Fail?

3.2K 75 4
                                    



Pasensya na kong natagalan ang aking pag-updatee! Hehehe




"Anong ginagawa mo dito sa labas?"

Nagulat ako nang biglang may nagsalita sa likod.

Si Kria...

"Nagpapahangin lang..."

Kahit ang totoo inaabngan ko ang pagdating niya. Nagbabakasakali lang na umuwi siya dito sa BB Vill.

"Ahh. Halika na baka mahamugan ka. Maaga pa fight mo bukas diba?"

Tumango tango naman ako at sumunod sa kanya papasok sa loob.

Dumerecho siya papuntang kusina at uminum nang tubig.

Nakasunod lang ako sa kanya.

Gusto ko siyang tanungin kong manunuod ba siya nang laban ko bukas pero nag-aalinlangan ako.

"Hindi.."

Salita niya.

"Huh?"

Naguguluhan kong tanong.

"Hindi ako manunuod bukas matulog kana"

Malamig niyang tugon.

Tila nagtaasan ang mga balahibo ko sa katawan sa pamamaraan nang pagsasalita niya.

Ang cold na naman niya.

Nang makalapit siya sakin. Saglit niya akong tinitigan.

Ibang Kria na naman ang kaharap ko, kong minsan nga naiisip ko na baka may kambal si Kria. Dalawa kasi ang ugaling pinapakita niya saakin. Minsan malambing at maamo pero mas madalas ang pagiging cold niya.

"Sa mundong to. Kong gusto mong tumagal. Isip ang gamitin mo, wag puro puso"

Pagkatapos niyang sambitin yun ay iniwan na niya ako.

Tila bumalik lahat saakin ang mga sinabi ni Pamu.

Bumalik na naman yong sakit na naramdaman ko.

Bakit ba iniisip ko na baka ganun din yong nararamdaman ni Kria para sakin?

Masyado ko na atang pinapaasa ang sarili ko sa mga bagay na malabong mangyari.


Kinabukasan...

Maaga akong gumising para magtraining bago manlang ako sumabak sa fight.

Dito na makikita kong magiging official member na ba ako nang BB.

Buti nalang talaga at laging nakaalalay sakin si Agent Yellow, kong minsan kasi ay meron akong mga maling techniques na maari ko daw ikapahamak.

Sa larong ito. Focus ang kailangan mo.

Dahil isang maling galaw mo lang buhay ang kapalit mo.

"Break na muna Serious black, wag mong pagurin ang sarili mo, baka mamaya pagdating mo sa ring lantang gulay kana.."

Inabutan niya ako nang tubig.

"Kong anu mang yang bumabagabag sayo, alisin mo yan. Baka yan pa ang ikapahamak mo"

Obvious siguro ako.

Gusto ko lang naman talagang manuod si Kria sa laban ko.

Pakiramdam ko kasi malakas ako kapag kasama ko siya.

"S-si Master ba hindi pupunta?"

Alinlangan kong tanong.

"Mukhang hindi, marami siyang pinoproblema ngayon. Meron din aiyang kailangan protektahan kaya malabong makanuod siya. Pero madalas talaga tuwing may laban nandon talaga si Master, ngayon lang hindi.."

BLACK BUTTERFLY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon