Sino dito ang maraming nakaaway sa FB kakatanggol sa KN? Hehehe ako madami😉 dahil sa shut up ni Deej.***
Ilang araw nang nag-aalala ang mga kaibigan ni Kria dahil sa sunod sunod nitong pakikipaglaban.
Halos wala na itong tulog.
Dahil kong hindi siya nakikipaglaban ay tinutuon niya ang sarili niya sa pag-inum nang alak.
Para nitong pinapatay nang paunti unti ang sarili.
Hindi malaman nang mga kaibigan niya kong bakit siya nagkakaganun.
Simula lang ito nang umuwi itong lasing na lasing at halos hindi na makalakad.
"Arisse, anu nang gagawin natin? Hindi ko na kayang nakikitang ganyan si Candice... Ilang araw na to ah! Hindi na to maganda"
Pag-aalala ni Pamu.
Nasa sala sila nang bahay nila at pinagmamasdan si Kria na nilulunod ang sarili sa alak.
"E kong tawagan mo kaya si Dylan!"
Suhestyon ni Arisse.
Susubukan palang sanang tawagan ni Pamu si Dylan nang may umagaw sa cellphone niya. Hindi nila namalayan ang paglapit sa kanila ni Kria.
Isang nagngingitngit sa galit na Candice ang nasa harapan nila.
Mas lalo pa silang nagulat nang malakas na inihagis ni Candice ang telepono ni Pamu.
Halos manginig ang dalawa sa ginawa ni Candice lalo na't nakikita nila ang aura ni Candice.
"Subukan niyong tawagan ang traydor na yun at hindi ko na kayo hahayaang mabuhay sa mundong to.."
May pagbabantang saad ni Kria.
Hindi maintindihan nila Pamu at Arisse kong bakit tinawag niyang traydor si Dylan.
"Okey ako! Okey na okey ako! At isa pa wala kayong pakialam kong anu man ang mangyari saakin. Buhay ko to!"
Yun lamang at iniwan silang magulo ang isipan.
"N-nakita mo yun? Para siyang papatay nang tao... Anong nangyayari sa kanya? Hindi ko maintindihan ang nararamdaman niya. Parang nasasaktan at the same time punong puno nang galit ang mata niya..."
Nanginginig na pahayag ni Arisse.
Hindi na sila nagdalawang isip pa. Dahil sa gusto nilang malaman ang totoo. At gusto nilang masagot ang mga katanungan sa isip nila ay pinuntahan nila si Dylan. Sinigurado muna nilang natutulog na si Kria bago sila umalis.
Sa bahay mismo ni Dylan sila nagpunta.
Sabado ngayon, alam nilang hindi pala-alis si Dylan nang bahay kapag walang pasok.Inakyat nila ang bahay ni dylan sa bakod at hinanap ang kwarto ni Dylan.
Madali naman nilang nahanap dahil hindi naman ganun kalaki.
Ganun na lamang ang pagakagulat ni Dylan nang makita sila Pamu at Arisse na nakaupo sa bintana nang kwarto niya.
"P-paano niyo nalaman ang bahay namin?"
Gulat na tanong ni Dylan.
Tumalon naman ang dalawang dalaga sa bintana at tuluyan na ngang pumasok sa kwarto.
"Parang hindi mo naman kilala ang Black Butterfly Dylan. Ibang tao nga natutunton namin, ikaw pa kaya.."
Nakangising sambit ni Pamu.
![](https://img.wattpad.com/cover/57023338-288-k148889.jpg)
BINABASA MO ANG
BLACK BUTTERFLY (COMPLETED)
FanficKinakatakutan... Iniiwasan... Kinaiinisan... Kinaiinggitan... Siya si KRIA CANDICE PADILLA. Isang Cold headed at walang pakiramdam. Isa siyang leader nang isang Gang. Black Butterfly kong tawagin. Pero walang nakakaalam. Dahil ang makaalam nang sek...