Nakaka-chapter 11 na ako and konti palang ang reads ko. Pero nag-aupdate parin ako kasi kahit papano may nagbabasa parin sa story ko.
Natutuwa ako na may nagco2mment na update na pls atleast alam kong interesado siya sa kwento ko. Hehe salamat nang maraming! 😘😊
***
Kria
"Tay tama na yan. Lasing kana oh"
Inagaw ko na sa kanya ang boteng hawak niya. Marami na siyang naiinum dahil sa mga basyo nang beer sa tabi niya.
Hindi naman talaga palainum si tatay. Minsan lang kapag bigat na bigat na siya sa pinagdaraanan niya.
"Anak, galit siya sakin..."
Mahina niyang sabi.
Mukhang paiyak na siya.
"Mali ba ako nak? Gusto ko lang naman siya makasama dahil Anniversary namin eh. Isang araw lang naman nak!"
Nakakaawa na talaga ang tatay ko. Hanggang kelan kaya siya magiging ganito?
Kong masama lang sana akong anak? Hindi ko na sana pinapatumba ang mga taong gustong sumira sa kompanya nang nanay ko. Sana hinayaan ko nalang malugi para magkaroon na siya nang oras para kay tatay. Kahit kay tatay nalang.
"Ngayon hindi niya ako kinakausap. Ni hindi pa siya umuuwi nang bahay. Tinatawagan ko siya hindi sumasagot. Nak? Anu nang gagawin ko?"
Umiiyak na siya kaya mas lalo akong nanghihina sa nakikita ko.
Hindi deserve ni tatay ang ganito. Deserve niya ang mahalin at alagaan. All this years siya yong palaging nandiyan para saamin. Na sana ay si Nanay ang gumagawa.
"Iwan mo na siya..." Simple kong sabi. Alam ko namang hindi susundin ni tatay yun. Dahil mahal na mahal niya si Nanay. Si Nanay kaya? Mahal niya din kaya si Tatay?
Umiling iling si tatay.
See? Kahit aobrang sinasaktan na siya ni Nanay hindi niya talaga iiwan si nanay.
"Hindi ko kaya anak..."
"Alam mo bang dumating na ako sa punto, na iwan siya? Gusto ko lang lumayo mang konti. Kasi, baka sakaling kapag lumayo ako. Hanapin niya naman ako. Na baka nag-aalala din siya sakin. Hindi naman kasi siya ganun anak eh."
"Ang nanay mo na ata ang pinaka-cold. Masungit. Walang emosyon. Walang pakialam sa mundo. Parating galit. At higit sa lahat palaging nasa trouble. Pero nong pinasok niya ako sa mundo niya. Kabaliktaran lahat nang nakikita namin sa kanya. Siya yong taong malambing, makulit, maalaga, mapagmahal, at higit sa lahat ipaglalaban ka..."
"Pero ngayon anak hindi ko maintindihan kong anong ugali meron siya... Para bang may tinatago siya saakin. Kilala ko kasi siya eh, kapag may problema siya gagawin niya ang lahat wag lang mainvolve ang mga taong mahal niya..."
"Anak, tulungan mo akong alamin kong anu... Please?"
Ayoko man ay tumango ako para lang maging okey si Tatay. At wag nang mag-alala.
Hinatid na namin siya sa bahay. Si Dylan na ang pinagdrive ko at sa likod kami umupo ni tatay.
Sa sobrang kalasingan niya nakatulog na siya.
BINABASA MO ANG
BLACK BUTTERFLY (COMPLETED)
FanficKinakatakutan... Iniiwasan... Kinaiinisan... Kinaiinggitan... Siya si KRIA CANDICE PADILLA. Isang Cold headed at walang pakiramdam. Isa siyang leader nang isang Gang. Black Butterfly kong tawagin. Pero walang nakakaalam. Dahil ang makaalam nang sek...
