala. Linapag ko ang bag ko atsaka binalingan si Er.


"Balita ko nabuwag na daw ang BB.." Bungad ni ER.


Umiling ako bahagya.



"Hindi ko yun binuwag! Meron paring nangangasiwa nun. Tingin ko sila Pamu at Arisse parin. Maging si Agent yellow or Kevin. Hindi ko kasi pweding bitawan yun, dahil karamihan sa member ay walang wala talaga. Pero ang pinagkaiba lang ay hindi na nila kailangan makipaglaban o pumatay ng tao. Ang BB village ay tirahan nila para makapag-umpisang muli. Yong hindi na nila kailangan ibuwis ang buhay nila."

Dahil nabanggit ko narin lang ang BB ay balak kong bisitahin ang Village. Isasama ko narin lang si Enrich.



"Sama ka sakin. Bisitahin natin yong Village." Pang-aaya ko sa kanya.


BLACK BUTTERFLY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon